Lunes, Mayo 5, 2008

Gusto ko ng Putik!!!


Pabula-anan
May, 2008



Sa isang liblib na nayon na malayo sa kabihasnan (kaya nga liblib eh, redundant ano?), mayroong isang munting bukid na pag-aari ni Lloyd Macjolland. Si Ka Lloyd ay nag-aalaga ng mga hayop, kaya ang kanyang propesyon ay animal husbandry. Hindi nya inaasawa ang mga hayop, kadiri kayo ha! Bestiality yun! Meron syang aso, hulaan nyo ang name! Hindi Tagpi, o Bantay, o Mandy. Oreo! Sosyal sya eh, O-R-E-and-O, O-R-E-and-O, O-R-E-and-O, and Oreo was his name Oh! Meron din syang mga baka, manok, baboy, tupa, kambing at kung ano ano pa. Wag ka lang maghanap ng unggoy, zebra, penguin at leon, hindi ito zoo! Isa sa mga alaga nya doon si BabesBawang, ang munting biik (oh redundant na naman!!!).

Si BabesBawang ay isang malikot na biik at panay ang takbo sa palibot ng bukirin, may garden din si Ka Lloyd, hindi nga lang secret kasi alam mo na eh. Meron ding pool, shala!! Resort itu. Pero yung pool eh reserved sa mga baka, lubluban nila noh, gusto mo makijoin? Si Babesbawang ay panay ang tumbling paikot sa hacienda (nalevel up bigla ang status ni Ka Lloyd ano?). Kembot dito, lamon doon, tumbling jan, triple somersault doon. Acrobatic si Babesbawang. Wag na kayo magtaka. Aampunin ko na rin sya at magtatayo ng circus.

Meron ding alagang manok si Ka Lloyd na feeling isa syang ganap na peacock, todo showcase ng kanyang mga buntot. Mataray itong manok na to na ang ipingalan ni Ka Lloyd ay ChickenNini! Intrimitida sa lahat ng kahayupan. Parang Bella Flores ng bukid na toh. Napicture nyo na?

Heniweys one day, isang araw. I saw, nakakita. One bird, isang ibon, si ChickenNini na nga yon, nagiikot sa buong bukid feeling supervisor...


ChickenNini: Oyy, ayus ayusin nyo ang mga trabaho nyo kung ayaw nyong masisante!

Baka
:
(Ok ka lang?)


ChickenNini
:
I heard that! *sabay bunot ng munggo at isinumpit sa baka*

Baka: Yukkk! Gross ka lang Nini! Gross!!!

ChickenNini
:
Sumunod lang kayo sa mga patakaran ko at magiging langit ang inyong stay dito, sumuway kayo at....

Baka: Yah yah, shut up!



~0~




Natahimik muli ang mundo ni ChickenNini. Lahat ng hayop ay nagtatrabaho at on sched pa! Baka maaga syang matapos ngayon, makapanood pa sya ng Eat Bulaga at Daisy Siete. Biglang walang kaanu ano (ano ba talaga?), ay may narinig syang ingay sa labas. Sa ibabaw ng damuhan, ala Julie Andrews pero ibang song ang kinakanta....


BabesBawang: Shadam, dadam, da-da-dam! Shadam, dadam, da-da-dam!


ChickenNini
:
Anong kaguluhan ito?

BabesBawang
:
Sorry ha!

ChickenNini
:
Lumuhod ka!

BabesBawang
:
Lupit naman ni Tita Mids!

ChickenNini
:
Anong pinagsasasabi mo jan?

BabesBawang
:
Baka lang gusto mo jumoin. Aawitan kita!

ChickenNini: Che!

BabesBawang
:
Che ka rin!

ChickenNini
:
Period!

BabesBawang: No erase!

ChickenNini
:
To infinity!

BabesBawang
:
Ikakandado ko pa.

ChickenNini
:
Ewan ko sayo.

BabesBawang
:
Uto uto ka naman.

ChickenNini
:
Ginagalit mo talaga ako noh.

BabesBawang
:
Pansin mo? Kanina pa kaya.

ChickenNini
:
Ilabas ang secret weapon!!!

BabesBawang
:
Yung sumpit? Habulin mo muna ako! Habulin mo ko! Dali!



~0~




At naghabulan nga ang dalawa sa palibot ng bukid, isang manok at isang baboy, kulang na lang ng suka, toyo at bawang parang CPA na di ba. Nakaabot sila sa pool area, parang sosyal lang di ba.


ChickenNini: Eewwwkie lang dito ha!

BabesBawang: Marte ka masyado!

ChickenNini
:
Eh ayoko sa mainit, ayoko sa mabaho, ayoko sa masikip, ayoko ng putik!

BabesBawang
:
Bravo ate Maria!

ChickenNini
:
Thanks, I was not expecting this, I swear!

BabesBawang
:
Ruffa naman yan eh, sabi na eh! Mandaraya ka!

ChickenNini
:
Hindi ako yun, si Lolit! Whatdafuck! Kung san san na tayo napunta!

BabesBawang
:
Andito pa rin tayo sa pool area oh! Magulo ka lang kausap eh.

ChickenNini
:
Che! Umalis na tayo dito at babawasan ko ang parusa mo, imbes na munggo at asin ka luluhod, sa munggo na lang.

BabesBawang
:
Ano ako tanga? Yung munggo eh ipinangsumpit mo na! Yakkk! Poor ka lang ate Nini, nirereplay mo ung ammos mo.

ChickenNini
:
Environment friendly kaya ang magrecycle!

BabesBawang
:
Tell it to the judge. Whatever.



~0~




At sa di inaasahang twist (hindi daw oh), biglang lumublob si Babes sa pool area. Ang kanyang malasutlang kutis na walang pekas, walang buni, walang an-an, walang hadhad, walang alipunga, at walang botox, biglang nabalot na chocalatey brown fudge ng putik...


ChickenNini: Now, look what you've done! I told you to not go there, but you go there! Now look at!

BabesBawang
:
Ayyy, nawala ang composure mo ate!

ChickenNini
:
Kadiri ka na, umalis ka na dyan. *pinagkakahig sa balat si Babes*

BabesBawang
:
Aray, aray, aray!!! Stop it! Nakakasakit ka na ha!

ChickenNini: Hindi ka aalis jan?

BabesBawang
:
Hindi! Enjoy ko dito sa putik eh, nakocool down ang body temperature ko oh! Looks like hell, but feels like heaven. Inggit ka lang!

ChickenNini: Ah ganun?

BabesBawang
:
Bitter ka lang ate kasi malulunod ka dito, hindi ka bagay dito, dun ka sa ulan uminom ng tubig.

ChickenNini
:
Leche! Makaalis na nga! *flylaloo si Nini, kahit mababa lang talaga ang lipad nya*

BabesBawang: Dami talaga inggiterz sa mundo noh.

Baka
:
At nagtagumpay ka rin sa iyong nais. Kanina pa ako iniinis nyang si Nini eh. Generic na nga ang name ko eh, wala pa kong kalayaang magpakaligaya.

BabesBawang: Honga, well wag ka gano magreklamo noh, malaki na nakuha mong TF, nakadalawang extra ka dito noh.

Baka
:
Whatever!

BabesBawang
:
Wahahaha

Baka: Wahahaha

BabesBawang
:
Wahahaha

Baka
:
Wahahaha



~0~




Kanya kanyang trip yan! Hindi ba sinabi na yun ng Sprite, obey your thrist. Kaya kung trip nyo maglublob sa putik, Go!!! Wag lang kayo didikit sakin pag hindi pa kayo nakapagbanlaw. Supportahan nyo na lang ang trip ng iba jan, wag nang kumontra. Pwera lang kung yung trip nya eh yung adik trip na talaga. Tirahin nyo rin sya, gusto nyo martial arts pa eh, kungfu go! Pero kung trip ng isang tao ang magsenti sentihan, hayaan nyo lang sya, he'll eventually learn something by himself. Experience is the best teacher 'ika nga!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips