Sabado, Mayo 31, 2008

Kwentong Barbero


Cut!!!
May 25, 2008

Humahaba na naman ang buhok ko, hindi dahil may angking ganda (na ilusyon ko lang naman) kundi talagang mahaba na. Beyond the acceptable length na sya. Pero ok lang pahabain sana at magstyle emo-emohan ako. Tutal eh may sayad emo na ako kadalasan.

Two months ago pa ang last na gupit ko. At naghahanap na naman ako ng bagong barbero. Nagexpire na kasi yung mga nakaraan, iniligpit ko na sa dapat nilang paglagyan. Ayaw kasi sumunod sa gusto ko eh.

Sa lokal na barberyahan talaga ako pumupunta. Hindi ako mahilig pumunta sa mga salon. Una dahil mahal sa tingin ko, at ikalawa dahil natatakot ako sa mga parlorista... takot na malapitan at magexcursion.

Sa malapit na simbahan sa amin eh pinaliligiran ito ng maraming businesses, at karamihan dito ay barber shop. Ewan ko nga ba kung bakit naging business ng mga tao ang mga barberyahan dito kahit sobrang dami na nila. Akala mo eh hindi walang kaubusan ang mga buhok ng mga tao dito.

Umupo na ako at lumapit sa akin ang barbero. Si Roberto pala, ang syanong barbero in town. Masipag naman itong si Berto, feelingero lang talaga. Kung makapangligaw sa mga bebot eh akala mo walang bukas, wala din naman nagbubukas ng pinto sa kanya... maliban lang kay Manay Julie.

Si Manay Julie naman ang head parlorista sa kanto, ilang salon-salon-an na rin ang napatumba nito. Parang ipis lang, malakas ang kapit at immunity sa mga changes ng fashion. Minalas malas lang tong si Manay Julie dahil di sya pinagkalooban ng tunay na ganja, at kepyas. At least meron na rin syang boobs ngaun sa tagal panahon na nakapagpundar sya. At dahil jan, hindi sya trip ni Berto. Kung Julie's na tinapay pa siguro baka pumasa.

Habang nakaupo at ginugupitan, tahimik lang akong nakikinig at nagmamasid sa mga barbero. May dalawang barberong nag-uusap sa Kapampangan. Habay indi ko mahintindi-an hayy. Nalaman ko lang kasi yung isa biglang kumanta ng Ojo Kaluguran Daka, yung nakakainis na version ng "Sometimes when we Touch". NakakaLSS pa naman ito pag araw-araw mo naririnig. Kakarindi lang.

Si Berto naman ay nakipagkwentuhan dun sa isa pang barbero. Basketball... Boston, Lakers at kung anu ano pa. Wala akong alam dun, pero mukhang napakaimportante sa kanila ng bawa't pangyayari. Akala mo naman eh yayaman sila bigla pag nanalo ang isang team.

Natapos na yung isang barbero at naglabas ng pangbayad. Tapos inilabas din ang selpown. Shala! N-series yata. Wala akong alam sa mga gadgets na ito dahil stone-age yung cel ko. Basta nakakatext at tawag ok na ako dun. May flashlight din yung sakin, pero aanhin ko naman yun. Yung kay Berto yata may installed na electric razor, ewan. Nilapitan bigla ni Berto yung isang customer.


Berto: Wow, bagu ba yang mudil?

Custo
:
Oo, nabili ko yan sa may Greenhills!

Jeremy
:
(Ahh, baka naman jafakes yan?!)


Berto
:
Anong mudil ba yan? Magkanu bili mu?

Custo: Ahh N-%$^&, PHP #*,)&%.00 lang.
(Hindi ko natandaan eh, wala naman ako balak bumili nyan eh.)


Berto
:
Linsyak! Ang mahal naman pala!

Custo
:
At maraming functions, easy lang naman ang learning curve kaya...

Berto
:
Lirning karb?

Custo
:
Madali syang matutunan, kahit bata o matanda.

Berto: Ahh, friendly user pala sya!

Jeremy: (Ano daw? Baka naman user-friendly?)



~0~




Buti hindi kami nagkatinginan nung customer, baka humagalpak talaga ako dun sa mabuhok na sahig. Hindi na lumingon yung customer at dali daling umalis. Pumasok bigla si Bianca at nagpapapalit ng barya. Nakita sya ni Berto at iniwan na naman ako sa upuan, kung pwede ko lang ireport to sa manager, ambagal ng service!


Berto: Bianca, kilan mu ba aku sasagutin?

Bianca:
Pleashe call me Beyonce! And nashagowt na kita right? It'sh a no for you dowg!


Berto
:
Maghehentay aku puribir!

Bianca:
My friendsh are make hintay to me in Ermita now.

Berto
:
Bakit ka ba somasama sa mga yun?

Bianca:
Jane ish like meeting to thish Australian sa Baywalk and I wanna make shelebrate too with them.

Berto
:
Pwede naman keta mapasaya!

Bianca:
Nah-ahh! I'll make alish na, its sho malayo pa here.

Berto: Ihahatid na lang kita!

Jeremy
:
Pwede pakitapos muna to?

Bianca:
May customer ka pa!

Berto
:
Sandali na lang yan, hintayin mo ako, ihahatid kita sa MOA.

Bianca: What am I make do there?

Berto
:
Di ba sabi mo sa may Baywalk?

Bianca:
Well dahh!

Berto
:
Hindi mo ba alam, nalipat na sa MOA ang Baywalk?

Bianca: What? I don't know that ha! Shure ba you? Wateberr! Make dali ha!

Berto: Downn wuri, bee hapee!



~0~




Isang shave na lang pala ako eh tapos na. Kakatorture din magpigil ng tawa ha! Baka kasi saksakin ako ng gunting sa tenga o kaya gilitan ng labaha anytime. Nako next time talaga kay Manay Julie na ako magpapajupit. At least aircon pa.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips