Sabado, Abril 12, 2008

Flush Report


Toilet Talk
April 30, 2008




"You know friend, you're like an inidoro.
Cause you're my labasan ng sama ng loob."

- Anonymous



Pagkatapos magmeryenda ng toknene (ayoko ng toknanay), tambay tambay lang kami ni Maricel sa harap ng antayan ng sakayan ng jeep. Fevorite namin dito kasi andaming passerby, andami mga cute, pacute, feeling cute, at katacute. Andaming nag-aabang ng kameet. Ang obvious nyo kaya! Meron bang magbarkada na nagpapasundo pa! Meron namang ibang nag-antay sumundo ng kajowaan. Nainggit ata si Cel. Nasa memory lane nang natauhan.


Maricel: How will you tell someone kapag ayaw mo na pero gusto mo pa?

Jeremy:
Parang ang gulo ahh. Tumira ka ba ng Snowbear? Ayaw ba talaga o gusto?

Maricel:
It's like ayaw mo na kasi it's not working out na, pero you like the person pa, para lang di siya mahirapan.

Jeremy
: Kakalito ka!

Maricel:
May follow up question yan pag nasagot mo yung tanong na yan.

Jeremy
: Ayy quiz ito!

Maricel:
Parang ganun na nga! hahaha

Jeremy
: Teka lang kukuha ako ng 1/4 sheet of paper. Number your papers from 1 to 50

Maricel:
Dali na umayos ka. Tangerts yellow pad dapat kase mahaba yung sagot.

Jeremy
: Gusto ko yung grade 1 pad, ung blue, red, blue, etcetera.

Maricel:
Ang tagal mo sumagot!

Jeremy
: Ang hirap kasi you really like the person. Pero its going nowhere?

Maricel:
Parang ganun.

Jeremy
: Do you want to move on and forget everything?

Maricel:
Yes

Jeremy
: Gusto mo ba magalit sya?

Maricel:
Hindi.

Jeremy
: Sabi sakin ni doc mahirap magmove on pag ganun kasi meron pa rin attachment. Kumbaga wala kayong serious na pinag-awayan and there's a chance to rekindle the emotions. Parang ewan lang yung sagot ko, meron logic jan somewhere. Encircle mo na lang.

Maricel:
hahaha. Oo nga eh ang kulit noh.

Jeremy
: Kanina sa radyo andami nagrerequest nung song na Art of Letting Go. Uso ba yun ngayon? Papakinggan ko sana pero too cheezy for my taste. hahah. Siguro meron jang lesson ka matututunan.

Maricel:
I know that song! Actually ganito kasi yun. Nung isang beses magkatxt kami ni Will tas naaasar na siya sakin. So feeling ko yun yung right time to tell him we should stop texting na kasi aksaya sa pera and time. Nung sinabi ko yun sa kanya, tinanong niya ako kung ano ba daw ang problema ko.

Jeremy
: Wow, nagalit pa talaga?! Do you want him? Does he want you? Pano yung Gelayfren? Ito at marami pang katanungan ay mabibigyan ng kasagutan pagkatapos ng ilang patalastas.

Maricel:
I don't know if he likes me eh. When I told him I won't see him pag-uwi nya ng Pinas, nagalit siya sakin. Kapag may kinukwento ako sa kanya tas alam niyang lalaki, nagtatanong siya kung sino yun.

Jeremy
: Baka kinekwento mo ako! Pagselosan pa ako.

Maricel: Oo naikuwento na kita one time. Tas ayun he started saying, "who's Jeremy? Ah baka yun na si Mr. Right." Parang tanga lang!

Jeremy: Heniweys, if he really wants you, bakit meron pang iba? Malamang may gusto rin sya talaga sayo kasi hindi sya magaaksaya ng time, money, effort, whatever with you kung wala syang intention. Well, Right talaga ako kasi hindi ako leftist. hahah. Mister nga, pero not looking for my miss. hahah

Maricel:
I know! Natawa kaya ako nung sinabe niya yun. Kung kilala ka lang niya. Tas kasi binigyan ko siya ng alias pero di niya alam na siya yun. We call him Tae. Tas nakikitae rin siya. Tas ayun parang tanga, nagseselos siya kay Tae!

Jeremy
: Ang tanong, gusto mo ba iflush ang Tae?! O gusto mo himas himasin pa muna? Parang yuckkk lang ang dating!

Maricel:
hahaha. Kadiri noh? Di ko rin alam eh. I want him to stay pero ayoko na mas maging deeper pa yung feelings ko sa kanya kasi baka di ko na siya kaya iflush pag tumagal pa. At heto pa, since lagi namin pinaguusapan si Tae, he wants to meet Tae. Di ba ang labo nun. Pano ko siya papakilala sa sarili niya?

Jeremy
: Nasa harap mo Will ang salamin, ano ang gusto mo sabihin kay Tae? Malalaman natin sa pagbabalik ng THE BUZZ!!! Kung balak mo ituloy yung gift chorva pag nagmeet kayo, baka maintindihan nya kung sino si Tae. Sana. At matauhan sya na isa lang ang nasa puso mo... walang iba kundi si Mike Enriquez, kapusong totoo!

Maricel:
hahaha. Ganun?! Ewan ko. I know alam niyang siya yun kasi sinabi ko na yun sa kanya pero binawi ko lang ulit kasi after nung sinabi ko na, "pano kung ikaw si Tae," he kept on asking about Tae na at ngayon gusto pa niya mameet.

Jeremy
: Slow naman nya kung hindi pa nya nagetz.

Maricel:
Pwedeng tanga tangahan lang!

Jeremy
: Baka he likes to play along sa Tae person para asarin ka lang lalo.

Maricel:
Pero I know it's not gonna work out!

Jeremy
: Lalong lalaki ang ulo nya!

Maricel:
Oo nga naisip ko na rin yan kung kaya ko lang magproduce ng ibang Tae, gagawin ko talaga ng matauhan yung kupal na yun.

Jeremy
: May panis na ulam sa bahay, gusto mo? hahah. Sa tingin mo ba eh worth sya ng attention na binibigay mo? Kung happy ka naman why not, pero kung after eh you'll feel empty. Hayz!

Maricel:
I don't know rin eh. Alam ko para lang akong tanga pero alam mo yun, he's different from Don. As in ang layo nila! Pero ewan ko kung bakit gusto ko siya. Parang ganito lang yan eh, sabi nga love is not a feeling its an ability. Kaloka yung phrase na yun, di ko magets.

Jeremy
: Pano naging ability yun?! Kakaloka nga ha! San mo ba napupulot yan?! Sa akin naman ang love eh beyond explanation. You wouldn't know why, you just feel it.

Maricel:


When I think about how much I'm loving you
No limitations, no set of regimented rules
I'm amazed how much this love has touched my life
And the commitment that we share is a welcome sacrifice.

Jeremy: Anong title nyan?

Maricel:
Just because by Anita Baker.

Jeremy
: Ano naman alam ng mga panadero sa mga lab lab na yan?! Theme song mo for him?

Maricel:
Yes

Jeremy
: Meron theme song sya for you?

Maricel:


I love you just because I love you just because
Just because I do, my darlin'
Emotions more than words can help me say
I love you, baby, just because you're you
Just because you're you

Jeremy: Ayyy ang korni nyo ha. May musical kayo?

Maricel:
Anobah! Nung highschool kanta niya sakin One Sweet Day!

Jeremy: Ayyy gusto ka ilibing?! Pero ano ba ang nasa puso mo? Atras o abante? Ano rin ang nasa isip mo? Ano naman ang sinasabi ng kipay mo?

Maricel:
Yung kipay ko sunud sunuran lang yan sa utak ko!

Jeremy
: Iba iba yan ng sinasabi. Pag nag-agree sila, you only solve half of the equation. You need to know kung magrereciprocate sya!

Maricel:
Hay naku you're making it more complicated. Wag mo kaya simulan ng equation. Baka maloka lang ako niyan lalo.

Jeremy
: I think alam mo na sagot mo eh.

Maricel:
Ano? Hindi kaya! Ganito kasi yun eh, gusto ko siya pero ayoko rin naman pag di ko siya nakikita. Gusto ko siya pero pag andyan na siya parang di ko naman gusto!

Jeremy
: No comment.

Maricel:
Gulo noh? Taenang buhay to oh! Alam mo ba everyday halos php300+ na load ang nako-consume ko diyan kay Will para lang makipagasaran at makipaglandian sa kanya.

Jeremy
: Sosyahl! Share-a-load naman jan. Baka naman ayomo na kasi cost cutting ka?

Maricel:
Oo gusto ko na magcost cutting. Sayang eh! It's like investing sa business na palugi naman.

Jeremy
: Paano kung merong reversal of loss.

Maricel:
What do you mean?

Jeremy
: How can you measure your return on investment?

Maricel:
Ah yun, di ako marunong eh! hehehe

Jeremy
: Ah basta. Life is all about taking risks. How sure are you na mababawi mo yung ininvest mo?

Maricel:
I've been taking risks all my life. Wala bang yung sigurado naman. Parang teleserye lang ang mga buhay natin.

Jeremy
: Oo nga eh, napadala ko na kay ate Charo yung liham mo. Ang title daw "Higad"

Maricel:
Naman!!!


~0~


Sometimes, we ought to just be free of love. Parang constipation lang yan. You feel uneasy, you can't think or function well. Ambigat ng dinadala mo. Kesa mahirapan ka pa lalo, you want to let go of this feeling. You want to flush down the feelings, yet you have no control kung paano, or kailan. Magdolculax ka na lang! Sana may gamot din sa para sa mga pusong nakatali.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips