Miyerkules, Mayo 28, 2008

Sampalok


Sampalok
May 27, 2008



Akala ko makakaalis ako ng maaga sa bahay, ang tagal ng kapatid ko sa banyo, hindi ko malaman kung jumejebs, naliligo o nagjajacks ba. Ang ending late na naman. Dadaan pa naman ako sa may España para mag-enrol.

Sumakay na ako ng jeep patungong Stop n' Shop, pagkababa ng Altura sa byaheng Divisoria naman. Nagshortcut ang jeep sa mga pasikot sikot na umiwas sa sobrang traffic ng Legarda. Kung pwede lang sunugin ang Arellano eh baka sinunog ko na dahil pampatraffic talaga ang mga estudyante dito. Heniweys, bumaba ako sa Liana's at naglakad na sa Sulucan. Naalala ko pa rin ang kalye/eskinitang ito. Malilim, masikip, mabaho... at masaya, dahil naalala ko pa nung panahong sabay sabay kami naglalakad pauwi ng mga kaibigan ko. Ayoko naman magmoment sa gitna ng kalye noh, baka pauwiin ako sa Mandaluyong.

Welcome back to Sampaloc! Isang taon na ang nakalipas ng huling tinahak ko ang daang ito. Dati late na ako pag dumadaan dito. Ala una ng tanghali eh nasa daan pa lang ako, ngayon eh late pa rin ako. Wala bang nagbago sa akin?

Pumasok na ako sa building at nag-inquire sa loob kung magkano ang tuition. Dahil 5k lang ang dala ko, napilitan akong maginstallment na lang. Tinanong ko ang cashier-cashierang mukhang yaya kung pwede ba i-upsize, i-avail yung cash payment para naman makadiscount ako. Tinanong ko rin kung may sched na ang mga instructors. Meron na daw sked at sa 31 daw ang last payment. Umalis din kaagad ako, pumunta sa dapat puntahan.

Mga alas singko ng hapon, pauwi na ako, masaya at nakaholdup na naman ako. Balak ko sana mag-ikot sa Robinson at mamili ng libro sa Powerbooks o kaya eh magtingin ng damit. Nakwento sa akin ng kasama ko na nagsimula na daw ang klase. Nagdalawang isip tuloy ako na baka nga nagsimula na, hindi ko man lang itinanong dun kay yaya.

So humahangos akong tumatakbo sa kahabaan ng Pedro Gil, patawid at sumakay ng byaheng Cubao. Hindi ko pa naman kabisado ang byaheng ito. Tinatandaan ko ang mga landmarks na dadaanan ko. Una ang Lawton, Manila Cityhall. Sunod ang Quiapo, Morayta, at ang España. Muntik pa akong lumagpas ng baba, buti na lang traffic.

Pupunta sana ako kanila yaya pero andami pa nyang mga fans kaya naisip kong bukas na lang magbayad ng balance. Umakyat ako sa second floor at baka nga naman andun na ang mga tao. Bakante ang mga rooms. Pauwi na rin sana ako ng makita ko ang isa sa mga instructor. Binati ko at tinanong kelang nagsimula ang klase. Nung lunes pa pala. Tsk. Kahit mukhang supergroggynessim ako eh sumugod ako sa gyera, wala nang mumog, hilamos, o wisik wisik, go lang ako.

Nasa third floor naassign ang room ko pala. Pagpasok ko, tinanong ko yung pinakamalapit na tao sa inupuan ko kung nasa tamang silid nga ba ako. Tama naman. Inantay kong dumating ang instructor. Ahh yung pinakaboring pa sa lahat ang nakaassign sa Tuesday ko. Hayz. Wala na akong magagawa, andito na rin eh. Carpe diem. Buti na lang at cute yung nasa kaliwa ko, yung pinagtanungan ko kanina. At least may guilty pleasure akong makipaghabulan ng sulyap sa kanya pag inaantok na.

Mga alas siete ng magtext si Derek at hinahanap ako. Property ba ako? Pwede na rin, at least parang feeling ko importante ako sa kanya. Sya na rin magiging inspirasyon ko sa ngayon. Dati kasi wala kaya parang walang patutunguhan ang pag-aaral ko.

Kahit pangalawang beses ko na to, parang lalong nakakakaba. Maraming taong umaasang kakayanin ko na ito. Sana nga, thiz iz it!!! Kahit nadapa ako dati, ngayon babangon na ako at makikipagsabayan.

Ang buhay hindi laging matamis. Minsan maalat, minsan maanghang, at madalas maasim. Parang sampalok, depende sa butil kung anong flavor ito. Kung puro tamis, masakit sa ngipin at nakakangilo. Kung puro asim, nakakangiwi man natututunan mo namang lampasan itong panlasang masakit sa dibdib.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips