Lunes, Pebrero 3, 2014

Fortune Cookie


Kahit tapos na ang Christmas nagmomonito monita pa rin kami sa office. Bakit ba? Walang basagan ng trip. Dahil every day is Christmas.

Last Friday something Chinese ang kategorya bilang Chinese new year. Anything mema worth fifty pesos lang naman except the following: bagua, tikoy, at hopia. Dahil may phobia yata sila sa anything related kay Kris Aquino. At for sure kasi mag-e-Eng Bee Tin ang mga tao pag walang restrictions. For three consecutive weeks kasi puro foodelya na lang nabubunot ko. Pwede ba magdiet naman kahit minsan.

Anyway, effort tlga ako maghanap ng memang Chinese. Nakakuha ako ng Chinese checkers na slightly above and beyond sa agreed price range. At feeling ko ako lang naman ang geeky na makakaisip ng mga ganyang bagay.

And for what?

Nakakuha ako ng shining shimmering Horse keychain. Eh year of the Dog kaya ako hohoh. Ok na, kasi baka itong kabayong ito ang magtawid ng swerte sa akin sa taon ng wooden Horse.

But wait there's more.

May kalakip pa na dalawang fortune cookie ito.

Fact: Never pa ako nakakuha ng porchun cookie evarrr. As if may cosmic powers preventing me from having one. Mehganong mga conclusion eh. Pwede ba to kainin?

So binuksan ko ang isang tetrapakete nagtatago ng isang fortune cookie. Nasa loob ang isang mumunting cookie in some reddish color na di ko mawari kung burgundy, maroon or burnt sienna. Kelangan specific ang kwento ko eh bakit  ba?

Ayaw ko sana buksan kasi alam mo yun yung tipong meron kang kaOChan na ayaw mo galawin yung food. Anjan lang sya, display. Ganyan.

*Crack*

Nasa loob ang isang maliit na papel. May nakasulat.



Ayyy baka winning combo to sa lotto. Baka its my turn na para bumili ng condo aa Taguig. Atzif. Kung sana tumataya ako db. Lotto helps those who help themselves.

But wait there's more. Meron pa nakasulat sa other side.


"Be wary of people who tell you what you want to hear. They are only after their own interests."

Swak na swak sa nararamdaman ko. Alam mo yung paulit ulit kang pinapaasa at niloloko? I have my eyes on you. Yea ikaw nga. Ateng saleslady sa Landmark! Di mo na ako maloloko ulet!

Cold reading. Yung mga hula na napaka general lang eh kahit sino pwede makarelate. Usong uso pag mga new year. Iniinvite pa sa mga talkshows.

Maganda ang taon para sa mga pinanganak sa year of the Tiger. Magiging maganda ang negosyo mo this year. May parating na taong magmamahal sayo ng wagas. Magkakapera ka. May mabubuntis na starlet. May ikakasal na callcenter agent. Kahit ako kaya ko manghula ng ganyan. Wag masyado magpapaniwala.

Mabuti na lang masarap yung fortune cookie. Strawberry flavored sugar wafer. Dahil ang kapalaran ay nakalaan lamang sa mga taong kayang lunukin ang kahit anong ihain sa kanila; flavored man o vanilla ang fortune cookie nila.

*Burp*
Mag-post ng isang Komento

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips