I miss blogging. Miss mo ba ako? I haven’t written in the last 48 years na yata (9 or 10 months in straightie years) hindi dahil wala na ako maisulat kung hindi wala na akong drive para magsulat. Mabuti pa kung broken-hearted ako eh napakadali maglabas ng sama ng loob akala mo pinainom mo ng pampurga, taeng tae sa emosyon. Jusko walang drama ngayon si Jonathan. At dahil dyan wala na ako masabi kahit mema lang. Silence. Na-shutup lang ako habang maingay na umiikot ang mundo. Yung tipong may maiisip ako na uyyy magandang topic to pero walang nitro para ipagpatuloy ko isulat ito.
Bakit pa nga ba ako magbablog? Dahil ba pinauso ulit ni Mocha Uson kahit technically di naman sya nagbablog at makamandag na fake news lamang ang kaniyang ipinagbubureche. (Bumalik ka na lang sa pagbukaka teh at baka mapacha pa’delante pa kita). Ang gusto ko lang naman talaga ay marinig at pakinggan. Ngunit dahil wala ako kahit piso para makausap, nagpepretend lang akong may bumabasa nito at nakikinig sa akin. Sagot ka naman fren please. Malungkot mag-isa pero masaya magpanggap na may concerned sayo.
These past couple of days I just feel tired kahit wala akong ginagawa masyado sa work. Hindi naman sa tamad ako, tinatamad ako. There’s a difference. Yung task ko na pwede matapos sana in 45-75 minutes pinapaabot ko ng isang araw. Kung may AHT QA kami malamang PIP na ako. (That’s a mouthful of abbreviations pero keep up with the program na lang aling Oprah) Alam ko naman kaya ko gawin agad para mas marami ako matapos. Wala lang talaga dun yung drive. Ang utak ko ay tumatakbo sa emosyon. Hindi ako robot na isang pindot lang tapos na ang trabaho; kailangan ko nito bilang baterya.
May nagtanong sakin dati bakit daw ba pagod ako kung lagi naman ako nakaupo. Akala yata nya pahinga lang yung nakaupo ka. Mag-iisip ka rin, at mas nakakapagod mag-isip pag wala kang maisip. Parang pinipiga mo yung last patak ng alak sa bote. Parang nagsalsal ka ng ideya pero nangalay ka lang wala pa rin lumabas. Pagod ako dahil wala ako maisip, wala ako maisip dahil pagod ako. Vicious cycle.
Kahit papaano ay nilabasan ako ngayon. Mga ilang araw na rin itong nakadraft. Nais kong bumalik ang aking sigla. Sana mainlab uli ako at masaktan. Choz lang, gusto ko lang ng makausap sa ganitong level. Pero Lord, gusto ko rin mainlab, separately. Lord naman, I am jowable hahah.
Miss mo na ba ako?
Miss Vangie!
____________________
Photo by maindo007 via Flickr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento