Huwebes, Abril 9, 2009

Frappes


Props
April 16, 2009





Photo ni Josh shineshare ko lang


After ng isang nakakapagod na linggo eh naaya ako makibonding ni Art aka JR sa Sbux sa may People Support, na infernezz eh kinapa ko lang talaga ang way mga two weeks ago lang ng makipagmeet ako sa mga Lonerz ng threads. Akswali nung Saturday pa yata naiset na namin yung kitakitz. Since Monday to Wednesday eh nakaleave sya tapos off nya ng Thursday at Friday eh go daw kami magkita. Last na magkita kami sa may Pioneer pa yun last year, siguro August non. During the review ko pa that time after namin magmeet ni Jude dahil may pinaburn sya na game CDs tapos ang bayad lang eh spag at chicken sa Mcjo?! Bakit walang extra rice?!

Heniweyz, fast forward tayo, hindi ako pwedeng lumarga til Wed kasi nga supah hectic sa sked with the BIR and everything. So Thursday nga ang setting. Biglang mega text din yung friend kong si Robb na kakagradweyt lang. Congratz, alam ko Summa ka, sumasampung taon! heheh. Magpapakaon daw sya sa Dampa, at Thursday din, eh kasi paalis na ng Japan Japan yung mommy nya by Saturday kaya dapat talaga Thursday. It's now or never ang drama. Eh mejo naipit ako. Food o coffee?

Dakong alas singko ng magtext si Art na baka daw maleytt sya. Eh hindi pa rin ako tinetext ng Robb. Text uli si Art na kung ok ba na i-cancel na lang yung meet up. So tinawagan ko na ang Robb, eh wala pala sa house nila dahil kasama ang mom nya. So tinext ko na si Art na green light pa rin ang meet up.

Dahil nagpahinga na lahat ng tao sa office eh nagsipag-uwian na silang lahat dakong alas singko y media pa lang. Andun pa naman yung supervisor namin kaya nagpaalam ako na kung pwede mag overstay. Ok naman daw, at buti na lang nasa may pader yung PC ko kaya hindi nya masisilip na kung anu ano lang naman pinagse-surf ko na hindi work-related.
Alas siete lumarga na ako. Dumaan pa ako ng Powerbooks para bumili ng Bakit Baligtad Magbasa.... Nagtext na rin sa wakas ang Robb na di nga tuloy yung eat-up. Maya maya nagtext na rin ang Art na sa Glorietta na lang daw kami magmeet. Ok lang naman kasi mas malapit ng mga kwarentang tambling yun kesa sa PS.

Nagkita kami sa may cinema ng Glorietta, bago ang herrstyle ni Art. No comment. Sa totoo lang inaantay nya pala ang comment ko, I refuse to give a comment noh. Baka hunting-in pa ako nung herr nya at ipakain sa bwaya. Heniweyz, inantay namin dumating classmate namin sa college na si Josh na akswali di ko kilala, other than naririnig ko yung name nya kasi nga the time na magkaklase kami eh wala na ako gana sa course na yun at balak ko na talagang lumipat.

Nagsipag-order-an na kami ng mga frappes, at surprisingly iba iba kami ng colors. Sakin pinkish white ala Ponds, kasi Strawberry and Cream na narinig ko lang naman sa Loner friendz ko na ang sarap daw, worth na makipagshare ka ng straw ba? So ayun nacurious ako sa taste. Kay Art naman Green tea yata, at kay Josh eh latte or whatever. Hindi ko talaga alam. Hindi ako expert sa ganito. Tanungin mo na lang ako sa 3-in-1 baka masagot ko pa.

May dalang cam si Josh at pinagpipicture-an ang mga frappes. Ayun may formation talaga ala Charlie's Angels. Syempre sya ang bida kaya nasa harap yung sa kanya. Wish ko lang may cam din ako at baka magka-career din ako sa photoblogging. Hayz. Yung isang officemate ko merong cam na Sony, na same nung kay Maureen, kaya tinanong ko yung price at lumalabas na mas mura pa yung nahablot, este yung nabili pala ni Mau. Sana bumili na rin ako non. Napicture-an ko pa sana yung across the table na ang cute magsmile.

After ng inuman, manonood na kami ng movie. Since napanood na nila yung Slumdog Millionaire eh ayaw na nilang maulit pa. Traumatic experience siguro. Ayaw ni Josh yung Dragonball, ok naman samin ni Art sana. Naalala ko yung vid ni kevjumba sa Youtube na bakit nga naman daw hindi Asian ang na-cast bilang Gokou?! Heniweyz, megasuggest naman na T2 daw, na buong pag-aakala ko eh kay Juday, parang yun kasi yung naalala kong sinabi ni Diosa na artista daw dun. Kay Marya pala, sorry naman, pero ayoko rin panoorin yun. So ang napili ay ang Monsters vs Aliens. Cute at funny movie, pero kids talaga ang main target nila, yung ibang jokes kelangan pa talaga ulitin four times para masulit ang script?! 

Meganon?!

Ang moral lesson: wag kang pipikit pag pinipiktyuran ang drink mo. Behave lang kayo mga children! Wag manungay sa picture kung ayomong sungayan ka ng iba. At wag assuming na laging bida si Juday sa lahat ng pelikula. At kung kinakailangan magpaalipin ka para lang makabili ng camera eh di go lang, basta galing sa pawis, dugo, luha, at laway mo yang inaasam mong camera pampiktyur dun sa cute sa kabilang table.

1-2-3-Sey Chezz!

"CHEZZ!!!"

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips