Huwebes, Pebrero 12, 2009

Shampoo Day


Bus Episodes
February, 2009



Sa araw araw na biyahe ko eh laging Bus biyaheng Ayala Leveriza ang pinagsisiksikan ko ang aking katawan. Laging patok sa takilya to kaya nung isang beses na nakasakay ako ng maluwang, as in nakaupo ako, eh nagtaka talaga ako. Hindi kaya nagkamali ako ng nasakyan? Pero mabuti na lang at wala pang limang dipa ang tinakbo ng bus eh dumagsa na ang mga tao. Hindi maaaring umandar tong bus na to ng hindi sardinas ang mga tao. Kahit puro mga gelay ang nakatayo eh hindi ako naggive way. Minsan ko lang naman mararanasan makaupo eh pagbigyan nyo na, nanamnamin ko muna ang sarap ng pagkakaupo. Eh sila ba pag nakatayo ako eh naiisip nila na nakakangalay ang sumabit? Tingin ko hindi. First come, first sit.

Nung isang araw as usual late na naman ako. So andun ako sa pinto nakapwesto. Mejo maluwang pa naman kasi hindi ako natulak sa windshield. Nakakainis lang si Manong Driver kasi maya't maya nya ako pinapaatras dahil nakaharang daw ako sa side mirror. Aba malay ko ba sa view nya. Bakit kasi hindi na lang sya maglagay ng tali o kaya chalk para alam ng mga tao hanggang san lang pwede pumwesto. Kasalanan ko bang malabo ang kanyang peripheral vision?!

So ayun nga nakatayo ako sa harap ng bus. Mejo bukaka ang stance ko para makabalanse habang nakahawak ang isang kamay sa bars. Nakapasak ang mp3 player ko at feel na feel ko ang music. Maganda ang view sa harap ng bus. Parang nagmu-music video lang ako.


"I walked under a bus

I got hit by a train
Keep falling in love
Which is kind of the same
I sunk out at sea

Crashed my car
Gone insane
And it felt so good
I wanna do it again

I WANNA DOH EEETTT!!!"


Biglang preno ng bus pagdating ng Buendia, at natigilan ako sa pagmomoment ko. Napalampas ako sa imaginary line ni Manong Driver kaya atras powers uli ako para walang talak talak kay Manong D. Biglang rumagasa ang sandamakmak na passengers, tulak dito, siksik doon, parang Ultra stampede lang, pila sa lotto at NFA rice, o grand fans day nila Marian, Angel or Madam Lilia Cuntapay. Sirang sira talaga ang music vid ko leche.

Mejo ok naman dahil sanay na ako sa siksikan pero ang nakakainis lang eh yung ate sa harapan ko. Halos nakangudngod ang mukha ko sa hair nya. Naalala ko tuloy pag nangyayari ang ganito sa mga jeeps eh nililipad lipad pa kaya talagang gusto ko manabunot na pag nabulag na ako sa kakatusok ng hair sa mata ko. Heniweys aircon naman kaya steady lang ang buhok pero hindi talaga yun ang problema ko. Yung amoy nya. Parang gusto ko interviewhin si ate.


Jeremy: Ate naligo ba kayo?

Gerlina:
Yes why smell me I'm still fresh.


Jeremy: Weh hindi nga?! Nagshampoo ka?

Gerlina: Of course, the number one shampoo in the world.

Jeremy: Head and Shoulders?

Gerlina:
I really don't know.

Jeremy: Feel na feel ha. Aminin mo na, gugo lang yan eh. Di namin kayo tatantanannnn!!!


Sa totoo lang amoy herbal yung hair nya. Feeling ko parang gugo lang yun. For the benefit of the doubt eh siguro naman herbal scent shampoo talaga yun. Light breakfast pa lang ako pero ramdam ko na bumabaligtad ang aking sikmura at muntik muntikan ako maging suka factory. Buti na lang matibay akong magpigil. Konting inhale lang sa mouth eh nakasurvive ako. Traffic lang naman ang kalaban ko sa pagtitiis eh. Moral of the story: Wag pumasok during rush hours kapag gugo lang ang gamit.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips