Linggo, Hunyo 9, 2013

Sahugan mo!


*Backdated

Another party at Jade's. This time, hindi na sa Chairless Apartment, since December umalis na sila dun. Nung magkapitbahay pa nga kami sa Mandaluyong, madalang akong pumunta. Kung pupunta man, saglit lang. Talo pa si Cinderella cumerfew. Dahil na rin nga ayoko ng masyadong maraming tao. Ayoko ng masikip. Ayoko ng maingay. Eh Jade's always throwing parties like that. Sabi nga nya social experiment nya yun to mix different folks in one room. And it's my social solution to go home early.

Anyway, dumating ako bandang alas siete sa new pad nila Jade at Bern sa Countryside, Pasig. Kelangan mo pa ngayon umeffort para lang makipartey. At dahil umuulan, I think delayed lahat ng byahe ng mga visitors sa barbecue slash post-bday celeb ni Jade. Pink ang color ng outside walls. At may chairs na sila instead of throw pillows as seats. May chair na rin sa mesa. We'll I miss having dinner doon sitting down eating on low tables Japanese style.

Nauna na dun sila Trish and Yves. We promised we'll be there earlier than scheduled. Adjusted plus one hour para sa akin ang earlier schedule. So ayun kami lilima pa lang. Catching up. Two's a company, three's a crowd. Well, siguro five hindi pa crowded masyado yan. That's just right. Hindi pa masyado maingay. Merong one topic lang na lahat pwede makarelate ganyan. Ayon din kay Jade, kung may zombie apocalypse five ang perfect party. More than that dapat mategi or masacrifice.

At dahil kami nila Trish and Yves ay kapwa Team Demure, ang first topic namin eh paano nagkakilala sila Jade and Bern. Makakuha man lang ng tips. Habang naliligo si Bern, mejo hesitant pa magshare si Jade at may mga details na naMTRCB na. Paglabas ni Bern, aysus rated SPG pala ang first meetup nila. Viewers discretion is advised.

Kinamusta ko naman sila Trish and Yves. NBSB pa rin ang Yves daw and yes virgin pa rin. Mejo nakakalurks lang kasi pag nakita mo sya wearing only sando and shorts and bortaness, parang magdududa ka pero Trish can always vouch for authenticity. Si Trish naman mejo confused din ako. Kasi how many months back I thought nagbreak na sila nung guy she's dating. Tapos biglang may posts na dating ulet sila. Di ko na malaman kung flashback ba ito o nasa alternate timeline na ako.

Ayon sa kanya may something daw na nangyari like pagbalik ni guy. Like some kinda of kaliwaan involved and all that bullshit. So may drama si Trish and megaconsult kay mama nya at ang tanging payo lang sa kanya ni mama ay, "napanood mo na ba yung It Takes a Man and a Woman?" Yes baklaan din ang payo ni inay. Kasi naman itong si guy eh mas younger kay Trish. Nameet na rin ni Trish actually yung mother ni guy. Into mowdelling din si mommy at somehow bakla rin. Baka ganun nga, si guy is looking for someone like his mom. Jocasta ang itawag mo sa akin ang peg.

Later nagstart na rin sila mag-ihaw using yung indoor grill. We had marinated chicken, some mixed veggies at bacon. Yameee! Dumating na rin ang ilang guests at nagstart na umingay. Perfect time to ask for a zombie apocalypse to happen any moment. But nothing follows. Well represented ang community. Although minority ang tunay na babae, nag-iisa lang ang lalake, at nag-iisa lang ang tibs. The rest bex na in all shapes and sizes. Mejo namatay nga lang ang conversations nang biglang nagsipagkonekan na ang lahat sa wifi. 

So nagstart na lang ng drinking game si Raf. Category. Sa pag-ikot ng category, you have to give something within the category at pag mali ang sagot mo (or nabigay na) you have to drink a shot ng alcohol. Infer naman di ako napainom. Categories include Pinoy designers, mga kalsada sa Makati, fictional places, gay icons, article of clothing, at mga gulay na wala sa bahay kubo. Nakakaloka lang dahil mejo naiistuck kami sa nag-iisang token male dahil di ganun sya kabakla mag-isip. Like article of clothing: panty-liner? Ayy oo, yung red na LV panty-liner siguro choz. Sa mga gulay sa bahay kubo naman eh kapag di satisfied sa sagot kelangan sahugan mo ng isa pang gulay. Di ba gulay pa yung hilaw na papaya? Sinahugan ko pa ng malunggay. Ewan ko ba bakit napunta sa gulay ang topic namin eh lahat naman kami carnivore. Well except siguro sa isang token tibs in the house but that's beside the point choz.

Bandang alas dose na kami natapos. Kahit magulo at least di nila ako napagCinderella. Well, actually kasi naghintay din ako ng kasabay umuwi. Maybe another round ulit ng drinking. At sana kahit mga 5 na lang na katao weheheh. 




Picture picture muna bago umuwi. Raf x Team Dalisay.


____________________
Papaya photo by rambletamble via Flickr.
Team dalisay photo by snailmailove via Instagram.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips