Sabado, Hunyo 7, 2008

Shhhh....


Shhhhhut...
June 7, 2008



Nasubukan mo na bang magkulong sa closet? Dati kapag naglalaro kami ng taguan sa loob ng bahay dun ko gusto. Buti naman hindi ako gaano claustrophobic. Tapos maya maya ng konti eh meron nang umuugong kang maririnig. Mga low frequency signals daw to. Andami nga conspiracy theories about it. Sabi ng iba eh signals from outer space daw yun.

Normally, hindi ako nakakaconcentrate sa sobrang tahimik na lugar. Kelangan lagi meron akong naririnig na sounds. Ang creepy kasi ng feeling ng uber silent. Pang horror ang dating, feeling ko eh merong biglang sasaksak na lang sa likod mo.

Alam ko napakatahimik ko ring tao sa personal, depende sa kasama ko yan. Kasi naman kung may topak din kasama ko, mas maingay pa ata ako sa kanila. Pero kung yung mga taong serious-seriousan ang drama eh zipper din ang bibig ko.

Minsan sa sobrang pagkakazipper eh wala nang tunog na lumalabas. Naghihimagsik na ang kalooban, ngunit pawang taimtim lamang sa labas. Alam mo ba paano nabubuo ang mga tsunami? Mostly eh movement ng mga tectonic plates underwater o kaya volcanic eruptions undersea. Magkakati lang ang tubig panandali at maya maya susugod na ang karagatan.

Hindi ko alam hanggang kailan ko makocontrol ang mga alon.

If you haven't figured it out yet, it's because you didn't ask. I don't have to, I figure out things on my own, or through some strike of luck. I just keep silent, waiting... ask and ye shall receive. I won't ask anymore, there are many questions ought to be left to the unknown....

Good bye

Mag-post ng isang Komento

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips