Si Roseann ang nagsabi sa akin noon na pinupuno nya yung wall nya ng post-its not as reminders ng stuff to do pero ng stuff to achieve at may timeframe pa syang nilalagay. CPA 2007. CPA 2007. CPA 2007. Paulit ulit daw nya yang nilalagay araw-araw. Totoo nga at naging CPA sya nung October 2007. Ako naman minalas that time dahil di ko yan ginawa, choz. Siguro kung magsusulat din ako sa post-its ng parang ganyan eh magkakatotoo din sya. Parang Trevi fountain kahit walang coin, parang Neverland kahit walang pixie dust, parang lampara kahit walang genie. Lablayp 2011. Lablayp 2011. Lablayp 2011.
OMG
01.02.11
Alas dos ng madaling araw. Malate. Dalawang oras na ang nakalipas ng maging kalabasa ang ride ko. Dapat nakauwi na ako pero yah know pinili kong magstay muna para samahan ang friends, para magsunog ng atay, at para magpapilit pumasok sa bar. Though di ko talaga bet ang mga bars, it's not a generation thing, it's a lifestyle thing yah know. Kung bijowkehan pa yan go ako pero ang magsayaw?! Definitely no, my left feet agrees with me. Pero since andun na rin at minsanan lang talaga to, ok fine go lang.
Sa loob ng Che'lu di mahulugang karayom. Siksikan ang mga beki sa loob. Nagform a circle na kaming mga friends para walang maleft out naman. Sa ledge nagsisiksikan lalo ang mga tao, kapansin pansin ang sobrang tabang pechay na naninigarilyo on stage. Ewan ko anong mapapala ni teh dun dahil wala namang mag-iinterest sa kanya kahit maging lalake pa sya. Pero di yon pumigil kay teh na manigarilyo onstage. Nakamove up na sila Joms nung may ilang bumaba sa stage. Pinapaakyat din nila ako pero sabi ko I don't likey.
Naiwan ako sa baba sa gitna ng naglalaplapan at naglalampungang crowd na pilit akong sinisiksik. Until may biglang tumugtog na familiar song... Oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh may gawd. Hindi ko kinaya ang pressure ng nadarama ko. Kelangan ko iwalkout ang buong eksena. Parang ang arte ko lang masyado that night pero I can't help magflashback....
~0~
Dancefloor
09.17-18.10
Setyembre ng nakaraan taon, sa loob ng bar na ClubM8, habang tumutugtog OMG sa random playlist ng DJ, tandang tanda ko pa ang eksena. Nagsasayaw si Raf ng naaayon sa choreo, infernezz magaling sya talaga ha. Sa kabilang gilid namin ang dalawang lalake na dumidikit sa amin kahit sang side ng stage kami mapadpad, mukhang magjowa sa unang tingin. Nafirst crush ko yung isa kasi singkit and I really like chinitos, yung isa naman mukhang siga sa kanto. Nung makita ko nga may ring si chinito eh mejo nasad ako. Tiningnan ko yung other guy at di rin sya tumitingin, mas mailap pa sa mata ko.
Sumiar lang ako sandali pagbalik ko kausap na ni Raf yung dalawa, si Gerald daw yung chinito at si Noel yung mukhang siga. Nagpalitan ng numbers at FB accounts, then kasama pa naming nagmorning mass sa Cathedral hanggang hinatid pa talaga kami sa tinutuluyan naming mansion ni Jack. Nung hapon kasama rin namin sila sa festivities ng Peñafrancia til maggabi na sa Basilica. Si Raf and Gerald eh naglalandian na that time. Si Noel naman di ko malandi kasi I knew that time na may jowa na sya kaya napakanta na lang ako ng isang Itchyworms song, alam mo yan. Nagparamdam lang sya ng gusto nya ako that night nung magtext syang mamimiss nya ako kung sakaling di na kami nagkita ulit. Nireplyan ko naman kaya nagpakita talaga sya ulet.
Nagbar muna kami that night, two rounds ng Tsunami each kaya mejo tinamaan na ako. Bumalik din kami sa ClubM8, this time pakner ko na sa dancefloor si Noel, sa gitna ulit ng pawisang dance floor habang tumutugtog ang random playlist ng DJ. I was really happy that time sa dancefloor na parang kaming dalawa lang, pinost-it ko na sya sa heart and mind ko. Sinusubukan kong makipagtitigan sa kanya pero lalong mailap na sya ngayong closer na kami, at madalas pa yata syang nagchecheck ng phone nya. Nasad ulit ako. Bumaba na kami sa dancefloor at napabeer na lang ako.
Iniwan na namin ang bar para magMcdo. Sa kalasingan ko eh pumayag akong iuwi sya sa mansion para masolo, hindi naman para magmilagro pero para makapag-usap ng masinsinan. Nag-explain sya bakit di sya nakikipagtitigan dahil daw baka di nya mapigilan ang sarili nya sa dancefloor. I did like him that night pero my mind is clouded with doubts yah know.
~0~
My Amnesia Boy
01.17.11
Months later nang mapagtanto ko na gusto ko nga talaga sya. I had refused him several times before on account na wala ang initial spark at meron syang jowa nung makilala ko sya (eventually binreak din nya yun but still my empathic-esque-self had sided with the jowa how it hurts at paano kung gawin nya rin yung sakin). I know I've been serially overanalytical with potential relationships. What can I do? Mabagal ako mainlove, dahil di naman ako nagmamadali. Sya lang kasi ang nagrarush. I wanna take it nice slow at ngayon napag-iwanan na ako, meron na naman syang iba. Ambilis lang makamove on. Totoo ba talagang nagkagusto sya sakin o spontaneous emotion lang yun?
I left my head and my heart on the dancefloor. Funny I'm quoting kaGaGahan, but I did. I couldn't take it back at Che'lu. One reason bakit ako pumayag pumasok sa hellhole na yun eh I'm wishing I'd meet him there, to reenact the scene kaming dalawa lang sa gitna ng pawisang dancefloor. I told myself I can probably wait, again, like I did with Eric before him until mapanis na lang yung feeling at madetach ang mga postits na dinikit ko.
And yeah may moral lesson ditong tumataginting, I don't have to rely everytime with sparks. Chemisty will ignite spark. At overanalysis will just leave more questions so better risk now. We had SMSed recently after I had reminded him hu b me. Mukhang happy na talaga sya sa present lablayp nya pero ayon sa kanya happiness is ideal. At pinatulan ko talaga 'yon saying happiness is relative. Heniweys him texting back made me happy though. Sana lang wag na sya um-Irene sakin, we can still be friends di ba?
In closing Iko-quote ko lang yung recent pacute romantic comedy. Nope hindi Dalaw o Super Inday ito.
Sabi sa census mahigit eleven million ang tao sa Metro Manila. Sa dami ng taong yon, pano mo kaya malalaman kung sino sa kanila ang para sa'yo. Pano kung nakasalubong mo na sya, kaya lang di mo pinansin. Dumaan na pala sa harap mo nung yumuko ka para magsintas ng sapatos mo. Katabi mo na pala kaya lang lumingon ka para tingnan yung traffic light. Baka andun na sya, humarang lang yung pedicab. Sa dinami dami ng tao, merong maseswerte na nakahanap na, may mga naghahanap pa, may iba sumuko na. Pero ang pinakamasaklap sa lahat yung nasa yo na, pinakawalan mo pa. Pero pano nga noh kung isang beses lang dumarating ang para sayo. Palalampasin mo pa ba kahit nasa harap mo na?
~Apollo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento