Sabado, Hulyo 6, 2013
Chesscake
Wala pa talaga akong time magsulat ng something ngayon kaya magseshare na lang muna ako ng isang anecdote. Ibang levelling na ngayon umaanecdote na. Akala mo speaker lang or somethang.
Anyway, noong unang panahon meron isang mahirap na manggagawa. Sa sobrang hirap nya wala sya masyadong outfit. Pano ka ba nga naman makakabili ng outfit eh ang sinesweldo mo eh galing lang sa petty cash.
So itong si poor boy eh kumakain lang sa canteen nila na pasushal ang peg na maraming branches across the Metro na itatago na lang natin sa pangalang Bells. Si Bells eh nag-ooffer naman ng discount sa mga employees part ng contract nila sa rental chorva sa building ng company. At dahil pasushal ang peg ni Bells, ang mga ulam nila kelangan with proper labelling. Akswali pansin ko lang parang pare parehas ang ulam nila araw araw, naiiba lang ang tawag. Like yung chicken afritada bukas chicken ala monja, or yung adobo magiging pork stew, or yung creamy beef stew magiging beef stroganoff. So on and so forth.
Pero may isang pangarap si poor boy, na mabiling dessert balang araw ang slice ng cheesecake. Bilang di pa sya nakakatikim nito ever. Josko 65 PhP na nga lang at discounted na yan, wala pa rin purchasing power si poor boy. Like eeewww, that's so gross. Don't make usap to me you hampaslupa you. Ganyan.
Pero nagsumikap si poorboy na balang araw makakabili din sya ng cheesecake. Nagreview sya para maging CPA at mejo maiangat ang antas nya sa sociedad. At nung huling araw nya sa company--hindi dahil wala na silang pampasweldo mula sa petty cash kund dahil... well kelangan nya kasi magconcentrate sa review yah know--naglakas loob na sya na mag-all-in sa kanyang allowance at bumili ng slice ng cheesecake. Minsan lang to pramis!
So coffee break gumora sya sa Bells at lumapit ka'y ateng cashier.
PB: Ate, isa nga po nung cheesecake.
ATE: Cheesecake po, wait lang.
PB: Magkano po?
ATE: Fifteen po ser!
PB: Kinse? Ano yan garage sale? Dalawahin mo na ate!
ATE: Eto po *sabay abot*
PB: Lemon Square cheesecake po to ate?!
ATE: Yes po.
PB: Ayyy hindi po yan. Pakivoid na lang po.
Cupcake kinse pesos ano to lokohan?! Najudge na si poor boy ni ate. Akala nya cheese cupcake lang ang afford nito. Sad. At out of stock na rin tlga ang blueberry cheesecake.
Fast forward ng ilang taon. Di na sa petty cash sumesweldo si poor boy. At nakakaafford na rin sya ng pambili ng Planner pag pasko lang. Isa na lang ang kulang sa buhay nya. Ang lablayp. Dahil ang lablayp parang cheesecake. Mejo sweet na mejo sour. At di mo pwedeng bilhin, lalo na kung poor ka. Eeeewww.
____________________
*Based on a true story pramis!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento