Sabado, Mayo 28, 2016

Pagasaness


Heto na naman nag-e-emote ako. Pinaasa nang paulit-ulit. Sabi nya hindi daw sya magpapaasa. Sabi nya laging nanjan lang sya. Mga pangako ng mga paasa. Putang ina!

Hindi ako magsosorry sa foul language. Pero kung first time mo mababasa tong blog ko, sorry po. Putang ina po. Ok ka na? Well ako hindi pa. Quits lang.

Actually wala pa namang finality. Hinihintay ko pa pero lahat ng clues nakaturo na dun. Paasa. Atsaka kelan pa nagkaron ng closure sa mga paasa? Dapat jan sinusunog ang tulay, kasama silang lahat actually. Pero hindi naman ako arsonista. Hayaan ko na lang si karma makahanap ng kerosene at posporo.

Di ko alam kung ano masakit, etong umasa na naman o yung magreminisce ng lahat ng paasa sa buhay ko? Tendency ko kasi pag nasasaktan ako ay alalahanin kung sino yung mas masakit ang ginawa sakin. Para may ranking ng pain ganyan. Pakisampal na lang ulit ako sakaling makasalubong mo ako sa kanto. Mas matatanggap ko pa yata yung ganyang pain kesa ganitong patuloy na nagpapakatanga.

Mabuti na lang talaga wala akong suicidal tendencies. Baka yung pain 10/10 nategi na talaga ako, pero no. Naalala ko pa na binabaybay ko ang tulay ng Guadalupe that time. Madaling araw, pasado alas tres ata yun. Sumilip ako at napag-isipan ko agad-agad na nakakahiya mamatay sa ilog Pasig. Kaya nag emote na lang sa pag lip sync sabay sa aking emo playlist. Kahit puro breakup songs ito at least nauplift ang mababa pa sa putik na feelings ko.

Gaya ngayon pumeplay ang Jackson 5 ng I Want You Back. Seryoso, I want you back, but you ruined it. Kahit pa gusto ko, di naman lahat ng gusto nasusunod. Tayo'y pawang mga utu-uto sa tadhana. Ang mga stars gabay lang daw; pero tandaan mo: sa umaga walang stars. Kaya nagkakanda leche leche tayo sa free will na yan.

Lord, nagpakabait naman po ako di ba? Bakit po pagsubok na naman? Quotang quota  na ako sa mga paasa. Siguro kaya Niyo lang ako binubuhay physically kahit murder na murder na ako emotionally dahil alam Mong malaki ang paniniwala ko sa pag-asa. Na bukas may darating para sa akin, para sa lahat, na magtatama ng mga mali sa buhay natin. Sige po go lang push. Aasa na naman ako. Mawala na lahat sa akin wag lang itong pag-asa.

PS. Infer ambilis ko magsulat pag galit/nasasaktan. Pain pa more?


_____________________
Photo by Andrey Nelepa via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips