Lunes, Enero 27, 2014

Dumedexter Doria


Kung may Celia Rodriguez tayo na pang-altasociedad lang ang peg, bihisan mo man ng basahan ay angat pa rin ang kasushalan; at may Lilia Cuntapay tayo na pangmahirap lang ang peg, damitan mo man ng ginto eh litaw pa rin ang kahirapan; syempre papayag ba tayong mga middle class na walang kakatawan sa atin? Not to diss madam Celia and madam Lilia, love ko sila pareho pero di sila ang kampyon naming pang average at 'pwede na' na mga mamamayan. Nanjan naman si Dexter Doria.

Ayon kay ateng Wanda, laging middle class ang role ni Dexter Doria. Teka sino nga ba si Dexter? Nakakalito ang pangalan nya kasi panglalaki pero babae. Anyway, sya nga daw yung laging middle class ang role. Kasi pag yumaman syas duda ka na yumaman siya dahil sa jueteng, sakla o pagbebenta ng mga pekeng ginto at kung anek-anek na klaseng estafa. Kapag naging mahirap naman eh ganon din. Kaya middle class na lang. Madalas sya yung mamasang sa mga chipanggang beerhouse o massage spa na may extra service. Lead majongera o nagpapatakbo ng illegal gambling. Pyramiding queen o di kaya asawa ng goon na smuggler ng fake iPhones. Pwede rin syang malupit na tiyahin. Kung mabait naman ang role nya eh pwede syang kapitan ng baranggay o kaya kumadrona o chismosang guidance counselor. Sa totoo lang, malaki ang playing field nya kung sa dami ng possible roles lang naman ang pag-uusapan. Dahil napakalaki ng middle class.

Noong taong 2012, naitala ng SWS na nasa 69% ng combined number ng families sa Pilipinas ang Class C at Class D. Masasabing masa ang middle class. Ngunit bakit ang 1% lang na altasociedad ang nagpapatakbo sa bansa natin? Powerless ka kung di ka Ayala, Lopez, Aquino o Romualdez. Asan ang demokrasya jan? Asan ang boses ng masa? Napupunta lang sa mga bobong mambabatas at mapagsamantalang administrasyon. Dahil mas bobo ang masa sa pagluklok nyan sa pwesto nila. Wala ka na magagawa. Ginusto natin yan eh.

Nung pumutok ang Napoles pork barrel scam, halos lahat ng tao may sari sariling konsepto. Lahat may masasabi at gustong sabihin. Pero lahat ba may sense? Natatawa ako dun sa mga nainterview na mga squatter. Galit na galit sila kay Napoles dahil ninanakaw daw ni Napoles ang pera nila. Preno muna. Ang pork barrel na pinag-uusapan eh yung allocation ng mga nakolektang buwis. Di ko naman minamata na lahat ng squatter ay di nagbabayad ng buwis. Marami pa rin, indirectly siguro mula sa mga pinapataw na taxes sa bilihin. O di kaya gaya din ng karamihan sa ating middle class na binabawasan buwan-buwan, taun-taon mula sa compensation natin. Napakasakit kaya na nasa 20-32% ng kinikita mo ay inaawas tapos malalaman mo ginagamit lang ng mga senador para sa pansarili nilang gastos gaya ng pagsali ng isang special effects movie sa MMFF. Tapos ang lakas pa ng loob magdrama sa kamara. Ang mga mayayaman lang ang yumayaman sa Pilipinas. Yung bilyun bilyon nga ang kinikita sa sports eh ieexempt pa sa tax. Tapos yung sumali sa singing contest sa ibang bansa eh itatax nila. Double standard. 

Going back sa mga squatter na nagrereklamo. Mabuti pa nga sila nabibigyan sila ng mga housing kahit pa sa labas ng Maynila. At least may sarili silang bahay. Ang altasociedad naglalakihan ang mga mansyon sa kani kanilang mga hacienda. Pero tayong mga middle class eh karamihan nangungupahan sa mga apartment. Walang pambili ng sarili nilang bahay. Ok lang naman kahit sa barung barong ka lang nakatira basta't kasama mo ang pamilya mo. Pero kung susuportahan sana ng gobyerno na makapagpatayo ng bahay ang malaking bulto ng source ng income nila. Parang give back lang ganyan.

Kung di mo naman ikakayaman ang problema, pagtawanan mo na lang. Sabi nga ni Senyora Santibanez, madami na ang mga hampaslupa sa bansa natin. Paboritong show: Be Careful with my Heart. Paboritong perfume: Aficionado. Paboritong fastfood: KFC at Mang Inasal, for the extra rice and gravehhh! National Anthem: Pusong Bato. Hobby: shopping sa 3-day sale, ukays at CD-R King. Paboritong ulam ng hampaslupa: corned beef with patatas daw. Siguro true yung karamihan jan. Dahil isa lang ang totoo, wais tayong mga middle class. Walang masama sa pagiging praktikal. Viva Lumen! Saka masarap kaya ang corned beef na maraming patatas at sibuyas. Lalo na yung Purefoods. Mejo umay na ang Argentina na di ko na mawari kung karne pa talaga. Gutom na ako.

Kaya rin siguro marami ang nagpapakasocial climber na lang. Para makaangat lang sa kinasadlakang lusak hahah. Sila yung umaastang social. Pero bihisan mo man ng ginto ang isang Lilia Cuntapay mangangamoy pa rin ang baho nya. Hoy hindi social climber si lola Lilia ha. Exagg ko lang. Yung mga tipong pag sweldo makatambay sa Starbucks wagas pero pag pecha de peligro half rice at free soup lang ang tinitira. Wag ganon ha. Wag masyadong tatanga tanga sa paggastos. Wala ka mapapatunayan sa Caramel Macchiato mo hija.

Sa hinaba haba ng rant, eh sa hustisya din ang tuloy. Sigaw ng masa, hustisya para sa middle class. Katarungan para kay Dexter Doria! Say no Pusong Bato! Penge ng corned beef! Katarungan kay Dexter Doria! Katarungan!


____________________
Photo by Busog! Sarap!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips