Sabado, Enero 31, 2009

Cube Root

Rubix
January, 2009


Ang pakialamerang Diosa eh one day bigla ba namang may I use this cube sir sa gamit ng Kuya Buboy. Tapos buo buo-an sya eh natagalan ako kaya nag-intrimitido akong kinuha sa kanya sabay linya nya.


Diosa: Don't touch that! Only I can touch that.

Jeremy: Touch ka jan?! Feeling Belo ka naman jan.

Diosa:
You're nothing but a second rate trying hard copy cat!

Jeremy: Leche makapaglinya ka lang talaga noh. You're slow eh...

Diosa: Bukas luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka.

Jeremy: Ikaw kaya ate ang nakaluhod jan. Ang sabi ko sayo effective pa ang Cherrifer. Try mo lang. May magmimilagro pa talaga para jan sa height mo.

Diosa: Walang himala!!!

Jeremy: Akala mo lang wala, pero meron, meron, MERON!!!

Diosa: Akin na yan kasi Jerry! Show me the money!

Jeremy: Wag mo akong ma-Jerry Jerry! Yung tanong ko ang sagutin mo. What is the essence of being a woman?


Natapos ang umaga namin sa nosebleed session ng famous lines, ng dahil lang sa isang cube. Powerful ang cube na ito, na tatawagin na lang nating rubik's cube. I'm sure nakakita na nito. Yung cube na maraming kulay na halu halo? Hindi pa rin? Basta mga geeks lang mahilig maglaro nito. Bakit ba ganito name nito?! Eh kasi pinangalan dun sa inventor nitong si Pareng Erno Rubik. And take note Hungarian sya ha, pero tunog erna ang name.

Una ko tong nakita sa pinsan ko nung five siguro ako pero ayaw ako pagamitin kasi nga baka masira ko daw. Leche eh di nga nila mabuo eh. Nasa highschool nako bumili non nung tigtetrenta pesos lang. Tinuruan ako nung adik kong classmate ng technique. Akswali naggoogle na lang ako ng iba pang technique para mas mabilis. Pero wish ko pa rin matapos to ng 10 seconds lang. Una matigas yung cube ko kasi nga cheap lang, tapos hindi ko naman kinarir masyado to.

Relaxing para sakin maglaro ng cube, parang aligned ang kautakan ko kapag nabuo ko sya. Hindi naman sya scripted kasi bawat laro mo iba iba solusyon. Minsan di mo aakalaing may lesson din pala pag masyado ka nagpapakadeep sa paglalaro nito. Ang rubik's cube parang life yah know. Magulo at makulay, mahirap makipaglaro sa umpisa pero masayang buuin at ulit ulitin kapag natutunan mo.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips