Martes, Abril 1, 2008

Monkey Business


Monkey Business
March 31, 2008
photo by Arne Kuilman at Flickr


Alas ocho ng gabi sa karinderya ni Aling Janna may nakatambay na dalawang toda. Mukhang nakaboundary na kaya petix petix lang. Inaantay ko si Maricel galing sa bertdeyan ng pinsan ng classmate nya. Feelingera din tong makicrash eh, kaya ako feeling din na may pasalubong. Pinagbaon ko sya ng tupperware. Anong petsa na? Text text lang ako habang inaantay si Cel.


Jeremy: cel san k n? fud ko ha! bwahaha

Maricel: on d way. txt u l8r


Todo chikka ang mga toda.


Toda1: Pare, kilala mo si Boy Katindig?


Toda2
:
Sino naman yun?

Toda1
:
Si Boy Katindig yung kumanta ng I will Always Stay in Love this Way. Eh si Rina Dimaupo kilala mo?

Toda2
:
Tangina mo pare. Ang libog mo!

Toda1: Gago, kilala mo ba yun?

Toda2
:
Hindi eh. Sino ba yun?

Toda1
:
Si Rina Dimaupo nag-imbento ng Reno Potted Meat and Liver Spreads. Eh si Gorgonio Magalpok?

Jeremy: (Si Allan K yata yun eh)

Toda2: Potah ewan ko pare.

Toda1: Si Gorgonio Magalpok si Allan K.

Jeremy: (May tama ako! Atras si Toda1 at Toda2)

Toda2: Akala ko kilala mo rin si Eloisa Biglangtihaya.

Toda1
:
Ahaha. Sino sya?

Toda2
:
Siya yung may-ari ng Bueno matches.

Toda1
:
Ahh pati yung Guitar Posporo.

Jeremy: (May career kayo sa barberya in fairness)

Toda1
:
Eh si Procopia Sinukuan-Katakutan?

Toda2
:
Pare pamilyar yung pangalan.

Toda1
:
Siya ang gumawa ng Elmers glue.

Toda2
:
Akala ko siya yung major investor sa Boy Bawang.

Jeremy: (May nalalaman pa kayong major investor jan)

Toda1: Stockholder siya doon pare.

Jeremy
: (Define stockholder)

Toda1
:
May shares siya. Malaki, kalahati ng company.

Toda2
:
Tama pare, nabasa ko yan sa business section last year.

Jeremy: (Sosyal nagbabasa ng broadsheet?!)

Toda1: Makabili nga ng shares ng Elmers glue. Isa sya sa richest people in the world. Bibili ako ng shares.

Toda2
:
Tangina uunahan mo pa ako. Hindi kaya mabuyoff lang tayo ni Ms. Sinukuan-Katakutan?!

Jeremy: (Ayy talbog, Dow Jones itu)

Toda1
:
Mataas ang demand sa glue.

Toda2
:
Gago anong in demand, tapos na mga projects?!

Toda1
:
Pare malapit na ang June at nonstop ang demand kasi may summer class pa.

Toda2
:
May dalawang buwan pa.

Toda1
:
At inuulam ang glue sa ibang parte ng Pilipinas. Marami sa Southern Tagalog. and Western Visayas.

Jeremy: (Siguro ulam nila araw-araw yan?!)

Toda2: Oo nga, saka para din sa gumagawa ng saranggola, nakita kasi nila na mas effective yung Elmers glue kasi hindi sya defiant sa laws of aerodynamics.

Jeremy: (Ayy engineer si kuya?!)

Toda1
:
Oo at malakas ang dikit nya sa bubog.

Toda2
:
Oo nga tol, para hindi liparin yung gulong sa ibabaw ng bubong.

Toda1
:
Meron silang slogan dyan eh. Malinis, maganda... malinamnam pa.

Toda2
:
Nasubukan ko yan dati pre, walang wala ang star rice.

Jeremy: (Mukhang fevorit nyo nga, lakas ng epekto sa utak nyo.)

Toda1
:
Elmers rice, da best! Kasi kung paste gagamitin mo eh kanin din yun eh. Nalugi na nga ata ang Liwayway gawgaw, hindi na gumagawa ng paste. Saka hindi na gumagamit ng gawgaw pag namamamlantsa. Gusto nila ngayon malambot... Vernell!



~0~



Total spaced out nako sa mga nangyayari sa paligid ko. Gutom na ako at di pa rin nagtetext si Maricel. Mababaliw ako dito sa dalawang todang to. May mga sapi, mga takas yata sa mental, punyeta ang lakas ng trip. Kill me now!!!

Jeremy: wer n u? dalian mo!

Maricel: 5 mins

Jeremy: bka 48 yrs yan?!


Walang reply. Bwiset. Another five minutes of mental and intestinal torture. Intestinal ba talaga? Basta gutom na ako at hindi ako oorder ng ulam dito kanila aling Janna.


Toda2: Nalugi yung Liwayway gawgaw nung nakipagmerge sila sa jobos.

Toda1
:
Anong brand ng jobos? Ito ba eh gawa ng pagoda?

Toda2
:
Venus pre.

Toda1
:
Oo Venus nga. Kasi leading brand ng coloring eh Pagoda. Alam ko nage-expand na sila ngayon sa Crayola.

Toda2
:
Maglo-launch ba sila ng bagong colors?

Toda1
:
Hindi stick lang sila sa color wheel.

Toda2
:
Bakit hindi sila magventure into other markets.

Toda1
:
Marami naman silang products: water color, crayons, hair dye, jobos, shoe shine, at marami pa. Pati yata pintura sa bahay. Tatapatan nila ang Boysen.

Toda2
:
Tangina kinakalimutan mo yung atswete.

Toda1
:
Hindi nila sakop yun kasi wala na sya sa color wheel.

Toda2
:
Oo nga pala color apricot yun.

Jeremy
: (Apricot?! Huuuwhaaaat?! Pano nyo nalaman yan ha)

Toda1
:
Tangina ang yaman na nila.

Toda2
:
Andaming monopoly pare.

Toda1
:
Pero merong sila mga produkto na palpak, gaya ng cebo de macho. Potah! Narealize ng tao na di pala natatangal ang peklat. By-product lang pala ito ng Elmers glue.

Toda2
:
Meron di ba dati yung Fit? Yung panghugas ng gulay.

Toda1
:
Oo nga, tanginang peke yun. Maliban sa nalilinis yung gulay, naluluto na rin sya kagad at the same time.

Jeremy: (Ano?! Pano ngyari yun?)

Toda2
:
Kaya palpak kasi gawa sya sa laway ng aso.

Jeremy: (Eeeeeeewwwww)

Toda1
: Tama kasi nga
ang laway merong digestive juices na unti-unting dinadigest yung pagkain kaya parang naluluto.

Jeremy: (Salamat sa sineskwela... teka, wala namang ganung episode dun ah?!)

Toda1: Pero san ka pa, ang pinakamahal na kape nasa Pilipinas... gawa sa tae ng tarsier

Jeremy: (Yakkks! Gutom na nga ako, jerbax pa ang maririnig ko.)

Toda1: Kasi may kinakain ang tarsier na dahon ng kape.

Toda2: Ahh oo kelangan madigest muna nila yung dahon.

Toda1
:
Ayun, ineexport na natin sya sa ibang bansa. Tinalo na natin yung guano.

Jeremy: (Oh my god, sa Batangas na lang ako bibili ng kape, walang tarsier dun. Leche!)

Toda1: I'm so proud.

Toda2
:
Bakit di ko naisip yun... kunin ko ng yung tae ng pusa at lagay ko sa tea bag.

Jeremy: (Sori ka, hindi ako nagtatsaa!)

Toda2: Sasabihin ko pinakamahal na tea. Tae bag hindi tea bag.

Jeremy: (Kadiri naman mga idea nito?!)

Toda1: Tangina, genius pare. Sosyo tayo?



~0~




Sa wakas dumating din ang primadonna. Maiwan na tong mga todang kakalurkey.


Maricel: Jeh, sori late ako. Nagkainuman kasi tapos si boylet makulit....

Jeremy: Nasan yung pasalubong ko?

Maricel: Sori nakalimutan ko.

Jeremy: Leche, bumili tayo ng glue sa grocery.



~0~

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips