January 30, 2009
Naglast day sa work si Ate Weng at sakto naman bagong sweldo lang so napagpasya ang dabarkads na magbar daw. Ang pagpupulong ay naganap while kumakain pa kami sa KFC nong katanghaliang tapat. Halos complete attendance kami minus one na di naman talaga malaking kawalan kasi feeling bitchy sya sa buong group yah know. So mega suggest na ang Kuya Bert na somewhere in Makati daw. Basta may number yung place so siguro naman madaling matukoy yung place. Parang 14°40N at 121°03 E yata o malapit lapit lang jan daw. Eh heniweys nakaformal formalan ako nun that time kasi bisitasyon kami sa clients kaya hindi ako in the mood pumunta. Saka lahat na lang yata ng sweldo ko eh pambayad utang lang. Leche puro na lang outflows.
Jeremy: Sasama ka ba?
Diosa: Umm, I really don't know.
Jeremy: Anobeh. Tama na kakalaklak ng Head and Shoulders.
Diosa: Baka umuwi ako ng Zamboanga eh.
Jeremy: Ateh ang layo naman ng tinatamblingan mo.
Diosa: Saka I'm not in my party attire. Tingnan mo sila dressed to kill.
Jeremy: Ako nga long sleeves at tucked-in pa. Parang aattend lang sa JS Prom. Wag ka na marte jan, dalawa naman tayo.
Diosa: San ba yung pupuntahan natin?
Jeremy: Basta yung club may number daw.
Diosa: 168 yata.
Jeremy: Tumpak ka ateh. Sa Divisoria itu. Mag-eeffort talaga tayo makipagkiskisan dun sa mga mamimiling ukayeros.
Diosa: Warehouse 135 daw.
So nag-abang kaming lumubog ang araw. Sobrang abang kasi past 7 na kami nung lumarga. At mega antay pa kami ng sasakyan. Sixteen yata kami kaya hindi pwede isang fx lang kungdi carpool ito, sardinas levelling. Suggestment pa nila taxi, four batches. sosyal lang masyado, hindi naman kami nanalo ng lotto. Pwede rin jeep sana pero punuan na yata lahat ng jeep na dumaan, or at least kalahating pwet pa kasya. So last but not the least eh bus ang kinabagsakan namin. Bumaba rin kami sa may Post Office tapos lakad along sa Fire Station ng Makati.
Pagdating sa place eh ask kagad ng fee. Hindi naman magaling tumawad yung negotiator namin. Pero may free ladies night yata pagsapit pa ng alas onse. Gudlak naman maghanap ng tatambayan sa isang oras. Buti na lang nashoulder ni Ate Weng ang part ng fee kaya go na rin kami. So pasok kami at nagpatatak at nanguha ng mga beer stubs.
Sa loob eh siksikan na kagad. May event yata. Model modelan night daw ayon sa mga hosts na english englishan para magfeeling shala yung event pero kalangaw langaw naman kasi walang kabuhay buhay maghost. Buti na lang may live band para pampabuhay ng dugo. Tumutugtog ang Urbandub na ni minsan eh hindi ko pa narinig kasi it's not my music yah know. Mejo naenjoy ko naman basta may drums eh feel ko na, yung vibrations nga dama ko considering ilang talampakan din ako sa kanila. Later nag-uwian na ang mga tao kasi yung band lang talaga ang sinadya nila.
Nakakuha kami ng isang table sa may sulok ng bar. Order kagad ng free beerstubs at pika pika. Si Gracia nga naubos yata yung food pero hindi man lang nag one-fourth yung SanMig nya. Later eh tinext barrage si Enzo para naman makijoin sa kasiyahan. Akswali pagdating nya eh nagdancefloor na kami. Kengkoy din tong si Enzo, nasa gitna sya at parang dance master na follow the leader ang drama naming lahat. Minsan eh nagsiswing pa sila ng mga gelay. Kahit akong parehas kaliwa ang paa eh napasayaw talaga dun. Parang napaisip tuloy ako na sana pumayag na lang ako dun sa gusto ni Warren na magdisco discohan sa Chelu. Sayang ang kiskisan at flag ceremonies.
Heniweys later eh feeling ko uber jabar na ako. So pasimpleng inamoy ko ang aking kili kili, water water na sya pero hindi naman umaalingasaw. Pero gamit na gamit ko ang six senses ko talaga sa buong lugar at meron nga, pati Spider sense eh kabog na kabog. Mejo nahiya naman ako sa mga kasamahan ko, imagine whole day ako naka-longsleeves. At ang sumunod na mga kaganapan ang talagang nakashock sakin, lahat sila nag-aamuyan na rin. Napaliligiran na pala kami, hindi naman kami na raid ng kapulisan pero mas malala dun. Isang laksang bombay, covered na ang dancefloor, kaya cover na rin kami ng nose then exit stage right.
Umuwi na rin kaming luhaan dahil mejo mahal ang place talaga, ninety pesos ba naman ang mineral water?! Tapos mejo sinauna pa ang music nila, azz in 80s to 90s dance music, at maangas pa silang hindi daw sila nagpeplay ng hiphop. At ultimate na dahilan eh ang mga scents, parang pepper spray lang, try nyo minsan. I'm sure magluluha din mata nyo.
Kung may rating lang sa lugar eh I'd rate it a 2 out of 5. Mejo ok lang ako jan dahil napaindak nila ako, at least hindi mukhang bulate lang na nangingisay sa asin. Baka mafeature pa ako sa Emergency non if ever. Headline: Nagsasayaw sa Warehouse inatake ng Epilepsy. Wala na talaga akong mukhang maihaharap pag ganon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento