Or elevator? Minsan nagkakamali pa rin ako ng tawag jan. Elevator ba o escalator? Di lang naman ako. You, them, and the entire human race. Amininnn! Napagpapalit mo ng tawag. Elevator o escalator. Pero sure ka naman kung alin jan ang tinutukoy mo.
Unless ikaw si Bobita Rose. Elevator yung sumasara na box. Escalator yung gumagalaw na stairs. Ewan ko na lang kung di mo pa rin gets. Bobita Rose.
Isang araw sumakay ng escalator si Bobita Rose. Eh nagkaron ng malfunction at napatigil pasada si escalator. Nagsipaglakaran na lang ang ibang pasahero. Si Bobita Rose naiwan sa gitna. Stuck sa sirang escalator. Baka nga naman maaksidente sya kung kikilos sya. Kung kasama ko sya, baka naaksidente sya sa akin ng malakas na sampal. Isip isip din pag may time teh.
May ilang escalators na sa metro na automatic lang gagalaw pag may sumampa. May sensor or something. Nung una ko nakita yun, akala ko nakaoff na or sira kaya nag-eeffort tlga ako sa stairs. Paglingon ko boom naka-on na sya. Kinain ako ng escalator. Bobita Rose. Excuse me, nag-eexercise kaya ako. Stair climber ang peg hahah.
Ewan ko ba bakit may mga taong hirap na hirap sumakay ng escalator. Parang kelangan pa nila tumiming bago maksampa. Teh di mo naman need ng diploma para sumampa. Parang hahakbang ka lang. You put your right foot in, you put your right foot out, and you shake it all about. Ganyan ako katalented sa escalator. Kaya ko pa magtinikling choz. Isipin mo na lang jump rope to kung di pa rin kaya. I-Love-You-Telebird-Telebird. Mamaya your escalatoring like a pro na.
Sa Singapore may scheme silang ipinatupad sa escalators yung isang side (right side ata, di ko sure pero di naman ako nalilito sa right at left pramis) para sa mga patient maghintay sa pagkilos ng escalator. Yung kabila laging moving. So kung sumampa ka halimbawa sa left side dapat lumakad ka dahil aawayin ka ng mga nasa likod mo. Sabi nila, nag-escalator ka pa eh maglalakad ka rin pala. Walang basagan ng trip. Actually napansin ko, inimplement nila yan sa MRT Ayala station. Pero sadyang bulag lang siguro tayong mga Finoy sa mga alituntunin. Walang basagan ng trip.
Nakakaasar ang escalator sa Ayala underpass. Madalas sira. Actually pataas lang naman ang ginawan ng escalator dun, bilang may stairs naman at gravity para sa pababa. Anyways, so ang problema lang eh kung sira ang escalators eh kasiksikan ng pababa ang mga pataas. 85:15 siguro ang ratio ng pataas sa pababa. Imaginin mo ang pila sa morning rush ng mga paahon sa underpass. Ganito kami sa Makati.
Kung ang escalator ay para sa pataas, di ba dapat ang pababa eh descalator? Since wala namang ganung word, ako na lang ang gagamit nito. Ako nag-imbento ng descalator ha. Walang basagan ng trip choz.
Parang mga issue, di ba kapag may problema kelangan iescalate agad pag di maaksyunan. Gusto mo manggulo ng supervisors at managers para maramdaman nila ang sense mo ng urgency. Dahil ang life parang escalator; minsan pataas, minsan pababa, pero dapat laging umaandar. At kapag tumigil na, move on move on din. Wag Bobita Rose.
____________________
Photo by vpickering via Flickr under Creative Commons. Some rights reserved.
Parang mga issue, di ba kapag may problema kelangan iescalate agad pag di maaksyunan. Gusto mo manggulo ng supervisors at managers para maramdaman nila ang sense mo ng urgency. Dahil ang life parang escalator; minsan pataas, minsan pababa, pero dapat laging umaandar. At kapag tumigil na, move on move on din. Wag Bobita Rose.
____________________
Photo by vpickering via Flickr under Creative Commons. Some rights reserved.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento