Miyerkules, Enero 12, 2011

Gagon Rapper feat Kyla

 
Electric wire by ChiemiFromTokyo via Flickr.
Ikonek ang piksur.


12.07.10
Super delayed post ito. Natabunan na ng pasko at bagong taon.



Maricel: Napanood mo yung sabunutan sa Market? Scandalacious teh.


Jeremy: Pinapanood ng kapatid ko. Di ako nakarelate eh. Parang may kabet daw


Maricel: Oo kabit nga. Sabunutan sa Market Market. Nakakaloka!


Jeremy: Anong ending?

Maricel: Ayun sinipa sa mukha yung kabit tapos nung inawat ng guard nakatakbo si ateng at sinundan nung lalake.


Jeremy: Sino yung lalake? Yung asawa?


Maricel: Oo. Akala ko sino as in sino. Eh aba malay ko di kami close.


Jeremy: Si Fred Arcilla yon. Di mo ba knows?



Maricel: Hindi. Knows mo?


Jeremy: Choz. Umiimbento lang ng name.


Maricel:  Dapat ba pag kabit di lumalaban?


Jeremy: Hmmm... sige magroleplaying na lang tayo teh.


Maricel: Ikaw ang kabit. Ako ang asawa.


Jeremy: Kung andun ka sitwasyon na yon, sisipain mo ba ako sa mukha?


Maricel: Hindi. Pero sa totoong buhay eh ewan ko lang hahaha. Kase last time na mali yung part na binigay saken sa KFC, nang-away talaga ako ng bongga. hahaha


Jeremy: Homaygawd kabet yung crew ng KFC?! Sabi k na ba eh! Sinipa mo ba sya sa mukha?


Maricel: Hindi naman. Bunganga lang.


Jeremy: Sinipa mo sa bunganga maygass?!


Maricel: Pero kabit kase ako eh kaya ewan nakakatakot yung eksena hahaha.


Jeremy: Ang tanong: lalaban ka ba teh ng sipaan sa fez?


Maricel: Oo teh. Lalaban ako. Di lang naman ako yung may gusto nun. Pero sana wag sa mall hahaha


Jeremy: Choosy ka pa eh kung sa 5-star hotel pwede na?

Maricel: Wag naman sana kame lumevel ng ganyan. Mga hampas lupa lang yan mga nag-iiskandalo hahaha. Sana parang Gretchen Baretto lang.


Jeremy: Ooohhh you want war, I'll give you war. Rampahan battle teh? Keri?


Maricel: Di ba teh si Gretchen eh kabet lang din naman ng mayamang asawa asawahan niya?


Jeremy: Shhh wag ka maingay baka di pa nya alam yan. Choz!


Maricel:  Sabe ng friend ko sa Bible nakasulat daw na pag di nagagampanan ng asawa ang pagiging asawa nya eh pwede silang maghiwalay. Dahilan ng haliparot na kabet hahaha.


Jeremy: Di na kayo nahiya ginamit pa talaga ang Bibliya.


Maricel: Sana may part two ang istorya ng buhay nila. Dalawang version na kaya meron nung bijo nyan teh. Yung unang version kase sabunutan lang talaga. Yung version ng friend mo edited na. Pero nakita ko na ulet kaya dalawa post ko ng kabit sa wall ko.


Jeremy: Di ko pa napapanood to talaga teh. Di ako makarelate. Kelangan ikwento mo sakin hahah.


Maricel: Alam mo yung video sa MRT ng babaeng nagtatatalak?


Jeremy: Oo. Luma na yun di ba


Maricel: Kumonek yung friend mo sa video na yun sa sabunutan. What if same girl daw ung nasa MRT saka yung nananabunot na babae. Pero yung orig na napanood ko yung sabunutan lang.


Jeremy: Ayyyy so dapat bang murahin ko si friend dahil sa pag-eedit nya? Konek? Choz!


Maricel: Sabunutan kita jan eh!



Ngayon naman i sing-along ang lyrics sa baba habang nagpapasabunot. Choz!

Sa puso ko'y nag-iisa
kahit mayrong iba
kahit hindi tama
ang ginagawa, sinta
basta ba'y makasama lang kita
kahit kapiling mo pa sya


I do not support this message. Pero since friend ko sya hayyy... matanda na kayo alam nyo na ang TAMA at MALI. Matutong sumagot ng HINDI kahit OOng OO ka na. Hindi laging pwede ang PWEDE. May mga LABAN na dapat kang BAWI. At laging tandaan ang laman ng BAYONG ay hindi PERA. San naman nanggaling yon? Magagalit si Pepe Pimentel nyan.
Mag-post ng isang Komento

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips