Sabado, Mayo 17, 2008

Gift Check


Gift Check
May 13, 2008



"A hug is the perfect gift,
one size fits all,
and nobody minds
if you exchange it."




Tuwing may magbebertdey, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Hindi naman siguro puro pagpunta sa mga handaan at inuman lang ang naiisip mo di ba. Syempre mahihiya ka naman magregalo kung sobrang kaclose mo yung may birthday, be it a family member or a loved one.

Kapag malapit na ang Holiday season, nauuso ang Kris kringle o monito monita. Nakakainis lang kasi ambilis ng turnover ng gift giving, kelangan at least araw-araw. Tapos may mga kundisyones pa: something soft, something hard, something cute, something this, something that. Andaming something! Kahit na ba chipipay lang ang mga toh, nakakapressure pa rin mag-isip lalo na kung spontaneous ang bigayan.

Isa sa mga predicaments eh ang pagpili ng magandang gift. At dahil wala akong alam sa pagpili at hindi naman ako umattend ng seminar sa gift giving, eh wala akong maiseshare sa inyong tips dito. Banoh ako! Basta ang alam ko lang eh ibibigay ko yung kailangan o best na magdedescribe dun sa pagbibigyan ko.

Iwasang magregalo ng picture frame at kalendaryo. Mabenta yan pag pasko sa sobrang common. Para lang iyan sa mga hindi na mahilig mag-isip ng pang regalo. Hindi naman kailangan ng mga tao ng maraming kalendaryo para matandaan kung kelan ang next Christmas. Hindi rin kailangan ng picture frame kung wala naman ilalagay na picture.

Mas effective kung maiisip mo kung ano ang bagay sa pagbibigyan. Kung damit kelangan alam mo ang style, size at colors ng bibigyan; iwasan ang mga ukay-ukay. Kung pagkain, cake na ang pinakasafe na bilhin. Kung perfume, piliin ang brand at scent ng recipient. Minsan kasi pag pumili ka ng gift na hindi sakto sa kanila, merong ibang mensahe kang ipinapadala. Pag nagbigay ka ng damit na hindi nya style, pwedeng ibig sabihin nun eh baduy sya at dapat nang magchange look sya. Pag binigyan mo ng tea, ibig sabihin mataba sya at kelangan na nyang magkankunis. Pag perfume na hindi nya smell, malamang matapang ang pabango (or anghit) nya.

Hindi ko makalimutan one time sa isang Christmas party nung elementary. Ang budget is around 40 PHP lang dahil nasa public school lang ako at mababa pa ang bilihin nun, nasa piso pa yata ang pamasahe. Ang nakuha ko eh isang bimpo at isang safeguard. Parang napaisip ako tuloy! Mukha ba akong pawisin, hindi naghihilod, o di kaya'y di naliligo? Bakit hindi pa Good Morning towel na lang? O kaya toothbrush at toothpaste na lang! Sana Twinkidoo, ung fruity flavors ha! Kasi kung ang gift mo eh something related to hygiene eh masyado nakakapersonal na ata yan. Araw araw naman ako naliligo eh!

May episode dati sa Okay Ka, Fairy Ko (eto yung original ng Enteng Kabisote para sa mga bata pa na hindi pa alam, at sa mga matatanda na hindi na alam), kung saan ang hinihinging regalo ni Enteng kanila Aiza at Fae ay yung bagay na hindi nabibili ng pera. Hindi ko na maalala yung ending ng episode na light years ago na pero maganda yung mensahe nila: ano nga ba ang magandang ibigay na mula sa puso?



~0~



Derek
:
Uy, ano gift ko?

Jeremy
:
Hindi ko dala, hindi na nakabalot eh! hahah

Derek: Nice... ikaw na lang ba ang regalo?

Jeremy: Hindi ahhh!!!

Derek: Hmmmmmmmmmmmmm... condom?

Jeremy
:
Hindi rin! Bakit kelangan hulaan mo pa? Basta meron, baka meron ka na nun pero its the thought that counts nman daw eh.

Derek: Ano yun? ahhahaahha

Jeremy
:
Kulit mo ha!

Derek: Ano yun? Gift certificate sa Sogo?

Jeremy
:
Hindi nga! Bagay sayo yung gift ko, siguro. Ewan! Wala lang talaga ko maisip eh!

Derek: Ano nga?

Jeremy
:
Hindi na gift yun kung alam mo!

Derek: Gift yun, hindi na nga lang suprise.

Jeremy
:
Kunsabagay. Pero gusto ko surprise, para makita ko sa mukha mo. "ampanget naman!"

Derek: Ano nga? Para malaman ko! ehehhehheheh

Jeremy
:
Yung gift saka na lang ha!

Derek: Nyak! Akala ko meron na! Wag na, save your money na lang.

Jeremy
:
Nabili ko na nga.

Derek: Ano nga yun gift sige na!

Jeremy
:
Sikretong malufet!!!



~0~



Gusto ko magulat sya. Gusto ko masiyahan sya sa gift ko kahit na cheap lang yun. Hindi ko na sasabihin dito kung ano yun kasi baka basahin nya tong entry ko. Abangan na lang ang susunod na kabanata.

Nawawalan ng sense ang gift pag alam mo na ang laman. Ang wrapper ay nawawalan ng silbi... pati ang essence ng giving. Nung bata ako gusto ko silipin yung laman ng gift bago pa dumating ang December 25, not knowing (or understanding) that I'm denying the right nung nagbigay na makita ang excitement nung binibigyan nya. Although walang balot yung gift ko, the mystery serves as THE wrapper.

Men had not known malice until the Serpent tempted us; and the hunger for knowledge until the Fruit had given us reason to.
Men had not known fire until Prometheus gave it to us; man would not known pain, greed, lies, envy, and hope without Zeus' trick on Pandora. Since the beginning, men had enjoyed the gifts of the Gods, good or bad. Let us celebrate the greatest gift out of love of God for us... which is life, as we share the greatest gift we can give as mortals... which is love.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips