April, 2008 Void
Ang init ng panahon lately. Around 36 degrees na ang temperature. Good luck naman sa paglalakad ng tanghaling tapat. Kakahiyang magkalat ng Radiance. Eeeeewwww! Kung sana itinutulog na lang ng mga batang kalye ang time nila sa paglalaro sa arawan sa paliligo or pagtulog or panonood ng Daisy Siete, eh safe ang mga ilong natin sa harmful effects ng scent na to.
Ang gusto ko eh yung overcast ung sky pag naglalakad ako. Yung makulimlim lang. Hanohbahyan napakadark ko talaga. Hindi naman masaydo, gusto ko lang neutral ung skies, not too sunny, not too dark. Ayoko talaga ng clear skies, minsan naimagine ko lang eh parang feel ko merong something hiding out the wide space. My god agoraphobic pa ako ngayon.
Pwede na rin kung partly cloudy ang skies. Dati eh I really like staring up and looking for cloud formations. Just focus and you'll see shapes and sizes. Do not underestimate the power of the mind.
Sabihin ng kasama mo, "look oh, hugis aso."
Ayy, oo nga.
"Look sa left, parang Eiffel Tower."
No, mukhang poste lang ng Meralco kaya?!
"Dun sa bandang north, kamukha ni Angelina Jolie oh!"
Lips na lips pa lang. Leche tumigil ka na nga.
Power of suggestion, we look for possible combinations. Our imagination tries to catch up, we form our own clouds. We make ourselves believe that there's something there when in fact they're all just a mass of vapor.
Today, I stared up. I searched. Nothing. I searched again! Ayun, parang heart shape. Inenjoy ko lang ang view. Minutes later nadisperse na ang faux heart cloud. I keep looking up for inspiration. And I see this beautiful cloud, although it's not the perfect heart shape I want, I can't take my eyes off of it. I tried to catch a cloud, still I'm earthbound. Wish I'm that cloud next to it. Wish I'm floating right next to it now, but only my heart floats; my mind oblivious and scattered in places; my body motionless and numbed from pain.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento