Huwebes, Agosto 25, 2016

DD Iced Coffee


What's the difference between ice-blended coffee and espresso blend?

"Hot po eto."

Bakit kasi blend tawag nyo? One iced coffee. Large.

Tumambay muna ako habang nagchacharge ng phone sa sulok malapit sa pinto. Yung bakanteng store sa walkway sa second level ng Dela Rosa Carpark paglingon ko humaba na ang pila. Sabi nila hindi na daw sya "pasalubong ng bayan." Umagaw na sa market at trono ang Krispy Kreme at J.Co.

May promo pala ng combo ng donut at coffee. Sayang pero ok lang, di pa naman ako gutom. Yung mga bumibili halos copy paste ng order sa nasa unahan nya, "choco butternut." Mabenta pa rin sya. Or bestseller pa rin rather. I like it pero nasa iba yata ang puso ko.

Black raspberry filled. May nakakaalala pa kaya nun? Favorite ko yun. If I have to replay episodes of my childhood, yun yata yung namimili kami ng babaunin sa field trip. Dalawang blackraspberry-filled donuts for me. Phased out na yata sya. Buti pa yung Bavarian, Boston Kreme, at Choco Butternut nakasurvive sa agos ng panahon. Ngunit si Dunkin Donut mananatili sa aking alaala. Ang dating pasalubong ng bayan sa aking gunita mananatiling paboritong baon.

Ipagpatawad napasenti ako sa playlist nilang hugot sa alternative rock ng 90s at 00s. At ngayon, si Charlie Puth na ang pineplay nila at paubos na rin ang iced coffee. Maraming salamat sa mga alaala. Babalik ako promise. You're only one call away.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips