Sabado, Enero 8, 2011

Eat. Drink. Blog.

 
Ladybug Bento by luckysundae via Flickr.
Go, grow, glow ka sa iskargu.
Pero bet ko yung bento ng Teriyaki Boy.
Like complete sya from A-Zinc.


Sa sobrang kabusyhan ko these past days, weeks, months, daylights, sunsets, midnights, and cups of coffee or so eh nakalimutan ko na ang feeling ng nagbablog. Choz! Tinamad lang ako. Akswali naging busy pa nga ako spending time with food. Minsan si Twister Fries, minsan si Rockin Ruby, minsan si Bread Pan, minsan si free ice tea sa pantry, minsan si pandesal may palaman man o wala, minsan si lugaw with egg at tokwa, at minsan si chips at Tanduay Ice. Madalas ang mga lutong ulam ni Aling Manang na litung lito na rin sa ginawa nyang Sinigang at Nilaga.

Si food kasi di nya ako pinahihirapan. Di nya ako kayang saktan. Pinasasaya nya ako. Dinadamayan sa oras ng gutom at pighati. And I had many of those these past
days, weeks, months, daylights, sunsets, midnights, and cups of coffee or so.



Herson: May alam ka bang masayang kainan?

Jeremy: Masaya talaga? Kelangan ba may clown? hahah


Herson: Boring kasi mga kainan dito.

Jeremy: Ang hirap naman kasi ng qualifier mo. Kelangan masaya? Di ba pwedeng sapat lang na saya?

Herson: Kami ni Kat sukatan namin kung masaya o boring ang pagkain. Kung sapat lang pwede iescalate sa masaya.


Ewan ko ba jan sa makabagong criteria nila Son ng food tasting ha. Pero I'll try to give justice. Choz! Imbes na stars, ilalagay ko na lang kung masaya, boring o sapat lang.


~0~



Kabab Part 1
10.23.2010


Nagsimula ang lahat sa yayaan sa Cubao X, tambayan ng mga artsy peeps. Nagkita kami ni Elvin past 12 na yata. Di na kami umabot sa any drinking session dahil may liquor ba na that time for the local elections, though sila Jade umabot sa last minutes at umorder ng My Shirota, na may kahalong Yakult sa gin and/or vodka yata. Di ko sure kung matutuwa ka dahil malinis nga ang intestines mo eh sunog naman ang liver mo dabah. Ok ka ba talaga tyan? Ah-ma-ma-my-shirowtah!

Tumransfer daw kami sa F sabi ni Raf. F Salon ba ito? Malay ko ba kung parlorista si Raf. Choz! Sa Fahrenheit daw, isa sa mga alphabetical nest ng mga beki. Isang bar slash bathhouse yata na maraming dark spots kung san namumugad ang kati. Dapat jan gamitan na ng Canesten at Garnier, arte. Maraming di happy sa paggora dun kaya nagsipagstayan na lang kami sa isang grill named World Class Persian Kabab.

Naupo kami sa isang side dun sa bench na maraming pillows. Enter kagad si ateng may dalang menu. Nagsipag-orderan na, since I liked chicken go ako sa chicken shawarma sandwich which is actually shawarma lang din yun lang ang tawag nila.
Walang pakialaman. It's like my second time eating shawarma evarrr. Yung first time nilibre pa ako ni ate Maricel sa isang stall lang. Gusto ko sana kung galing Dubai pa yung shawarma pero baka mapanis daw. Choz! Pinakner ko ang green mango shake yogurt na akswali green mango shake lang na may more milk at less sugar. May Nido ba ito?! Choz! Kumain ng ox brain at pita bread si Jade, laway na laway ako sa totoo lang. Inabot pa kami til we saw the sunlight, tik tok on the clock. Kung di pa nag-almusal yung cast and crew eh di pa kami lalayas sa place.

Rating: Sapat to Masaya


 

Kabab Part 2
10.26.2010





Meron ding Kabab na mas malapit ng ilang kilometro  sakin, sa Pioneer lang, one ride lang. One time inendeavor kong lumamon uli don at tanging si Herson lang ang available sa nearness yah kaya sya na ang hinaltak ko. At first ayaw nyang itry dahil di sya fan ng Persian cuisine. Inikot muna namin ang Madison square pero hindi nagtutugma ang liking namin sa food like gusto nyang mag-longganisa eh hate ko yun. Until mapagod na kami magrounds sa square (yes round sya pero sa square talaga), napilitan syang pumersian finally. We had Biryani, chicken for me at beef kay Son. Yung meat soaked sa slightly spicy curry sauce.
May kasama ring chopped tomatoes at pipino. Pero bida dito ang kakaibang rice nila, mahahabang butil na yellow, almost noodle-ish sa tingin, at mas malaki pa ata sa Japanese variety. Mabigat din sya sa tyan.

After magpababa ng kinain pinilit ko ang Son na ituloy ang Mud Shake nomoan na matagal ko nang gustong itry, well not alone because that is just sad. Choz! Ginalugad namin kung san pwede makabili non, akswali sa Ministop at 7-Eleven lang naman pero nag-effort pa rin kami kahit papano. Nakabili kami ng tig-isang Mudshake worth 80 paysows. Ayaw magnomo ni Son dun mismo sa store. Ayaw din nya ako dalhin sa boarding house nya. Kaya ayun naglakad lakad kami kung san mapadpad while drinking Mudshake all the way. Akswali mejo mabilis makatama kung umaalog alog ang ulo mo while drinking, pero at least nagbeburn kami ng calorie at liver all the while.

 
Rating: Masaya


Elbertdey
11.13.2010


Ever since magkakasama pa kami sa CKC, si manong Bert na ang pinakakumikitang kabuhayan sa amin. Madami kasing rakets. Gamit na gamit nya ang kanyang lisensya, sumasaydlayn pa syang technician at full time zombie. Nung magkahiwa hiwalay kami ng working enviroment, sya pa rin ang di mareach. Shushal ang phone nyang Xperia, compared sa mga dukha naming Nokia at Eriksson. Ayaw daw nya mag iPhone dahil may some kinda techie stuff syang pinag-eekpleyn na di na namin naabsorb. 

So nung bumertdey sya eh kelangan bongga rin ang celeb. Ang invite eh sa dampa sa may Seaside daw. Nagkita kami ni Lei bandang alas siete sa MoA. Nahiya naman kaming walang gift kaya bumayla na lang kami ng White Forest then tambling na sa seaside area ng Moa. Biglang phone-in ni manong Bert kung asan na kami. Like we're there na already, san ba yan malapit... sa may Padi's point na kami. But no, look do we have here; sa may seaside Macapagal pala, mga tatlumpu't limang tambling sa kinatatayuan namin. Ok fine cab kami. Si manong driver di rin alam yung seaside Macapagal. Dinala lang talaga kami sa intersection ng Seaside at Macapagal, di man lang kami itinawid. Masabi lang na nakaflagdown na sya buset sya. So nilakad na lang namin across the street and across the bridge. Part dalampasigan na yata tong tinatahak namin, may umiihi pa sa tulay. Homg di na naawa sa mga isda. Choz! Sa kabilang side lang ng tulay ang dampa. Say it with me: KALSADA, TULAY, DAMPA! Again! KALSADA, TULAY, DAMPA! Faster! Faster! KALSADA, TULAY, DAMPA! KALSADA, TULAY, DAMPA! Very good!

Aling Tonya yung name nung kainan. Nailuto na kaagad yung mga orders nung dumating kami: seafood extravaganza ng crabs, calamares, lapu-lapu, sugpo, at talaba. Nilalantakan na rin yung food nung mga naunang sila Dex, Dyann, Rona, Athan, at jowang Ayla. Humabol lang si Ace na nakalaya pansamantala sa gapos ng gelpren slash tanod na umuwi sa Baguio. At since allergic pala sya sa seafood, pinagluto na lang sya ng sinigang na baboy. In fact tatlong kaserolang sinigang ang pinaluto for him.

Sa kabilang kainan may nagsushow na pares ng bekis. Nakakainis na sana dahil ang iingay nila at di naman nakakatawa. Pero mejo bumawi naman sila sa swan song nila ng magtry mag-impersonate si bakla ng iba't ibang songers to the tune of Hawak Kamay. Parang sumapi lang si Yeng, Jaya, Ogie, ate Glo, at Sto. Niño. Choz! After ng set nila, saka naman pasok ng magpeperform kay Aling Tonya: isang majubabs na ateng vocalist na nakabraids ang hair into cornrows; isang average looking ateng vocalist na may probinsyana accent kahit sumosong number; at isang kuyang pianist na nakaglasses na slightly matanda na kinda reminds me of the video of Whip It minus the goofy hat. Infernezz magaling si ateng Braidy. Kinda jazzy ang songs nila singing songs like White Flag ni Dido at Don't Know Why ni Norah Jones. At nashock din ako kasi nakanta nila ng maganda yung Suddenly nila ateng Olivia at kuya Cliff. Nainlove tuloy ako sa song na yun bigla. Tapos mamaya sumesenyas na si ateng Braidy at nagsha-charades on stage. Kung gusto ko daw ba jumammer with them. Syempre nahiya akong kumanta ng open mic. Pero gusto ko sana rumequest, since jazzy sila gusto ko iperform nila ang Oo ng Up Dharma Down. Pero I'm not sure kung tumatagalog songs sila kaya iniscratch ko na lang ang tissue.

Rating: Sapat


Banana Leaf
11.14.2010



Some sorta kinda first ever EB ito with Kiko. He invited us over for a lunch date, me and Jay, his sorta kinda crush before (ewan ko lang til now). While ako naman eh sorta kinda crush ko tong si Kikow, which never really happened kasi yah know mejo intimidating ang personality nya like he's so shala while kami ni Jay so poorita
(ewan ko lang kung til now poorita pa rin si Jay eh kumikitang kabuhayan sya sa work nya). Ang usapan sa Banana Leaf sa Powerplant, my first time ever din mapadpad sa area na yun. Hindi kasi sya accessible by public transpo, na ayon sa aking palagay ay jeep, bus at MRT/LRT lang. Although pampubliko ang taxi I don't consider it as a means of public transpo kasi sa lakas nila magcharge; at isama mo na rin ng mga trike at padyak na grabe rin tumaga ng price kapag di ka familiar sa place.

Heniweys, nag-usap na kaming magmeet ni Jay sa may Boni para sabay pumunta dun. Lunch nga di ba so nag-allow na ako ng one and a half hour travel time kahit pa malapit lang yung area via Makati Ave. Quarter to twelve nagtext na si Kikow na on the way na sya. Si Jay di pa rin nagpaparamdam kung asan na sya. So ayun nakatanga lang ako sa may sidewalk kung san kami magmimeet, all the while nagpapaLSS kay ateng Kesha. After ng isang oras saka lang namataan ang Jay, nagkaron daw kasi ng wardrobe malfunction. Kaloka gusto pa talbugan si Janet Jackson at Anne Curtis?!

Supah late na kami dumating sa Powerplant. Si Kikow more than an hour nang nag-aantay. Although yah know na shala sya eh di mo makikitaan ng yabang si Kikow, pero yah know may class talaga sya. Hindi rin sya yung ibang kilala ko jan na pretentious to the point mag-iimbento ng kwento kesyo nagboarding school DAW sya sa Oxford elementary while being a working student. Fumifeeling Sasarah Crewe?! Choz! Heniweys back to Kiks, eh mas madaldal pala sya sa pagkaka-aakala ko. Nasurprise pa sya na first time ko makarating sa Powerplant mall. Pinagwish nya pa ako dahil first time ko daw, ayyy ano to simbahan?! Ako rin kaya nasurprise na nasa Powerplant, after hearing all the tales na pagtitinginan ka ng mga tao pagpasok mo do don at duduruin ka while saying, "eeewww you're like owemgee you're so jologs."  Well wala namang ganung eksena talaga, so ayun nakalampas na ako sa nightmare level.

Go kami sa Banana Leaf as promised. Curry ang specialty ng resto na to. I ordered same as his, since alam na nya siguro ang bestseller, which was Malaysian Curry. Si Jay nagcurry pasta. Infernezz I loved the texture nung chicken saka yung curry sauce, although kinulang lang talaga ako sa kanin. Inexplain ni Kikow na isa ito sa mga favorite restos nila kasi affordable at nakakabusog talaga, like Recipes and Fish & Co. Oh dabah yung tips kung san merong budget meal eh sa kanya pa talaga galing. May alam din naman akong ibang cheap places pero not as classy as his choices yah know. Tipong carinderia lang na bukas sa lahat ng gustong kumain.

Rating: Sapat to Masaya


From Banchetto with Love
2010


Ever since nabalitaan ko tong Banchetto, yah know yung night market ng food stalls along Emerald Ave sa may bandang Ortigas, eh nahook talaga ako for a time. Every Friday lang to kaya I set my weeks ahead na no Bubble Gang muna for me para lang makagora dito. Dito ko rin kasi kameet most friends na nasa callboy industry since bababa lang sila ng building eh Banchetto na.

Bestseller dito yung supah thick burger patty. Minsan wala pang ala una ng madaling araw eh soldout na sila, iluluto na lang. Favorite ko dito yung chicken kebab, minsan sinasamahan ko ng fried rice. Yung ibang friends ko eh tinaste test na yata lahat ng stalls na may marble potatoes mahanap lang ang the best. Minsan naman yung pastas ang nilalantakan ko dito, may kasama pang garlic bread slice at brownies. Ok naman yung pasta dun sa suki ko na binabalikan ko lang dahil bet ko yung nagbebenta hahah. Ok din yung mga cakes dito, like for 185 may small round cake ka na na masarap, although di na sya chilled.
Madalas papakneran kong panulak eh Rockin Ruby or Sting strawberry, or shakes minsan. Favorite ko yung green mango shake syempre. Tinry dati ni Ef  yung banana shake pero kaderder yung tsura nya at lasa. Parang isinama yata pati balat ng saging.
 

Rating: Boring to Sapat to Masaya
(it japens, all encompassing itu! parang chopsuey lang halu halo kasi)



Madison Square
11.21.2010



Fresh pa sa break si Bash that time at although ramdam mo ang hinagpis sa kanya eh nagsuggest syang gumora at magnomo kami sa Central nila Ef, parang bar and resto na maraming braches like the one in Makati. Ang pinili naming destination eh sa may Pioneer lang since sa Mega na kami nagkita kita. Nag-antay na lang kami ng cab sa taxi bay. Walang habas sa pagkekwento ang Bash hindi tungkol sa breakup nya, kundi sa new movie daw ni ateng Xtina. Titled Burlesque, musical daw ito costarring Cher san ka pa! At may pagka-Moulin Rouge meets Dream Gurls meets Chicago meets Coyote Ugly. Fan siguro sya ni Britney? Choz!

Sa loob ng taxi go pa rin si Bash sa pagchikka. Di ko masyadong napansin pero may galit pala sakin yung manong driver, kesyo nabagsak ko daw yung door nya kalurks. Ang sama daw ng tingin sakin, kung alam ko lang makikipag-optic-blastan ako sa kanya. Choz! Nagpahatid lang kami sa Madison Square sa Pioneer, si manong kung san san na pinaiikot yung taxi hanggang mamaya pabalik na sa Edsa, dun daw kasi yung Madison building. Aba marunong pa samin kung san kami pupunta. Kaya para magets nya eh sinabi na lang namin na sa may Rob Pioneer na lang kami dalhin. Ayyy si kuya pumutak putak pa na may pamadison madison pa kaming nalalaman. Ayy oo talaga, kasi mas marami kaming alam sa kanya. Nung at last eh lumabas na kami ng Pioneer eh nasa kabilang side naman kami kaya kelangan pa rumoundtrip, pinastop na lang namin ang cab sa gitna at more lakad na lang kami kesa makaaway pa si nagmamaru na manong driver. Si Ef naman eh mejo immune na yata sa mga crazy drivers, yung last two encounters nya eh may involved na pagjingle sa plastic bottle sa loob mismo ng cab, at may pag-eeksenadora sa lovelife.

Central ang name ng place sa isang liblib na eskinita sa likod o gilid yata ng Madison Square, I couldn't tell kasi wala mang lang sky o compass to determine my location. First group yata kaming dumating don. May mga benches sa left side na tempted kaming kunin kasi by candlelight ang nomohan pero wala namang ventilation. So tumapat kami sa isa sa malalaking ceiling fans. Nagsuggest kagad si Bash na uminom kami ng cocktail named Bad Trip. May promo kasi sila na 2 + 1 daw. Kaso si kuyang server eh di maekpleyn ng maayos ang ending namin eh buy 1 take 1 ang naorder namin.

Sinerve na yung Bad Trip sa table namin, yung isa lang ang may yelo kasi di naman daw namin kagad maiinom lahat, akswali. Umorder na rin kami ng pangdinner. Sakin eh Tapsilog ever, kasi I have to taste the tapsis in town to know which ones are the best bago ako mategi yah know. Si Ef naman nagKobesilog, actually Korean beef yan di ko lang alam pano nila shinortcut. Si Bash naman nag-iinarteng umorder ng Hotsilog, pero ininterrogate nya ng todo si kuyang server na sure na sure bang Tender Juicy ang hotdog nila. Nagpramis naman si kuya, cross his heart and hope to die. Dapat sa kanya choosylog, grabe umarteh! Ako rin isang order non kuya. Choz! Nagtakaw pa sila sa condiments, azz in yung ketchup (must be banana daw) eh hinihigop at yung toyo sinasabaw. Infernezz masarap naman hahah.

Humabol si Herson sa nomohan session. Nagshot shots kami ng Bad Trip, which is a blue colored concoction. Reminds me of Blue Hawaii na natikman ko sa Galera at dun sa Tsunami sa Naga. Well, lahat sila kulay blue at may pineapple yata. Ok naman ang taste nya infernezz. After ng two pitchers ng badtrip eh di pa rin kami badtrip kaya nag-isang round pa kami ng Gilbeys Premium Strength. Yah know di ko rin sure kung ano ang net effect nito sa katawan dahil meron syang ingredients like green tea and ginger extract. Humabol si Chris sa last part pero di na sya nakainom. Nung nagbillout na kami eh akala siguro nung cashier eh lasing na kami, dahil thousand thousand peso pesoses ang chinarge samin. Di ba nya alam dalawa ang mag-o-audit sa kanya?! Ayun chinage ang bill namin, mali lang daw ang pagka-add. Asus adding machine ginamit nila tapos mali ang sum?!

Rating:
Sapat to Masaya


Since gusto pang bumijowke namin that night eh tumambling naman kami sa katabing bar called Kwago Grill. Ok ang ambiance dito dahil wooden ang design nila parang probinsya lang, tapos may live performers pa every night san ka pa?! Pero for that night nagkulong kami sa bijowke room, na nasa loob ng glass partition. May kumakanta nang group ng mga straighties, wala naman bettable kaya wapakels. Umorder na kami ng one bucket ng Tanduay Ice each, para sakin pangset lang yon ng mood sa biritan. Choz!

Three songs for twenty pesos lang ang rate nila not bad dabah. At may pagthetheme pa kami nung start. Round 1 namin eh songs by Freestyle. Since yung two faves ko eh napili na nila namely Before I Let you Go at Once in a Lifetime, sakin na lang yung This Time. Round 2 eh rock songs naman kaya nagHanging by a Moment ako. Round 3 eh birit songs na kaya I picked If Ever You're in my Arms Again, oh dabah
napakababa lang. Yung last round eh songers pick na, in other words bara bara na lang. Gumow ako sa Himala. Nababaan yata ako kay kuyang Peabo? Infernezz

Rating: Masaya

~0~


Oh dabah lumelevelling na kay ateng Julia. Pero walang relate ito sa book and movie of the same rhyming scheme. I just really lurve her ha. Bagay yata sa akin umacting bilang fooooood critic. I can be jell-o, cause I'll never be creme-brulee! Choz! Wala kasi akong pamasahe to Italy, India, Indonesia or even Iloilo at Ilocos.

I'm really being a good, pasweet judge dito ha. Mahirap kaya mag-Paula Abdul noh! Di na ako nagsulat about sa mga boring na kainan, like Mang Inasal sa Tycoon, Ortigas na nagseserve ng puto imbes na kanin at about how slow their service or bakit walang crowd control or bakit hilaw at basa ang puto nila. Hindi ko na sinulat about sa bad customer service ng mga crew nila na sumasagot ng pabalang kapag nacriticize sila. Kasi baka ako pa ang mapulaan na masarap naman ang chicken nila although matigas pa sa tutong ito. Oh dabah biglang nashift sa pagsa-Simon?! Choz! Instead I wrote about the experiences I had sa mga nagustuhan ko, kahit sapat lang.

Proposal pala ni Herson na iendeavor ko rin yung project nya to visit ten of the oldest restos sa Pinas (or Manila area lang yata). Like go dun sa Aristocrat sa Roxas, or dun sa seven or eight of ten sa Binondo. But I have to sample the bestseller at yung resto specialty, siguro at least three dishes each. Yaman ko lang ha?!


Implikasyon:
And it doesn't really matter if like or hate the food dito or doon. Ang mahalaga eh you enjoy what you do, if not stop. Ipabalot at ipakain sa mga nagugutom na bata. Hindi naman sila mabubusog kung pipilitin kong ubusin eh di ko nga bet, di ba? Choz! It would all fall down to personal preference, personal taste. Sabi nga ni Madam SyZyGy, "Meron tayong tastebuds, gamitin natin ito!" or something like that. Mehganon?!

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips