Lunes, Agosto 8, 2016

The Elder Scrolls: 34

 
Nasa bingo ka na ba?

Pwede lotto muna? Yung megalotto pa para todo na sa bracket. Josko kaka trenta kwatro ko pa lang iniisip ko na agad ang digits.

Does age matter?

Nung mejo bata pa ako ng konti--a few weeks ago ganyan--iniisip ko lagi na ang para sa akin ay dapat older bilang childish ako, para man lang macompensate sa maturity. Yung tipong mag-aaruga sa akin at gagabay. Guardian lang ang peg. Pero mukhang walang katuparan ito. Ang tanda ko na para patulan ng mas matanda sa akin. At kung may magkakagusto man sa akin, nasa senior citizen level na siguro.

At ngayong nasa edad na ako (di ko na uulitin dahil mejo masakit tanggapin choz) parang nafoforce na ako mag mature dahil sa natural order. Growing up is an option daw pero sa ngayon parang wala na akong choice but to comply. Nakakahiya naman sigurong damulag ka na pero isip bata pa rin.

Like sa office, I am given supervisory role, kahit mejo labag sa umpisa sa aking code of ethics dahil naniniwala akong ako ay born individual contributor as opposed bilang people developer. But it's a challenge I'm willing to take. Fighting spirit y'all! Work in progress but I know I'll get there soon. Ano pa't may maximizer akong strength sabi ni Gallup, kung di ko naman magagamit sa aking nasasakupan. Feeling ko sabog pa kami as a team dahil sabog pa rin ako maglead pero pinaplantsa naman natun ang mga gusot. Go for stable to capable to optimized. Saka na ang plans for gen4.

Sa aspetong pag-ibig naman, feeling ko hindi pa rin talaga ako matured. Yung tipong parang highschool pa rin ako mafall; sa mga taong nagpapakita lang ng kaunting atensyon ay humaling na humaling na ako. Ok, I feel like an attention-whore. Gusto ko sa akin lang makikipag-usap. Clingy much? Kasi kung magkakaroon man tayo ng deal, dapat exclusive ang usapan. Di yung tipong kadate kita pero may tatlong tao kang kachat. Eenie, meenie, mynie mo lang? Di naman sa magbabawal akong makipag-usap ka sa iba, pwede namang maging open. Wag lang yung usapang gaguhan.

At dahil jan ayoko ng mas bata. Well, pwede naman up to minus 4 years siguro sa akin, pero ideal yung my age up to plus 4. Feeling ko kasi pag mga bata nakikipaglaro pa. Well, meron ngang nasa kwarenta na pero puro laro pa rin ang gusto. Fling dito, sex diyan. Kayo na ang bachelors. Basta play safe.

Pero nakakagulat din makakilala ng mga batang mature na mag isip sa edad nila. Nakakahiya sa kanila sa totoo lang. Marunong na sila mamuhay independently. Samantalang ako ang alam ko lang na gawaing bahay ay magsaing ng kanin (without using rice cooker mind you) at maghugas ng pinggan. Pag bumukod na ako, siguro de lata ang papatay sa akin, or yung chemicals at cholesterol content nila. 

Going back sa mga young matured ones, I've met at least two people. Sila yung ngayon pa lang marunong na mag invest para sa future nila. Yung isa naghuhulog na para sa condo nila ng jowa nya para sa settling down. 21 nagsesettle down na? Mygass nung edad ko nyan nasa college pa ako. Yung isa naman ang nagturo sa akin paano magmove on.

Minsan kasi hopia ka sa buhay. Feeling mo yung taong nakilala mo sya na ang forever. Tapos iiwan ka lang sa ere ng walang paramdam. Asan ka na ngayon? Nasa stratosphere kasi ginusto mo yan. Umasa ka. Pero sabi ni young one, mahigit 90% (di ko alam san nya hinugot ang statistics) ng mang iiwan sayo ay aalis na lang nang walang pasabi. Walang closure kasi wala naman silang ininvest na feelings. Bato lang talaga sila. Yung nasa 10% naman nagparamdam naman kaso sa text lang idinaan ang breakup. Yung feelings mo piso lang ang halaga. Wala ka na magagawa. Move on na lang. Nawa'y sa susunod wiser ka na. Wag na tatanga tanga.

Kaya sa life dapat matuto ka talaga mag mature. Kung di kakainin ka ng buo. Sabi nga ni Carmi Martin, ang buhay ay isang malaking Quiapo. Lumaban ka, maaagawan ka. Lumaban ka para sa sarili mong survival hindi para sa labang alam mo namang lotlot ka. Pwede ka naman magconcede at sa susunod na laban sana ikaw naman ang winner. Dahil minsan ang mga nanlalaban natetegu na lang sa lipunan.

Matanda ka na. Alam mo na ang dapat mong gawin.


____________________
Photo by Denise Mattox via Flickr.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips