Lunes, Hunyo 10, 2013
Review: Juana C
Sino si Juana Change?
Actually, di ko sya knows. Parang nakilala ko lang sya kanina or kahapon. Dahil sa gapatak na mga status posts ng ilang friends ko sa timeline habang nalulunod ako sa mga tweets about basketball, Superman, at Game of Thrones. Basta may movie daw sya. Comedy.
So dali dalian kong nag-assemble ng friends para manood ng Juana Change sa Glorietta 4 bandang alas siete ng gabi. It's now or never. Di natin kasi alam kelan ito ipupullout sa mga sinehan. Alam mo naman sa panahon ngayon, kung di ka Star Magic, lalangawin ang palabas mo.
So ayun, sex comedy na political ang dating. Mejo sumegue sa religion pero pahapyaw lang. Kumbaga sa chismisan, ang mga topic na dapat iwasan kungdi end-of-friendship na. Pero go lang sila teh. Ang susunod na palabas ay may mga eksenang sekswal at politikal na di angkop sa mga conservative na keber na Pinoy. Pero matapang pa rin sila para talakayin to comically. Sana lang may tumatawa ngayon sa Senado. Oh yes, kasama ka don Nancy choz.
Star studded ang pelikula. Pero di ko tlga knows si teh Mae Paner as Juana Change. Sabi nila mejo patay ang delivery nya ng lines. Pero I think effective naman syang tool paano naitawid ang mensahe. Also starring sila Joel Torre, Candy Pangilinan, Nino Muhlach, Soxie Topacio and meyni more. Sino ba yung majondang sidekick don ni Peachy? Anita Linda? Mary Walter? Basta gusto ko sya dahil skeyri sya kahit wala syang speaking lines hahah.
Madali lang naman sundan ang kwento. Si Juana Change ay promdi na nasilaw sa nightlife ng Maynila at nabaon sa utang, nagpokpok, pinasushal na pokpok, nagkaroon ng koneksyones, may natuklasang sikreto na inferr hindi nasa diary sa ibabaw ng tv, dineath threat, at tinangka pa ring isiwalat ito. And to top it off, dalawa pa ang leading man nya, although yung isa na majubis pwede mo na icount as dalawa choz. Sya na!
Ano bang meron ka Juana Change? Siguro yung drive to make a change. Alam mo naman di mo mababago ang bansa natin ng isang pitik lang. Kahit sa sarili na lang natin, let's find something we wanna change. Kung isang patak lang siguro wala pang impact. Pero kung marami na ang patak siguro naman kakayanin na nating ang sebong sangkatutak. Or kung paano man yan nirephrase ni Sotto kay Kennedy.
Pero ang maganda sa pelikula eh hindi ka naman nila sasalaksakin ng life lessons. Mapupulot mo rin yon habang nakikipagsex, naggagantsilyo, tumatawa or nahuhulog sa building. Pero kids don't try this at home. Pero I suggest panoorin nyo na tong movie na to. Must C.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento