Linggo, Marso 22, 2009

Marte Ka!


MRT Episodes
March 12, 2009



Photo by nOnOn_5 on Flickr


Hapon na nang nagmamadali akong tapusin ang mga reports ko for the day nang maagang makalarga dahil may bondingang magaganap. Magkikita kita daw kami ng alas siyete sa may Shangri-La. Alas sais pa lang nakaready na ako kaya biglang shoot na kagad sa pinto. Since nasa Ayala lang naman ako eh hindi naman ganun kalayuan sa Crossing yun kaya naisip ko magMRT na lang.

Ayala Station ~ second stop after Magallanes galing Taft Station. Nasa tabi lang ng SM ang entrance dito. Pagpasok ko pa lang sa station eh di na maganda ang naramdaman ko. May masamang aura ang lugar, may di kaaya ayang magaganap, I can feel it. One day before Friday the 13th na naman, nakakadalawa na ngayong taon ha! OA na! Heniweys punung puno ng katatauhan ang lugar. Yung pila nakapulupot na dun sa may tapat ng KFC. After ten minutes di pa rin kumikilos ang pila. Nakakainis pa kasi yung mga taong patawid lang naman sa kabilang side ng EDSA eh kelangan magsingitan pa sa pila namin. Wish ko talagang mamatid ng isa, matry ko lang kung magdodomino effect kaya dun, pero pati yun nawalan na ko ng gana gawin. *tingin sa relo* Twenty minutes na! Sobra na to! Tiningnan ko ang mga taong nakapila, tila may gustong sabihin sila.


Jeremy: Bakit di gumagalaw yung pila?

Gelai:
It's so tagaaaahhl na nga eh yah know!


Jeremy: Really?

Gelai:
Yah it's like I'm so pagod na to make pila here.

Peachy:
Yes friend kanina pa ako! Super! Eh kayo po gano katagal na?

BiBoy:
Dude six months na, sa isang buwan lalaya na ko!

Jeremy: OA naman, wala pa tayo thirty minutes dito.

Gelai:
You look so wafu noh! Look! Look!

Becky:
Winona ryder, maaura-han nga!

Peachy:
Super cute nga, pero super katakot naman ang tattoo mga friends.

Becky: Akin sya!

Peachy:
Di mo sya mahal, kailangan ko sya!

Jeremy: Pang Wowowee ang acting! Bravo!

Lulu: Shut up!


Becky:
Taray ng lollerz! Feel mo bang tapyasin ko yang plaster mo? Bet mo?

Peachy: Boy Friend, number mo?

BiBoy:
Huh?!

Peachy:
Yes friend, can i get it?

BiBoy:
Sureness! Here, pasaload me nyong lahat dudez!

Becky:
Ayy ACDC ata ampotah! Kaancha!

Jeremy: Pano ba kayo napadpad dini?

Gelai:
I'm just making punta to my BF in the QC thru the MRT before we make nood to the DVD and then...

Becky:
Yeah yeah next!

Peachy:
Ewan ko rin ba friend, pero pinabili lang ako ng suka ni inay! Super!

Jeremy: Sosyal naman kasi bakit dito ka pa bumili ng suka?!

Becky:
Wala sigurong suking tindahan sa bundok nila. Ateng di aabot ang MRT don ha!

Gelai:
You're all so maingay you know loud!

Jeremy: Next! Ikaw na koya!

BiBoy:
I'm going to Baclaran bro.

Becky:
Ayy sali na ko jan. Take me I'll follow.

BiBoy:
Nope, I'm meeting someone dude.

Becky:
Anong dod ka jan?! May booking ka lang eh! Panalo!

Peachy: Hoy friend, uuna ka pang umeksena sakin bruha ka!

Becky:
Padadalhan na lang kita ng isang box na suka, galing Japan!

Peachy: Unang syang naging akin!

Becky: Ayy toyo pala ang tinutungga ni ateng!

Lulu:
You're all such losers! Shut up!

Becky
& Peachy: You shut up!!!


Tapos nagkaron ng sampalan, natumba na nga ang dalawa at gumulong gulong sila don. Nagsisigawan na ang mga tao. Maraming batang umiiyak. Sa pula, sa Puti! Logis! Logis! Logis! Biglang bumukas ang lupa at kinain sila ng dilim. Tapos nagising ako. Nasa pila pa rin. Thirty six minutes at 47, 48, 49 seconds na ang nakakalipas.

Nakakainis pa minsan pagdating mo sa checkpoint merong ale na may limang supot na groceries yata, o kaya batang may malaking Bekpek Bekpek at may Monkey stuffed toy pa at feel na feel talaga, o kaya manong na may dalang kahom ng naglalaman ng
kwarta, reams ng kukumban, dried mangos, o danggit. At lahat ng yan ay aantayin mong inspeksyunin kuno ng manong gardo. Wish ko lang walang bomba jan. Naalala ko tuloy yung tito ko na bumili ng pump dun sa nasirang poso sa probinsya namin. Nakakatakot lang pag tinanong ng manong gardo kung ano ang laman ng kahon, baka sumagot sya ng Bomba. Malintikan pa sya. Pag Christmas season, di mo wish magMRT kasi hassle na buksan mo pa yung pinagift wrap mo. For safety reasons naman na pabuksan nila yon pero kung celophane lang naman ang balot eh bakit pa nila kelangan bulatlatin.

Sa loob ng MRT siksikan din. Sardinas mode! Di katulad sa bus na merong gumagawa ng standing arrangement or maeexpel ka sa bus ni koya. So kanya kanya talaga ang diskarte: kung san ka kakapit, kung sa ka sasandal. Maraming beses na akong napwesto sa pinto. Mahirap sa pwestong ito kasi pag may bababa kelangan mo lumabas, at pag may sasakay eh napagtutulak-tulakan ka ng mga tao. In short, doormat ka! Kulang na lang may spiel ka pang "Thank you mamsir for riding. Please come again!"

Isa pang nakakaloka eh meron na ngang sariling mundo ang mga babae eh bakit nakikipagsiksikan din sila sa mga lalake. Yung iba gusto talaga nila sa Women only train, pwedeng dahil angkan sila ni don Tiburcio at checking out the gels, or yung mas normal na ayaw nilang nahihipuan. Kaw ba naman magsuot ng plunging kung plunging na top at ubod ng iksi na skirt eh hindi ka pa isipang nag-iimbita ng mga demonyo? So ayun nga merong mga gels na nakikisiksik sa other trains, ewan ko lang din kung tinatamad lang silang maglakad ng konti forward, ayaw nyo ba non parang jogging lang ng konti para di nyo na kelangan magkunwaring diet dietan pagkauwi. O talagang naghahanap sila ng hihipo sa kanila. Isa lang ang solusyon jan, laklak kayo ng Caladryl. Try nyo lang one time.

Habang ang mga lalake ay nagpipilit abutin ang mga bars sa taas ang mga babae naman ay kontento na lahat nakahawak sa vertical bars. Ayaw kasi nila masyadong mag-effort na itaas ang kili kili. Mahiyain lang talaga sila yah know. Nung isang beses may nakita akong kuntodo effort, nakasuot pa naman sya ng sleeveless, ayun nasilayan ko tuloy ang kanyang hacienda. Sa isang banda may plantation ng buhok na di pa naani o nakalimutan lang siguro, sa isa pa mamasa masa na siguro ay may natural aqueduct, at all around the place ay ang nagbibitak bitak at naglulupang kayamanan. Kaya naman pala nasa-shy sila.

After four stations, pababa na ako at last. Feeling ko talaga jabar jabar na ako sa place azz in. Akala ko naman kung maaga akong makakarating don kung magMRT ako. Wrong move! Dapat nagbus na lang ako. The shortest distance between two points is a line, but surely not in Line-2 if one of those two points is named Ayala. Di lahat ng matulin na paraan ay mabilis na daan.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips