Sheilalyn: Panget!
Nanette: Ka!
S: Rin!
N: Pala!
S: To infinity!
N: Period!
S: No erase!
Alam ko may extended version pa yan yung may susi or something. Nakakatawa lang alalahanin ang mga away ng mga classmates ko nung elementary. Eh ano ngayon kung panget tlga si Nanette, o kung natae si Shielalyn sa panty nya. Basta world war na sila forever and ever. Ang mahalaga sa kanila eh makasagot agad agad sila sa pang-aasar ng bawat isa.
Stimulus and response. Ayon sa psychology, kung walang stimulus walang response. Parang cause and effect. Di ka naman makakaramdam ng galit o lungkot kung walang magbibgay ng rason sayo di ba? Mas madalas pa nga na may stimulus na pero walang response pa rin. Either dedma or manhid lang tlga sya.
Pero di lahat ng response ay nararapat. Merong ibang pabugso bugso ang damdamin lang ang nagdulot ng response. Pwede mo syang matawag na reaction instead na response. Yung tipong walang control. Yung tipong automatic. Pag sinampal ka, ang sagot mo sampal din. An eye for an eye. Pero tama ba? Sa teleserye oo siguro, pero sa tunay na buhay aaray ka muna bago ka sumampal choz.
Ang response ay yung planadong reaction. Kumbaga may pagpipigil muna sayo para iassess ano ba ang tamang sagot sa isang action. Hindi yung sampal agad agad. Stop muna, then dadrama ka at maglilitanya ng, "if you want war, I'll give you war." Parehas na bitchy yes pero classier ka jan. Hindu yung bugbugan agad sa airport. Oh dabah natadyakan ka na naligwak pa ang poise mo. Pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Nasaktan ka na, nagpafeeding program ka ba. Ibang level ng social responsibility ito.
Ang problema sa atin ngayon, maraming react ng react kesa rumespond. Respond respond din pag may time. Yung tipong nabasa mo lang isang page na may "gates of hell" eh sumulat ka agad ng reklamo sa author. Teh, isang page lang nabasa mo, try mo yung first page. Nakasaad don: WORK OF FICTION. Kelangan ng dictionary teh? Table of contents? Glossary?
Nanood lang ng portion ng concert megareact na kasi naoffend daw si boss. Well, sa totoo lang kaya naman lumaki ang issue dahil sa dami ng nag-overreact. Mas grabe pa sa biktima. Kung tutuusin parang si Vice ang nangrape kay Jessica sa paraan ng pag-atake nya. Mabuti nga walang tabloid headline na BAKLA NIRAPE BABOY. Siguro naman wala nang maoffend sa kanilang dalawa jan no. "Never forget what you are, the rest of the world will not. Wear it like armor and it can never be used to hurt you." sey ni kuyang Tyrion. Eh ang problema nga yung di naman targeted ng joke mas affected pa. Sa mga di makaintindi, iintindihin ko na lang kayo. Weh?
Yung iba nagpapublic scandal lang sa LRT Santolan station bugso ng damdamin. Di na inalintana ang kahihiyang maaring dulot nito kung sakaling may isang asshole na napadaan at binibijohan ka na pala. May hiya tayo. Gamitin natin ito. Ito ay gabay lamang. Mabuti pa ang mimosa pudica may hiya. Dahil sa lahat ng halaman sa universe, mimosa pudica lang ang may feelings.
Yung iba nagpapublic scandal lang sa LRT Santolan station bugso ng damdamin. Di na inalintana ang kahihiyang maaring dulot nito kung sakaling may isang asshole na napadaan at binibijohan ka na pala. May hiya tayo. Gamitin natin ito. Ito ay gabay lamang. Mabuti pa ang mimosa pudica may hiya. Dahil sa lahat ng halaman sa universe, mimosa pudica lang ang may feelings.
____________________
Photo by Jesslee Cuison via Flickr.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento