Lunes, Marso 16, 2009

Big Yellow Taxi


Taxi Episodes
March 9, 2009



Mula nang mapahanay ako sa mga Makati-ists eh kelangan makisabay na rin ako sa flow nila yah know. So sa pagbibyahe eh kelangan limitahan ko na ang pagsakay ng padyak at trolley na makikita lamang sa Maynila, Mandaluyong, Pasig, at sa buong kalakhang Metro, well out of the boundaries of Makati. Ang biyahe na ngayon eh dapat Taxihan, mejo sosyalan na. Well slight shalaness lang sakin kasi naman for reimbursement pa to. Heniweys everytime meh byahe sa clients eh kelangan magboxi para naman hindi jabar jabar ka or haggardness pagdating dun.

Kadalasan kasama namin si Nuestra Senyora at sya na bahala sa fare namin. Nung isang beses eh matanda yung Manong Driver. Akalain mo ba naman na idaan kami sa lahat ng kata-traffican. Parang sinabi na nya na "if you look to your left you can see the traffic going to Ayala, and to your right is the one going to Buendia, going forward well see the traffic on EDSA." Kainis lang di ba?! Pero matanda na kasi kaya pinagbigyan na lang namin.

Pag kaming dalawa lang ni Diosa ang nagfifieldwork eh nagcocommute na lang kami. One time galing kami sa client sa Pasong Tamo at saya saya naming nakahagilap kagad ng fx na dadaan sa Don Bosco Makati kasi nga traffic lagi don. Heniweys, naglalakad na kami papunta ng office ng biglang naalala ko yung ID namin naiwan pa sa client. Nakapagtaxi pa kami ng wala sa oras at dahil don hindi pa reimbursible to. Nung tinanong namin si Manong Gardo eh sabi nya ok lang daw pala na maiwan yung ID don kung babalikan sa following day. Nako nagsayang lang kami ng pamasahe. Paglabas eh wala na masakyang fx kasi lahat sa EDSA na ang daan.

Nag-enjoy na lang kami ni Diosa kakatingin ng mga kotseng dumadaan. Nagtutorial muna si Diosa ng logos at models. Halos lahat pala ng taxi eh Toyota Corolla Altis? Sa Singapore nga daw Chrysler ang taxi eh. Sosyal lang dabah. At kadalasan white na, obsolete na ba ang yellow na R&E taxis? Infernezz kahit wala akong alam sa car, love ko na ang Mazda. Di ba official sponsor yun ng Maskman? Tapos minsan sinusundo pa nga ni Michael Joe si Rio sakay ng ride nya tapos mag-iikot sila sa Baywalk.

Nung one time eh pinayagan kami ni Nuestra na magtaxi on our own kaya ayun nawili naman. Yung client namin eh sa malapit sa EDSA sa Mandaluyong, my home base, pero mahirap padaanin sa EDSA ang taxi kaya nagcommute kami papunta, anyways magtataxi na lang kami pabalik. So jeep, MRT, at tricycle kami. Nung pabalik na taxi na kami. Si Manong Driver eh mukhang thundercats na pero surprising kasi rocker sya. Nagconcert kaya sya: "Sweet Child o' Mine" at "In the End". Kaso nung sabi namin lumiko sa Buendia hindi kami pinansin. Hindi ko sure kung yung hearing nya dala lang talaga ng old age o kakapakinig sa loud speaker ng malapitan. Dapat may megaphone kami. Pinadaan naman nya yung taxi sa may Pasay Road via Dusit. 120 inabot ang fare namin. Nung isubmit ko ang reimbursement eh biglang talak talak everlou ang inabot ko kay Admin Marissa. Nung pinapagexplain si Nuestra eh biglang linya nya na wala daw sya sa scene of the crime. Feel ko talaga magwala non, baka man lang mafeature ako sa SOCO. Sino kaya gaganap sa role ko if ever maisapelikula to? Nagbehave behave-an na lang ako kasi sila naman ang mananalo weh.

Nung next na client namin eh nasa HV dela Costa na walang malapit na way sa pamamagitang commuting kaya dapat taxi talaga. Ewan ko ba bakit ko pinayagang madala ako ni Diosa sa pag aalay lakad. Dala ko pa kaya yung lappy at working papers kaya mejo mabigat ang dinadala ko. Heniweys bumawi naman kami sa lunch pero walkathon uli pauwi. Tour guide na tour guide ang drama ni Diosa, o di kaya sa MMDA nagtatrabaho nung past life nya? Pagpapareimburse eh nilagay namin Zero sa fare para ipakitang hindi na kami magtataxi kaya wag ka na umapila jan na magastos kami. Eh umapila pa rin si Nuestra, mali daw yung dinaanan namin kasi. Ayyy walang puso! Ikorek pa talaga kami eh we're just proving a point na not all of the time susundan mo na lang ang byahe ng jeep, minsan kelangan mo mag-iba ng path at taxi lang ang makakadaan dun. Minsan kailangan mong lakarin ang malayo at pasikot sikot na daan para mas makita mo ang tama.

Nung last time na kasama namin si Nuestra eh nag-abang talaga kami ng taxi. Excusable ang 120 fare pag kasama sya eh. Fifteen minutes kaming nakatayo sa Buendia eh laging puno yung mga katataxihan. Lumipat pa kami ng pwesto, wala pa rin. Sa malayo akala mo walang laman pero pag malapit na meron pala. Minsan mag-isa lang, sa passenger seat or sa backseat, natatago kasi sa anino or talagang madilim lang sya. Minsan magjowa ang sakay at kitang kita mo na naglalandian sa loob. Forty five minutes yata bago kami makasakay. Pagpasok sa loob pagod na kami kaya bagsak na. Ngawit na ang kamay ko kakakaway. Sumilip ako sa bintana, ngayon ko lang napansin na may mga taong nagpipilit pumara ng taxi namin. Tatlo na kaya ang laman?! Pero dati di ko naman napapansin na may mga pumapara pa rin. Pag ako ang nasa labas alam na alam ko kung may laman o wala ang taxi, pero pag nasa loob na ako ay wala na akong pakialam kung may pumapara pa nito. Ambilis ng gulong ng pangyayari noh?


"Don't it always seem to go
That you don't know what you got till it's gone
"

Joni Mitchell, Big Yellow Taxi

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips