AntiValentine
February 14, 2009
Leche patapos na ang February. Tigang na lupa na daw ako, pero for a cause naman. Hindi to pang charity noh, I mean its all because of Derek. Shettness naman hanggang ngayon eh can't get over him parin ang drama. The last time na nagkita kami eh last Christmas I gave you my heart ang drama. Nagpainit kami ng malamig na gabi together forever and ever to come. But forever only lasted approximately 23 hours 16 minutes and 33 seconds. Hindi pa ginawang whole day noh. Hindi kasi ako daw ganun kaassertive. Leche!
So ayun parting ways kami. Naalala ko pa nung patawid ako sa kahabaan ng Taft, sya naman papuntang net shop. It's sad to belong to noone else comes close dabah. Magmula noon eh lumaki na naman ang gap namin. May bago na kasing jowa ang Derek.
Akswali may bago syang phone galing sa jowa. Nagtataka pa sya bakit daw hindi ko sya tinetext. EH MAY JOWA NGA EH! Yah know itz hurtz! Nagmukmok kaya ako. Mga one week yata yun. Everyday meron akong theme song. Di ko makalimutan na nagpaLSS pa ako ng Mr. Brightside. Nasa status message ko kaya, "Swimming through sick lullaby." na actually one line dun sa song. NagPM bigla ang Derek kung ano daw ibig sabihin non. Nako ha, kung talagang gusto nya magreach out sakin eh iresearch naman nya.
Ayoko sa lahat yung kelangan pa akong mag-explain ng mga bagay bagay. Sa mga nangungulit eh napapataas talaga ang dugo ko. Sa mga nagtatanong eh pinaiikot ko lang sa mga dahilang sobrang labo ang konek. Sabi di ba ni Fatima kay Santiago, "Love needs no reason." or something like that.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento