Auntie actually ang tawag ko sa kanya, kasi it's more sushal pakinggan kesa tita. Kakaluwas lang nya from Sheekahgo you know, from Ilinoise yah know. Edad 80 yata or something at every year naman nakakaluwas sya para mag medical mission with her amiga doctores. Anyway namimiss ko sya pero kapag nandito sya parang may machine gun ganyan.
Kung titas of Manila are like awkward and manang state of mind, titas of America be like "kaya kayo di umaasenso kasi ang tatamad nyo. Pumunta ka sa America, mag aral ka don!"
But I don't wanna Auntie! Mamamatay ako! There's like no adobo and kare kare and sinigang there. Actually I don't know pero kebs makadahilan. I don't see myself sa ibang bansa. Pwede tourist lang siguro, pero manirahan dun? Mamamatay ako! Wala si crush/es dun. At di ko yata bet ang mga afam. Basta mamamatay ako. At like trenta na mag-aaral pa ulit? Ayoko na. Di pa nga ako quota sa life lessons, aral pa more? No! Mamamatay ako.
Tapos yung presidente nyo parang walang pinagkaiba sa presidente dito. Kayo na ng gumagaya sa Pinas. Kahit bulok dito feeling ko di ko pa oras ma-EJK.
Anyway tita, kung nasan ka man, umuwi ka muna dito sa bahay. Magrefill ka muna ng chocolates. Saka natin pag-usapan ang Chicago.
Cue: You're the meaning in my life. You're the inspiration.
____________________
Photo by Mario Güldenhaupt via Flickr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento