Biyernes, Hunyo 10, 2016

Tindahan ni Aling Yolly


San tayo? Dun sa masarap!

Sa araw araw na pagpapagod mo sa opisina, ang iniisip mo na lang parati ay kung anong oras ka na naman makakarating sa bahay. Sa mga may sariling bahay here in the Metro, iniisip mo na lang ano kayang ulam na daratnan mo? Bibigyan ka nito ng sigla na sana sinigang o tinola ang luto ni inay. Eh paano naman kung bumukod ka na ng bahay, ikaw pa rin pala ang mag-iisip ng lulutuin mo.

Sa mga nangungupahan naman maghahanap ka pa saan makakakain ng mura. Minsan yung lasa di na mahalaga. Laman tyan din yan, basta sng mahalaga ay busog ka man lang bago nawalan ng malay. Or kung petsa de peligro, tubig na lang at pumikit ka na lang ng matindi baka makalimot ka sa gutom, at sa panaginip ka na lang mabusog.

Sa mga officemates ko na nagrerent sa Makati, mejo nakakatipid naman sila sa byahe pero tinataga naman sa upa. Tapos kung saan saan lang napapakain ng mga putsu putsung meals, mairaos lang ang gutom. Buti na lang may nakadiscover ng tapsihan ni aling Yolly.

Nasa tapat lang ng Citiland sa may Dela Rosa/Buendia, patok na patok sa mga yuppies ang karinderyang ito. Sa umaga laundry sya pero sa gabi nagtatransform sa karinderya. At bukas sya sa lahat ng gustong kumain, except late night (mga 11PM siguro) at Sundays. Syempe kelangan din ni aling Yolly magpahinga. Buti nga di lasang sabon ang foods nila, or amoy ulam ang nilabhan nila. 

Mag-asawa ang may-ari nito. Inassume ko si aling Yolly yung name ni ate, pero baka minana lang nya yung pangalan ng store o baka name ng lola nila yun, I dunno. Basta alam ko masarap kumain dito. At mura pa. Winner talaga. Typical Filipino silog yung menu nila: may tapa, may daing na bangus belly (bestseller), may siningang na hipon o bangus, fried chicken, porkchop, adobong pusit, pancit bihon, at spicy tofu. So far, yan pa lang natry ko pero lahat winners in their own right. Sapat lang ang serving at minsan nagsesharing pa kami. Korek, dahil sadyang mga dukha kami nagagawa pa namin maghati hati sa bill; tig 80 PhP max siguro pero sulit na sulit ka na.

Nagkakayayaan kaming mag oofficemates dito pag stressed sa work, gusto magrelease ng konting sa paglafs ng something mesherep. Mejo maglalakad ka nga lang from office, mga 15-20 minutes from Rufino papunta dito. Tapos maglolongtable kami kahit nga 6 lang ang table dun. Masaya na kami. Busog. Napagchismisan si kuwan at yung ano ni kuwan2.

Pero after ng kainan, maghihiwa-hiwqlay na ng landas. Yung iba jan lang sa Citiland umuuwi kaya pahinga agad sila. Yung iba naman babyahe pa papuntang LRT Taft. Ako lang ang babyahe pa Edsa. Wala naman kasing northbound na mga officemates, iniwasan na nila ang sumpa ni Edsa kay nangupahan na sila sa Makati. Wala namang kaso pero naiisip ko lagi kahit masaya kayong magkakasama, uuwi ka pa rin mag-isa.

Tapos ngayon magkakaiba na kami ng mga teams and roles. Iba iba na ang uwi kahit pare parehas pa rin naman ng shift. Kanya kanyang overtime sa kanya kanyang kabusyhan. Namimiss ko na silang makasama ulit kumain. Kahit pa  uuwi rin ako mag-isa. Namimiss ko lang siguro yung pagsasamahan namin. Nasa iisang palapag lang ngunit walang makuhang oras na magkasama sama. Kinain na ba ng responsibilidad ang pagkakataon para sa amin?

Namimiss ko yung mga asaran at tawanan. Namimiss ko yung agawan sa ulam pero pagkakahiyaan sa tirang piraso. Namimiss ko yung spicy tofu. Namimiss ko si aling Yolly.

San tayo? Dun sa masaya....

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips