Linggo, Abril 20, 2008

Papi Chulo 3rd Edition


Pick-Up Six!!!

April, 2008



Bakit pek ap six?! Parang bisayang version lang ng pickup sex?! Hindi ahh! Kung si Wanda may Pitu-Pito, si Nicole merong Tuff Payb, eh di dun naman tayo sa arithmetic mean, sa letrang B, sais. Maraming pang ibang listahan jan ano. May 12 ang AI, merong 14 ang Starstruck, 24 ang senators, ez-two, suertres at kung anu ano pa. Sa lotto naman eh six din ang pinipili sa loob ng 42, 45 at 49 na nakakahilo ang rotation ha!



Chester: Magandang gabi mga kachokaran, kung ano man ang etymology nyang word na yan bahala na.

Pierre
: Good evening world!

Chester
: Ano ba ang topic natin ngayong gabi?

Pierre
: Napansin mo ba yung bago kong pic?

Chester
: Oo nga, ok lang pero nashock lang ako ha!

Pierre
: Choosy ka lang ha!

Chester
: Hay nako yan na nga lang pag-usapan natin noh!

Pierre
: Fine! Mag-enumerate na lang tayo.

Chester
: Ok top six.

Pierre
: Ano naman itatawag natin jan?

Chester
: Pickup six!

Pierre
: Eeeewww!

Chester
: Wag ka marte jan?! Parang sa laro lang nung bata tayo. Meron ka ba nun?
Childhood?


Pierre
: Che!

Chester
: Let's try ha... One plus one...

Pierre
: Magellan! Two plus two...

Chester
: Lapu-lapu! Three plus three...

Pierre
: Christmas three. Four plus four...

Chester
: Bagong bapor. Five plus five...

Pierre
: Tama ba yung four?

Chester
: Keber. Hindi ko na maalala eh. Memory gap!

Pierre
: Kerri na yan. Five plus five...

Chester
: Ako na naman? Voltez five. six plus six...

Pierre
: Pick up sticks. Nanette ka naman eh!

Chester
: Hanohkabah, i-volt in mo na lang yung dalawa.

Pierre
: Oh sya let's go with Pickup Six.

Chester
: Nanalo rin. Wahahah



Pick-up Six: Profile Photos

1. Photoshopaholic

Eto yung category ng mahihilig magpaenhance ng mga fiture nila. I mean picture, kasi wala talaga silang money to enhance their features noh. About face sila kanila ateng Vicky Belo, Dr. Manny and Pie Calayan, ang kung sinu sino pang mga pinasasalamatan ng mga artista. Sila yung akala ko kakinisan ang mga face, kapuputi at mukhang artistahin na talaga. Pero in fact, magaling lang talaga sila mag-edit ng pictures. Tanggal mga mala-2-inch eyebags na sobrang itim pa minsan, sementado ang lubak lubak na face na akala mo eh tinamaan ng meteor shower sa totoong buhay, at nagkikinisan ang skin na sa totoo'y parang ndi nahilod forever, at worst pati papaya soap ay tinalbugan sa sobrang white skin in just one click!


2. Angles & Demons

Eto naman yung mga meron lang isang angle na favorable sa kanila. Try mo ikutin ang camera darling, ang cute nagiging katacute talaga and vice versa. Iba iba ng positioning ito, merong top view, yung mahilig tumingala; merong tagilidgenic para sa mga side view lang; meron ding talikodgenic para sa mga back view lang ang maganda dahil pag humarap na sayo baka sabuyan mo ng asin sa pag-aakalang maysa aswang. Parang maysa demonyo talaga ang fezzz!


3. Neutral View

Eto naman ang category sa mga mahilig gumamit ng mga pictures ng mga lugar lugar imbes ang mga fezzz nila. Karaniwan mga long distance shot, minsan kasama rin sila sa shots pero dahil long distance, wish mo lang gamitan ng magnifying glass or telescope.
Minsan may yabang factor lang talaga etong mga gumagamit nito na porket nakapagtravel na eh kelangan pa talaga ipangalandakan. Mura lang ang postcards noh!


4. Bodyshot

Eto ang category ng mga hipon. Ano ang hipon? Yung mga magaganda ang katawan, masarap kainin at mabubusog ka talaga, pero ang ulo pwedeng pwede na itapon. Pero yung iba ok lng kumain ng ulo nito, siguro kung nilasing, hindi yung hipon, yung sarili nila ang nilalasing nila para lang kayanin ang horror. Meron ding mga walang karapatang mag show ng body nila na nagpinipicturan pa rin. Akala mo lang eh kinuhanan sa Somalia yung picture nya.


5. Hiram na Mukha

Eto yung hindi gumagamit ng sariling pictures. Madalas mga artista ang pinaggagagrab nilang mga picture. Minsan din mga pics ng common tao na may itsura naman. Magugulat ka na lang na nagtatransform ang isang 14-year old highschool girl sa isang panot na 42-year old obese guy. Chixi? Yakk lang ha! Minsan naman eh mga cartoon characters ang gamit. Mejo childish ang dating pero what would you expect sa level niyan, either pacute, highschool student, or pang highschool ang brain level.


6. Plus one

Eto yung mga kakatakot lang ang fezzz pero naman ang mga extra nila sa pics eh winner. Kelangan cheeks to cheeks with cuties. Pang inggit lang sa iba na meron silang jowaerz na may itsu. Kaya lang naman navi-view ang pics nila eh dun sa mga kasama nila noh. Wag masyadong magshampoo at madaling malagas ang long hair.

Mag-post ng isang Komento

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips