Linggo, Pebrero 1, 2009

Ayalero


Confessions of a
Neophyte Makati Boy

February, 2009


So two weeks na akong working galore sa Makati. Ok naman sa office ang mga kasama ko. Mejo luma na yung terminal na gamit ko. P4 nga pero naman 256mb ram lang ata. Pagpasok ko kaylangan ko na kagad magboot kasi it takes around 15-20 minutes start up. Good luck naman di ba. Mabuti na nga lang wala pa masyadong bulk ng work. NakakapgYM pa nga ako sa office eh. Minsan din check friendster. Pero hindi ko na masyado nadadalaw yung ibang forums ko, sa gabi na lang pagkauwi. Di naman ako magyu-Youtube sa work noh, hindi pa ganun ka-kapal ng fezz ko, di tulad nung isang officemate ko na nanonood talaga ng Lalola sa office! Shocking di ba? Lalola talaga pinapanood nya, sana man lang Wowowee or Daisy Siete.

Well ang problema ko lang talaga eh ang biyahe ko sa araw araw na ginawa ng Diyos. Akswali ang time limit na naiset ko is 45 minutes lagi. Eh ambagal ko maligo eh, ninamnam ko talaga ang lamig ng simoy. Heniweys meron namang 15 minutes na allowance kaya ok lang. So lakad takbo ako palabas then tawid at sakay ng jeep. Kaso pagdating ng EDSA eh pahirapan pa kumuha ng bus. Ayala~LRT~Leveriza! Shett, kumbaga sa sinehan, SRO to. Patok sa takilya. Bentang benta talaga. Mabuti na sumiksik sa sardinas kesa magjinarte at maubusan ng oras. Minsan nga nasa pinto lang ako nakapwesto at tulak tulakan ka rin pag may bababang pasahero. Pati maskels ko nararamdaman ko nang nangangalay kasi kung san san nako kumakapit, sa barandilyas, sa kisame, sa bintana, sa pinto, sa baywang ng katabi mo, at minsan may nakikiholding hands pang stranger. Buti na nga lang bagong ligo pa ko nun. Pero minsan feel kong jabar jabar na talaga ako.

Pagbaba ng sa Paseo, feeling ko may camera at sisigaw yung mga tao. "Ang galing galing ni Manong Driver! Da bezz! Uulit ulitin ko to!" So lakad takbo ulit ako, down sa underpass at muling lilitaw sa kabila. Ang nakakainis lang eh keh bagal ng mga nasa harapan ko. *tingin sa relo* Eh nung nasa Buendia pa lang ako 8:07 na, talagang gudlak sa pagtakbo. At may time pa talaga ako makinig sa mp4 ko ng music habang nangyayari to. Parang nanadya pa talaga ang shuffle: All this Time, Better in Time, Time will Reveal. Wala na time leche, wag masyado ipowerpoint to.

Sa kainan naman namroblema ako nung una. Dati kasi merong canteen na parang ala resto yung work ko before. Pag tipid tipiran merong malalapit na karinderya at turo turo. Eh ngayon nasa Makati ako! Shett san ako kakain?! *cue suspense music* Buti na lang daw merong Jollyjeep. So papunta na kami sa jollyjeep at expecting naman ako merong mascot na bubuyog. Shett, bakit ganon?! Mukhang normal lahat ng tao at mukhang karinderya lang din to na balut balot ang ulam?! Ahhh ok, akala ko lang franchise ito, well ok na rin kahit mejo mura sa mga fast food chains to kahit actually eh mas mura talaga kung sa labas ng Makati ako kakain. Beggars can't be choosers ika nga. At saka pag gutom ka, masisikmura mo na kahit yung sinigang, nilaga, adobo at menudo eh magkakamukha na.

Sa pag-uwi naman eh kasama ko yung isang officemate ko. Byahe kaming MRT, pero hindi ko lubos maisip na kailangan ko talagang daanan ang apat na mall bago ako makasakay. Nung una hindi ko pa kabisado yung way pero ngayon eh mejo memorized ko na kahit walang Sustagen. Ang problema lang eh pagdating sa platform eh hiwalay na kami, since mas madali makasakay ang mga gelay kasi may sarili silang mundo, I mean separate sila dabah. Eh kamusta naman ako? Talagang ipit ako sa payat kong to eh flat talaga ako. Pero minsan merong nakikikiskis ng skin, ok lang kung kakinisan noh. At talagang flag ceremony ako pag makinis naman. OMG, I'm sick huhuh. Sa dulo ng byahe eh sasakay pa ako ng isang istasyon ng jeep at minsan kahit sasabihin ng dispatsyador na meron pa daw isang bakante eh sa totoo lang naman kalahating pwet na lang ang kasya.

Para sa isang hindi tubong Makati, feeling outsider pa rin talaga ako. Pero ok lang naman kasi sanayan lang to. New experience kumbaga. Feeling confident na ako na alam ko na ngayong kung nasan ang Greenbelt. Basta naliligaw ka na, go with the flow na lang, makipagsabayan ka sa mga tao. I'm sure matutunton mo rin ang patutunguhan mo.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips