Biyernes, Abril 30, 2010
Kontrapelo
Sa Pula, Sa Puti
04.29.2010
Akswali mini-update lang to. Again napaisip ako ng title na saswak sa kwento ko pero ayan ang pinakamalapit na naisip ko. Red and White. At dahil jan pati yung piksur eh dapat may konek din somehow sa blog na to. Heniweys, ewan ko lang kung may pumapansin pa sa mga iniinsert kong pictures. Merong konek yon somehow. Kelangan lang ng powers of references at wikipedia. Choz.
Heniweys, ano ba ang may konek sa red at white?! Well meron jan sa sabong na ang magkalabang sides eh laging either pula o puti. Ewan ko bakit pero ganun talaga. May dehado, may llamado. Logis! Logis!
Sa food pwede rin sa wines dahil merong red wine for red meat at white wine for white meat. Mejo matching effect lang yan pero actually it depends din what kind of wine not just the color. Sa spag naman typically merong two sauces ng red made commonly of tomatoes at white sauce. Akala ko rin dati white sauce is automatically carbonara pero hindi pala dahil maraming variations ng sauces na white colored. Although meron pang ilang sauces that would not fall under red or white, those are beside my point. Sa asukal nga merong puti at pula, pero yung pula kulay brown talaga ano ha?!
Sa multimedia merong mga queens yah know from Through the Looking Glass ni Lewis Carroll merong red queen at white queen. Although chess pieces ang focus dito, ewan ko bakit red imbes na black ang ginamit. Colorblind malamang si author. Heniweys, fabulous ang portrayal ni Helena Bonham Carter as Iracebeth the red queen at ni Anne Hathaway as Mirana the white queen sa latest adaptation ni Tim Burton. Sadly, hindi masyadong patok sa ratings dahil marami DAW nawala sa narration. Meron din sa kwento ng Snow White and Rose Red na di kafriendster ng mga dwarfs [sic] kasi magkanamesung lang sila nung Disney Princess.
Meron ding red at white blood cells. Actually marami pang contrasting ang red at white. Sa symbolism ng flag natin: ang red ang katapangan at ang white ang kalinisan.
At dahil jan kahit walang transition eh sisimulan ko pa rin ang kwento ko. Nagmamadali ako ashushwal dahil late na naghahabol sa aking appointment. Kelangan ko makasakay ng FX dahil yun lang ang transpo na dumadaan malapit sa pupuntahan ko. May isang nakaparada na nagpupuno malapit sa kanto. Isa na lang daw at gogora na kaya ayun sumiksik na ako. Ewan ko ba at bakit pinagsisiksikan ng sampung pinoy ang sarili nila sa loob ng masikip na fx. Bukod sa claustrophobic na ito eh hindi ba yon oover sa weight limit ng sasakyan? Naawa ako bigla sa gulong.
Heniweys, nasa mid part ako sumiksik. Puro gurls ang kahelera ko, wala naman majobabs pero masikip pa rin kasi pati mga shoulder bag nila may nakalaang space. More than thirty minutes ang biyahe including traffic sa destination ko, ganun katagal na pala naipit ang aking mga ugat.
Pagbaba eh may short walk pa papunta sa building. Doon ko pa lang nadama ang kakaibang sensation. Totally namanhid yung junjun ko. Alam mo yung pakiramdam ng biglang nanumbalik yung yung feelings? Yung parang tinutusok ka ng isang libong karayom, well less than one thousand kasi di yata kasya yung ganon karami don. Nararamdaman kong dumadaloy yung dugo sa mga ugat. Parang may umaagos. Feeling ko nagwewet lang ako... yah know parang sa wet dreams pero gising ako. As in may akala ko talaga nabasa na ako. Parang umiihi lang ako sa sobrang bilis ng agos. Bumagal ang paglalakad ko. At ilang beses na gusto kong umupo muna, pero natatakot lang ako na baka lalo ko maipit. After two minutes or so, nagstabilize na ang condition ko. Shett! First time ko yata nagkaron ng cramps sa junjun. Takot na takot ako pero I wouldn't say I didn't like it. Shett ulit! Ganun ba ang feeling ng iniipit?! OMG may iba akong naiimagine. hahah. Ayyjazzlavett! Well, maybe next time eh hindi na ako magpapaipit sa crotch area, sasadyain ko na lang yon when I want it. hahah
Moral of the Story: Don't try this at home without adult supervision or consent. At wag nang ipagsiksikan ang sarili kung masikip na ang fx. Maghintay ka lang at may dadaan din jan na kasya para sayo.
Implikasyon: May mga feelings na kapag namanhid na eh di magandang ibalik pa ang sensation, parang tutusukin ka talaga ng milyon milyong karayom. May mga bagay na sadyang not meant to be yah know. Parang pulang sampaguita.* They don't exist unless pilitin mo.
At dahil jan may nagtext, si Alice: "Why not paint the sampaguitas red?" What an odd thing to say. Pati ba naman yon patulan?! But of course, all the best people are mad. Choz!
____________________
*Isasama ko sana sa example ang puting gumamela pero meron pala noon. Oo ginoogle ko na, nasa Hawaii. I'm sure mas mabula pa yan lalo na pag hinaluan ng Tide.
Miyerkules, Abril 28, 2010
NBI Clearance
09.2007
Pinangarap ko rin dati maging isang empleyado ng gobyerno. Kahit mababa ang sahod,* maganda naman ang benefits. Kasama sa mga benepisyo ang chance na umuwi ng maaga kahit may deadline, mag-extend sa pagtulog after lunch, at manigaw sa mga tao. Hindi ko maunawaan bakit kelangan pa gumaganon sila eh di ba nila alam di yon maganda sa tonsils?!
Three years ago nung first time ako kumuha ng NBI Clearance ko sa city hall lang namin. After one month ko pa na-claim yung sa akin sa kabagalan ng sistema. Pagdating ko sa counter ibinalik lang sa akin yung resibo. Go daw ako sa Carriedo kasi kelangan pa daw ng Quality Control eh ano to manufacturing plant? Apparently meron akong kapangalan, ang masakit pa eh may kaso daw na Theft sa DOST. Ang nakakainis eh di naman kami purely match ng name kasi two first names sa akin (umarte peyrents ko) pero kesyo daw maaaring umaalias lang ako.
Ok fine go na ako sa Carriedo. Muntik pa ako maligaw kasi first time ko dumaan sa Quiapo church noon. Nabentahan pa ako ng scapular ng Nazareno na ginawa ko namang lucky charm. Pero hindi lucky ang pagpunta ko doon. Sobrang effort sa pilahan, may umaaway pa sa akin kasi daw sumisingit daw ako. Pag nagtatanong ka naman sa mga employees don eh halos i-megaphone ka na sa pagpapaulan ng tanga at kung ano pang maririnig mo madalas sa mga Tulfo. Nung makapasok na ako sa Quality Control area, mabait naman yung mga staff don pero halong paninindak. Parang nasa witness stand ka at sumuswear the truth and nothing but the truth peksman mamatay man na wa ka talaga kaso before ever. Maayos naman natapos ang next steps after that kaya siguro nga lucky ang scapular.
Mejo traumatized pa rin ako sa pagkuha ng NBI clearance kaya nung nirequire uli sakin yon eh sinubmit ko ang Personal Copy ko. Very very wrong move. Dahil the next time na nangailangan ako ng clearance eh inulit ko lahat ng steps sa Carriedo. Infernezz nakakasanay na to. Natapos ko lahat from 9am to 2pm thanks uli sa aking lucky scapular.
NBI Renewal
04.27.2010
Pagkagaling sa innerview ko kanina after ng hiring process eh nilakad ko na ang mga requirements ko. Since nasa Ortigas area ako eh tinarget ko na ang NBI renewal sa Megamall. Dahan dahan kong tinahak ang mainit na araw kasi naisip ko naman kakabukas pa lang ng mall kaya konti pa ang tao. Konti pa nga naman talaga ang tao sa mall, pero sa NBI office nako nag-uumapaw na. Sinimulan ko sa Lower Grounds going up sa stairwell, umabot ako hanggang 5th floor at muntik pa nga umikot pababa sa kabilang stairwell. Inenjoy ko naman ang cruising sa dami ng nakapila. May ilang nang-aaura ang titig, pero nagfocus ako na kelangan clearance ang asikasuhin ko at hindi ang landi.
Sa dulo ng pila meron kaagad sumunod sa aking maturing manong. Nakasalpak na ang mp3 player ko para antisocial mode on na ako pero si manong andaming phone-in question. May tanong pa kung para saan yung pila, magkano daw ang babayaran at pati load nagtanong din. Eh syempre nagambala ako don baka sindikato sya. Buti naman hindi pero kahit kelangan alert dahil di mo alam kung sino ang budol budol.
Ilang usad pa-forward eh umabot na rin ako sa initial stairwell. Merong staff ang NBI na naglalagay na ng stickers sa mga personal copies. Ang nakakaloka dun sa staff na yun eh s/he looks ambiguously androgynous yah know. Meron syang earring sa kaliwang tenga at di pa rin yon nakatulong sa pag-uri ko sa kanya. At naka-bright orange pa sya. Kakastress. Dahil sa kalumaan ng personal copy ni manong sa likod ko eh pinabalik sya sa baba para magpascan. Bumalik din sya later. Pinakita pa nya na 2004 pa yung last clearance nya. At least ngayon alam ko na pang abroad pala yung green at local yung orange.
Ilang circles down the stairs ang inabangan ko rin. Halos mag-a-alas dose nang umabot ako sa lower grounds. Akala ko nga magla-lunchbreak pa sila, buti na lang may talent yung mga staff sa speed-lunch-ing.
Step 1 ang payment. Hindi man lang marunong mag-smile si teh. Pero nagrerespond naman sya sa mga tanong. Step 2 ang kodakan. Isusurrender mo na yung personal copy mo. Actually, kukunin lang nila sa info yung ID number mo, kuha ng piksur then print na kagad. May isang napasingit na girl sa akin. Infernezz pretty naman si teh, two ang inapplyan nyang clearance, orange at green. Sya na ang namamakyaw. Pag-smile talagang todo project sya. Naimagine ko tuloy si Rachel Berry sa gLee, "I insist you take my photo on the left side." Kumoment pa si photographer na parang cheerleader lang daw kung maka-smile si teh. Ayy alam na, Quinn Fabray pala ang drama ni teh. Buti naman at hindi ako ganon mukhang super mega haggard for all season ng pumosing na. Step 3 ang releasing. Kasama dito ang finger print. Yung nauna sa akin eh meron pang discrepancy kasi may kapangalan at pinapapunta sa Victory Mall sa Monumento. Kinabahan ako baka ako rin papuntahin don. Well buti naman naayos na yung sakin. Ang problem lang eh nahirapan si teh na magfingerprint sa akin. Di daw ako naka-relax. Eh pano ka naman makaka-relax kung pinipiga nila yung fingers mo?! Heniweys, may extra income pa silang tres sa wet wipes at singko sa envelope. NEXT!
Moral of the Story: Ang nagta-thumbprint ng matulin, napupuno ng uling. Hanodaw?
____________________
*Except sa BIR at Customs na mababa nga ang sahod pero malaki ang kita ooohhh alam na! Shhh
Lunes, Abril 26, 2010
HA > 5 > JE
Papi Chulo 8: Who's that Jejemon?!
04.25.2010
Narinig mo na ba ang latest sa kajologan?! Yes, ito na ang latest fashion in squatterific effect: ang mga jejemons. Not the cute squishy animals na kumakalat sa TV at mga handheld consoles. Eto yung nakakainit ng ulong magsipagtext at magtype. Walang pakundangan sa proper use of spelling, syntax and grammar. At lalo naman sa paggamit ng shift key. Kaya ayun in toggle-shift aka alternating shift.
Chester: Teh may nagtext.
Pierre: Si Vice Ganda ba itey?!
Chester: Oo textmates na kami. Choz!
Pierre: Para sayo ba yang text?
Chester: Naman! Akala mo sa akin puro wrong sent lang?!
Pierre: Oh yun naman pala eh bakit kelangan mo pa i-powerpoint. Kerr ko naman jan.
Chester: Chosera ka. Si Mark nagtext:
e0w puh! Muxta? brEakfaSz tAuh. n0Od p0kEhmhOnZ
Pierre: Infernezz teh pwede kang Vice. Kafezlak mo pa sya oh.
Chester: Punyemas ka! Pinapasakit na nga ulo ko ng Mark ehh.
Pierre: Jejemon ka. hahah
Chester: Pano naman ako naging jejemon?!
Pierre: I just learned that word like a week ago.
Chester: I don't like the term. Parang Pokemon na hindi.
Pierre: Ang cute kaya. Si Mark jejemon alam mo yan teh.
Chester: Bakla na nga, emo pa, tapos ngayon jejemon. Ano pang magandang maidudulot nya sa society.
Pierre: Ayy ang sama moooo. Naaasar na ako dun. Pati ba naman tattoo ina-update pa. Theeee heeeeellll!
Chester: Anong tattoo?!?
Pierre: Oo may GM. Nasa ika-apat na tattoo na daw siya. Kainis. Gusto ko nga replayan ng 'so?'
Chester: Hindi ko nareceive yan. Thank you.
Pierre: Ayy pota. Ang daya. Sabihin ko isama ka sa Jejelist nya.
Chester: Bwisit ka.
Pierre: I love it. Jejemon, jejelist. Kaso parang tunog galis.
Chester: Isa kang jejEh8t3rz
Pierre: Wala akong SOL sa jejemon.
Chester: Wag kang h8rz
Pierre: Nagsalita ang hindi. Woi.
Chester: Ehrmaygawd. I didn't that Mommy Bei. I didn't that! Matagal ka na bang binubulabog ni Mark? Wala na kasi ako narereceive. I'm so happy.
Pierre: Oo. Each and every day. Leche. Sabihan ko nga na itext ka.
Chester: Subukan mo lang. Cheh ka!
Pierre: Para mas masaya. The more the manier.
Chester: Your channeling Melanie ha. You can never can tell.
Pierre: Melanisms. At benta ang article about jejemons sa Inquirer.
Chester: Meron sa Inquirer about jejemons?!?
Pierre: Tamaaa.
At seryoso nga merong article Jejemons: The New Jologs ni Harvey Marcoleta sa Inquirer, azz in THE Philippine Daily Inquirer. Akalain mo yun pati broadsheets pinag-aaksayahan na rin ng panahon ang mga jejemons.
Chester: May nalalaman pa si author na Jejebet. Nainis ako bigla
Pierre: Tamaaa. Tapos yung mga cLanZz na nagmi-meet sa Jejeland. hahaha
Chester: 5555
Pierre: Infairess to 5555 less effort.
Chester: Korek. Pero may effort sa googling. Pano mo naman makokonek na 5 = ha in Thai?! Feeling ko discreet jejemon tong author.
Pierre: Bakit mo naman nasabi?
Chester: Andami nyang alam eh. 5555
Pierre: Nagresearch lang yun. Pero baka nga. Ikaw na Thai.
Chester: Gusto ko lang talaga yung super shortcut version eh.
Pierre: Tamaaa.
Chester: Parang 5ppy birthday or 5sta la vista or 5nnah montana.
Pierre: Pota sa 5nnah montana.
Chester: Oh dabah less effort.
Pierre: Ang effort kaya.
Chester: Hindi kaya. 5 < ha. Nakakaloka pa ito:
bAiAn9 mA9ieLiWh pUrlAsh n9 xIlan9aNaN
Pierre: Ay oo hahahaha. Win yung perlas.
Chester: Parang bekinese! Purlash!
Pierre: True.
Chester: OMG. Ngayon ko lang naimagine. Hindi kaya si Mark ang author?!?
Pierre: Hindi. Siya yung ininterbyu. May pasasalamat kay Mark Maldito:
"I'd like to thank Jejemon Mark for helping me out with the Jejenisms."
Chester: Jejenese di ba?
Pierre: Ayy mali pala. Pero ok na din yung jejenisms.
Chester: Jejenism refers to the proper use of Jejenese and the Jejebet system.
Pierre: Ano yung Jejenese?
Chester: Anobeh eh di yung language mismo. eOw?!?
Moral of the Story: Wag tularan. Nakamamatay... ng brain cells.
Mga etiketa:
Papi Chulo
Martes, Abril 20, 2010
Tofu
Usapang Soy
04.15.2010
Una kong namaster na crop sa Farmville ang Soybeans. Nagtataka pa nga ako bakit mukhang sitsaro o ipil ipil yun. Akswali di pa ako nakakakita ng soybean in real life. Well jan kaya nagmula ang tokwa or tofu. Di ako fan ng tofu dati kasi maarte ako noon sa food pero ngayon kahit ano yata kakainin ko na.
Ang salitang tofu eh Japanese word na ang meaning ay fermented beans. Pinauso nung mga Chinese sa cookingan. Color white sya kasi nga gawa sya sa soy milk. Although may napanood ako dati sa anime na Chuuka Ichiban kung san si Mao nagprepare ng Tofu Panda recipe using white and black tofu. Yung black tofu sweet flavored kasi cooked using black soy beans at brown sugar, parang taho lang why not.
Yung wet variant ang ginagawang taho dito sa Pinas. Lagyan lang ng arnibal at sago eh go na. Meron din strawberry flavor sa Baguio. Nagbebenta rin ng ganito sa mga canteens ng elementary school. Naalala ko nung grade 2 yata ako non, nagpunta sa school namin yung Nestle para magpafreetaste ng soya-flavored milk nila. Sila Richard at Raymond pa nga ang endorser non eh. Hindi ko gusto yung lasa nya.
Yung dried variation naman ang tawag eh tokwa. Nung time na nagrereview ako sa may bandang Sampaloc, ginagawa kong meryenda yung lugaw sa katabing karinderya. Kelangan ko lang talaga ng pampainit sa sikmura, masarap na at mura pa sya. Favorite sidedish ko don eh yung tokwa nila, malutong at maasim din yung suka nilang gamit.
Sa mga japanese resto, nagustuhan ko yung Tofu Furai ng Sushiya. Crunchy yung outer part na nabalot sa breading, pero soft yung inner part. Plus pa yung sweet sauce dip. Ang maganda pa nyan eh part yan ng bento nila. Ewan ko bakit sa ibang japanese fastfood chains eh di sila nag-ooffer na may kasamang tofu. Nakakasawa na kaya yung Yakisoba DAW nila na parang made of togue lang.
~0~
Kwago Island
04.16 00:00~04:00
Nagsimula sa pagpopost ko ng pic ng reading queue ko: isang malaking pile ng novels at nasa ilalim si Bob Ong. Nagcomment si Derek something about it at eventually eh gusto nya hiramin daw yung Libro ni Hudas.
Fast forward Byernes ng maghahating gabi. Nagtext na sya na magkikita kami sa Pioneer, dun kasi yung suggestion kong place. Pagbaba, nakauniform pa sya ng orange-ish yellow (or marigold according to Blue). Inaya ko sya to Madison Square, kasi nga he was looking forward to drinking that night.
We got to Kwago's Island Grill, my second time going to this bar. First time way back August with ex-officemates nung kasagsagan ng office politics. The bar is designed with wooden ornaments para i-emulate yung island feeling. Sa may second floor kami pumwesto bandang back sa tapat ng live band. They're named JJMomo, a brother and sister soulful acoustic duo. Si ateng Mommy (i forgot her name) nasa guitars, while si kuya Joey nasa beats. They play pop, rnb, and some alternative music. Chinito si kuya, number 17 makinis! Flawless ang legs, shett fetish ko pa naman yun. hahah
Umorder na kami ng drinks. Sanmig Light kay Derek at RedHorse sakin plus fries. Pagdating ng fries, dinip ni Derek yung finger nya sa mayo-ketchup substance tapos sinet aside. Nanghingi ng ketchup sa waiter. Apparently, they're using cheap generic mayo galing sa palengke daw. Pagdating ng ketchup, dinip uli yung finger para lasahan. Sinet aside din. Di ko na tinikman yung ketchup, feeling ko Papa Ketchup eh ewkie yung last na natikman kong banana ketcup. Nagpa-add ng order pa si Derek ng Tokwa't Baboy na suka ang sawsawan. Di masyadong crunchy yung tokwa, mala-goma na nga ata sa kakunatan. Ako na ang nag-iinarte dahil tinitinidor ko pa ang food, samantalang nagkakamay lang si Derek. Imagine Nigella Lawson.
Tuloy sa pagperform ang JJMomo. May ilang jammers na umakyat. May magjowa ata, si kuya nagguitar tapos si ateng sumong number. Nakakahighblood kasi ang OA lang ni teh, parang nagpipilit magpaka-operatic. Meron pa nagkaraoke version ng Ako'y Sa Iyo tapos kung makafalsetto naman nakakastress lang. Kinanta ni kuya Joey yung Wag na Lang Kaya, feeling ko naman ako ang kinakantahan. "Nais ko ay magpakilala sa iyo at ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko... wag na lang kaya *whistle*...." Nahiya pa si kuya, dinaan pa sa kanta. Nako ok lang yan sa akin, I wouldn't mind really [Feelingero mode]. Yung last na jammer eh close friend yata nila JJMomo, kinanta ni ate yung Oo ng Up Dharma Down.
Eh favorite ni Derek, nag-offer pa nya ng complimentary Cosmopolitan sa jammer. Ang weird nga lang sinerve yung cosmopolitan on a tall glass, at more orange than cranberry actually. Hindi pa marunong yung nagserve kasi madaling naignore ni teh yung cocktail. Hooowell, pang pilsen lang ang beauty ni teh. Bago pumack-up ang JJMomo, nakita ko may kasamang gurl si kuya Joey. Sad but its ok cause I know si teh na talaga ang award for best actressa in a beard role. Kaloka lang ang music ng DJ when the band stops, kasi may halong pop, dance, at house music na di akma sa island setup ng bar.
Nagkaroon pa kami ng bonding time ni Derek. Nabrought up yung perpetual statline ko na "Waiting for Autumn to arrive." which is an allusion to 500 Days of Summer, my current favorite emo movie of all time. May-I-ekpleyn pa ang konek ko don, kesho nga nakarelate ako on both characters. Kay Tom dahil sa paniniwala sa destiny and love, at kay Summer sa paniniwala sa intuition about love. Biglang cutoff si Derek na sya rin at one point naniwala sa destiny. Ako rin naniwalang si Derek ang destiny ko, pero matagal nang panahon iyon at nagmove on na kami sa crossroads na yon. Yah know, parang the feeling is there, it's sweet and warm pero you want to keep it as is para di masira.
Tinext ni Derek si Jade, ang plan is to abduct him and take him to the nearest nomohan. Packup na rin kami from Kwago's. Ang tally: Derek~7-8 SanMig Light at ako~3 RedHorse. Slightly tipsy pero go lang.
We took the bus to Ortigas. Sakto pagbaba ng Galeria may nagbebenta ng taho. Bumili si Derek para breakfast at pampababa ng amats. Mainit pa yung taho but not boiling, kulang sa arnibal pero pwede na rin kesa tasteless. Tinungga ko lang yung taho. It feels warm inside but not too sweet, parang emotions lang?! Arte.
YooHoo
04.16 05:00~09:00
Ayaw pa sana maglakad ni Derek from Edsa to Emerald pero napilit ko rin sa wakas. Pagtapat sa ADB biglang juminggle pa sya doon! Buti di kami nahuli ng tanod. Sa may Wynsum ang office ni Jade. Ten minutes before five eh tawag ng tawag na si Derek para mangulit. Nag-uuwian na rin ang ilang katauhan galing sa building. May mga umaaura pa nga daw na umaaligid pero di ko napansin.
Enter stage si Jade wearing a bonnet, dark blue sweater, and a rainbow belt. He suggested na sa YooHoo sa Metrowalk na lang kami pumunta.
Sa second floor ang drinking area. Nagkalat ang ilang group of lasenggero't lasenggeras, probably call center agents. Tuwang tuwa naman ang Derek dahil makakainom sya kasabay ng pagsikat ang araw ala agent. Sa harap ko lang may umpukan ng mga di mawari. Nakatalikod sila at mukhang cute naman. Ayy pagharap gusto ko igreet sila ng Happy Foundation Day! Sana nakatalikod na lang sila forever.
We started with one bucket ng San Mig light na may followup later, and a platter of fries as requested by Jade for a starch-based pulutan. Same procedure sa pagdip ng finger ni Derek sa mayo-ketchup substance. This time highly recommended ang dip, siguro branded ang mayo nila.
Mixed ang playlist ng YooHoo. Nakarelate kami sa mid 90's pop-rock songs like One of Us ni Joan Osborne, I'm a Bitch ni Meredith Brooks, at Thank U ni Alanis Morrissette. Biglang change playlist to 00's pop rnb era nila Rihanna, Chris Brown, and Lady GaGa. At ang di inaasahan ni Jade, biglang um-Empire State of Mind. Kung araw araw mo ba naman maririnig yan sa kapitbahay mo eh baka mabaliw ka talaga. Pang-asar pa si Derek na dahil may pagrereenactment ng Alicia Keys standing while piano-ing. At di pa jan nagtapos ang hinagpis ni Jade dahil fumallowup bigla ang Tik Tok ni ateng Key dollar sign Ha! Not just one but two LSS! Imagine!
Half bottle lang ininom ko for fear of impending basagness. Si Derek todo nomo pa rin. Alam ko lasheng na sya kasi may pagrereplay ng ilang stories nya, parang sirang plaka lang. Additional 7-8 bottles ng SanMig Light sa tally nya. Clap clap, ikaw na ang basag.
Isinabay namin papuntang sakayan ng bus southbound. Natulog na sya sa byahe at di ko alam kung ano ang kapalaran nya kasi bumaba ako ng Boni while si Jade naman sa Guadalupe bumaba. Sabi naman nya eh pagmulat ng mata nya eh naglaho na lang daw kami.
At talagang lakad pa ako kinahapunan ng araw na ito. Shett puyat na naman. Kamusta na naman sa eyebags. Anak ng tokwa!
Implikasyon: Kung ang soybean ay ang puso, ang tofu naman ang emosyon. Sa umpisa ito ay puro at puti at maaaring mabahiran. Maaring din itong tumigas. Tumatamis sa arnibal, at minsan nanabang sa paglipas ng panahon. Mas masarap ihain kapag mainit. At kung manlamig man, iyon ay dahil nilagay mo sa freezer. Ano daw? Basta alam ko kung nasan ang tofu ko: nasa freezer lang. [Emo mode sa tokwa]
Huwebes, Abril 15, 2010
Touch Move
Feelingero?!
04.14.2010
Sa ilang pagsakay ko sa MRT eh ilang random weirdness na ang nangyari sa akin. Meron jang pasaherong amoy patay na daga azz in! Di ko alam kung rat exterminator ba sya o may baon pang daga or talagang matindi ang powers nya. Merong mga majujubabs na gurls na nagpapanggap na buntis para makakuha ng more space. Meron din jang mga mandurukot kung san san lumulusot ang kamay kaya dapat alerto bente kwatro. Pero merong ibang mga kamay na gumagala, hindi wallet o cellphone ang sadya nila kundi ang iyong katawan.
Frottage. noun. \frȯ-ˈtäzh\
1. the technique of creating a design by rubbing over an object placed underneath the paper. also the creation so made
2. massage. also the act of rubbing against the body of another person, as in a crowd, to attain sexual gratification.
Ako na talaga ang may ganyang fetish. I enjoy it actually, all the time playing victim victim-an, sort of passive sex whore. Well, wala naman talagang sex involved yun lang mutual gratification. Merong mas malalang term, which is frotteurism. Yan naman eh nonconsensual, and usually viewed as a criminal offense. Hindi naman ganyan umaabot yung sa akin kasi nga I consent!
Sa random websurfing ko eh naencounter ko ang word na haphephobia: an intense, irrational fear or dislike of being touched. Eh pano ako, I like it nga eh. Meron bang term na haphemania or haphephilia? If there is, I'll signup for it. Haphemaniacs Anonymous.
Kahit sa spa, talagang enjoy ko ang buong massage thing yah know. Kaya nga todo kwento ako kapag napapadpad ako sa Wensha. I like the feeling, yung hinihilot, yung pinapamper. Mas masarap syempre with oil para mas swabe dabah. Pero pwede rin irequest sa masahista na gawing dry massage pero di ko feel yung ganon. Siguro may pulbos naman na involved at gusto ni Sherwin ng ganyan mula nung napanood sa Boylets. Di ko pa natry yung sensual massage, pero natatakot ako biglang magmorph yun into sexual massage.
Happy na ako sa rubbing elbows, at sa HHWS or holding hands while siksikan. Dati nagkakataon lang to sa jeep kapag nakasabit ang kamay sa barandilyas. Ngayon mastered ko na san ko mahahanap ang kiskis. San pa ba eh di sa pinakamasikip na transpo sa balat ng Pilipinas, sa MRT. Yup jan lang. Pwede rin sa LRT Yellow Line kaso di kagandahan ang crowd nila. Sa Purple Line naman sobrang luwang pwede ka magdisco. So MRT na talaga. Kung nasa first train ang women only (featuring children and senior citizens) ang last train naman ang beki train. Madalas dito may nangyayaring hipuan. Feeling ko nga unspoken oath na to ng mga horny beckies na dito sasakay eh. Madalas din nagaganap ito kapag nagmumula sa Taft Stn. Ilang beses na ba ako nagroundtrip via Taft?! Example scenarios:
- 1. Nakahawak ako sa vertical bar. May isa pang guy na nakahawak dun. Di naman oily yung bar or yung kamay ko, pero si kuya todo ang padulas ala spageti palapit sa kamay ko hanggang halos humolding hands na kami.
- 2. Siksikan sa train, both hands down sa sides ko para alert sa mga nagbabalak mandukot sa pocket. Biglang eto si manong kinakalabit yung kamay ko. Maya maya HHWS na kami sa train.
- 3. Kasabay nakisiksik si kuya sa train. Parehas kaming nasa door lang. Biglang nadikit nya yung back nya sa front ko. Aba nasarapan, dinikit lalo. Diniin ko naman. hahah. Nag-enjoy?
- 4. Sumiksik si thundercats sa train, siksik some more sa may harap ko. Aba maya maya dumidikit ang back ni lolo, akala mo sa bukid walang papel pumupunas sa pilapil. Umatras ako. Eeeewww lang.
- 5. Nakatitigan si kuya sa kabilang side ng train. Lumapit sya at pumosisyon perpendicular sa akin. Wala namang ginawang aksyon. Bago bumaba, may paghimas sa likod ko from the neck along the spine down.
- 6. Una kumakalabit lang sa kamay si teh. Maya maya HHWS na kami. Eh hindi sya nakatiis biglang dumakma sa crotch area. Dedma (habang tumitirik ang mata)
- 7. Diz juzz in! Kaninang hapon lang ito owemgee. Si daddy nakapwesto sa door sa tapat ko, face to face kami almost isang palad lang ang distance namin. Pag andar ng train nira-rub na nya ang front nya sa front ko. Maya maya dumakma na, mejo nahiya si daddy. Kinakalabit na lang nya ako.
Actually, I'm asexual yah know, which is strange why people keep saying only plants are asexual. Baka they're referring to asexual reproduction?! Close but still not the same thing. My asexuality is all about being nonpenetrative yah know.
Moral of the Story: Sa kating di makamot, mag-Canesten. Kung di magamot basta play safe lang palagi. Wala naman sigurong STD transmissible thru rubbing di ba?
Martes, Abril 13, 2010
Rapture?!
Ray of Light
04.2010
Minsan makulimlim ang langit, madilim, malamig, mahangin or all of the above. Minsan nakakahawa ang emote ng kalangitan at maya maya pa iiyak din yan nang tuluyan. Pero minsan nabubutas ang dilim ng mga haligi ng liwanag. *nosebleed* Ang lalim! Yah know yung mga rays of light?! Then enter stage na si eternal sunshine.
Naniniwala ako nung bata pa ako na kapag may ganyang special effect sa langit eh merong mga nateging gumogora na sa langit. Ayun go, grow and glow talaga! Epekto malamang ng overexposure sa panonood ng Ghost Busters cartoons. Parang handa na sila umenter sa langit yung mga souls para magparegister sa Facebook fanpage ni San Pedro.
May nagsabi sa akin before about this guy who knows this guy who knows this guy who said malapit na daw ang End of the World, sa year 2000 daw. At magkakaron daw ng rapture: as in kukunin sa heaven lahat ng virtuous. Iniimagine ko pa nga na makulimlim ang langit, tapos maraming beams of light at parang minamagnet lang papuntang liwanag sila. Imagine alien abduction pero instead of UFOs eh holy ang setting at meron ding mga angels playing harps for background music. Tapos maya maya seven trumpets naman parang orcherstra lang.
Josko 10 years na ang nakakalipas wala pa rin yang end of the world. Two years from now, meron na namang end of the world daw. Eh ilan pa bang end of the world ang hihintaying kong dumaan para makita yang rapture na yan?! I'm excited na mag-ascension eh. Choz!
~0~
Remakes?!04.10 05:00
More than two months na walang communication sa amin ni Warren. Last na kitakitz namin eh nung gumora pa kami sa Greenhills featuring Theo para magshopeng shopeng. Busy sya sa work, ako naman busy tumambay. Di man lang kami nagkakatext, kasi di naman kami ma-text na tao. Maituturing na communication pa ba ang comments via FB posts?
Heniweys, nag-abot kami one time sa FB chat. Patulog na ako that time. Wala palang pasok ang Warren that Saturday night dahil holiday daw, nagse-celebrate din ba ng Araw ng Kagitingan sa US? Biglang nagyaya ang Warren na manood kami ng sine. Di naman ako makajoin after ekpleyning na my means does not permit me to do so (which is legal parlance for Poorita Kalaw Katigbak, incidentally namesake din ni Elvin) kaya napilitan syang i-treat ako. Ako na ang pinapili nya ng sked sa Trinoma. Suggestment ko ang 5:40 screening para kung sakaling may ma-late ang next screening eh around 6:35. Mahaba na siguro ang 55 minutes allowance di ba?
Kinahapunan, di kaagad ako nakalarga kasi naman magrereformat ng PC ang kapatid ko kaya todo backup ng files ako, I'm sorry my pornies I couldn't save you. Bumiyahe ako 5pm na. Based on experience, ang northbound train around rush hour especially during weekends ay napupuno sa may Magallanes Stn pa lang, at nangangailangang maghintay ka ng 4 or more trains at ng matinding siksikan powers (don't forget to use deodorants). Nakakapagtaka lang eh di ganun kapuno ang MRT, masikip pa rin pero hindi sardinas.
Pagdating ng Trinoma ko pa lang tinext ang Warren: San ka na teh? Hindi nagrereply. Nagcheck muna ako ng schedules sa cinema. Maluwang pa ang lahat ng cinemas. Late na ako ng 10 minutes kaya 6:35 na next screening ang target namin. Tinext ko uli ang Warren: Sana nagrereply di ba?! Nanood ka na ba... on your own... pretending he's beside you? All alone, you walk with him 'til morning? After 5 or so minutes biglang tumawag, kakagising lang. Mabuti na lang talaga at malapit lang sya nakatira.
Nag-ikot muna ako habang nag-aabang sa Warren. Merong mini-gallery sa floor ng mga artwork presumably ng mga kiddielets. Karamihan gawa on paper, yung iba sa styro; merong watercolor, at meron ding pastel; merong portraits, merong still life at meron ding landscape. Meron ding parehas ang ipininta, di ko lang madistinguish sino ang orig at sino ang xerox. Nagtext ang Warren kung nasan na ako, ang reply ko: Nandito ako sa Taal Pastel on Paper. Naligaw pala kakahanap ang Warren, akala nya kainan yung tinext ko.
Nakabili kami ng ticket for Clash of the Titans at 7:20 screening. At ang luwang talaga ng cinema. Kahit yung movie ng Star Cinema parang di rin pumatok sa takilya. Skeri lang, Saturday night, nasan ang mga tao? Parang mas maraming pang tao sa mga malls last week nung Sabado Gloria. Di kaya nagrapture na at kami lang ang di nakareceive ng memo?! Heniweys much better siguro yun at mejo nabawasan ang populasyon. Natapos yung movie after two hours.
Yung movie eh remake nung 1981 classic, na ayon sa sources ko eh mas faithful daw sa Greek Mythology yung original. 2010 daw ang year of the remakes: Nightmare on Elm Street, The Thing, Hellraiser, Friday the 13th, at Working Girls. Oh dabah karamihan ng horror movie franchise eh gustong magtry again ng formula. Pero etong Clash of the Titans talaga, although di ko napanood yung original, eh somewhat disappointing talaga. Maganda yung graphics and all pero it's not all about eye candy, kelangan may story rin na makakapukaw ng damdamin, at hindi hinugot lang kung saan. Akala ko nga ang plot twist eh kakambal ni Perseus si Marimar, imagine?! Kung graphics lang ang pagbabasihan nila eh di sana gumawa na lang sila ng isang engrandeng photo slide. More commentaries sa aking upcoming review ng Clash of the Titans.
Rhapsody?!
04.10 21:00~
Biglang sabay na ginugutom ang na-eerna si Warren kaya napilitan syang dalhin muna ako sa house niya. Pinatry nya sakin yung Final Fantasy XIII nya sa PS3 habang jumejebs pansamantala. Pagkatapos noon eh nakikain na ako sa kanila ng food, nilagang baka kaso walang patatas (choosy pa) habang nanonood ng Twilight. Muntik na akong mawalan ng ganang kumain habang nanonood nitong bad movie, buti na lang may patis. Mabuti na rin at inilipat na sa The Simpsons yung channel kaya umaariba na naman sa rice ako.
Sa end credits ng Simpson, nagperform ng A capella yung Canvas kaya nainspire ako sumongnumber din. Pumayag akong magbijowke sa Cubao. Under consideration kung sa P2 na lang kami pupunta pero naturn off si Warren nung niremind ko sa kanya ang status ng P2: siksikan ng mga beki, tumataas na entrance fee na akala mo based sa oil price, unsanitary CR na open for rape anytime, at mala-construction site na interior design. Go na kami sa Starion, yung videoke bar sa likod ng Starlites. Nagwithdraw muna si Warren sa ATM. Sa likod namin may nakatambay na mga prosti. Ganun na sila kadesperado, kahit sa beki inoofferan ng serbisyo. Kahit sa Cubao on a Saturday night eh konti rin ang population.
Sa Starion naman tatlo o apat na table lang ang occupied sa open mic area. As usual VIP room kami. Umorder ng one bucket ng Red Horse at isang platter ng chicharong bulaklak. May complimentary platito ng roasted roastedan highland legumes and cornick (akswali nadiscover kong nagchacharge sila ng 15 para dito).
Sinimulan ni Warren ng emote songs. Maya maya nagsalang na ng Lost in your Eyes at No More Rhyme ni ateng Debbie Gibson on the red corner. At hinamon ko naman sya on the blue corner ng All This Time ni Tiffany, retro to 80s kung retro. Tuloy ang bakbakan ng senti songs ni Warren, habang ako eh tumitira ng pinoy rock at OPM tulad ng Miss na Miss Kita, Himala ng Rivermaya, at Your Love by Alamid.
Ang ending tumitipsy na naman ako after two hours. Nagyaya pa si Warren na mag-Wensha after. Tambay muna sa KFC pampababa ng amats. Deja vu? Nagpabili ng drinks si Warren. Omg, this is the part na matatapon ko sa sahig yung drink, thankfully hindi nangyari.
Rub-a-dub-dub?!
04.11 03:00~07:00
The usual full body massage ang pinili namin. Hubad kaagad at go na sa wet area para magshower. May pinapalabas na Stallone movie sa HBO pero dedma lang. Nakalublob na si Warren sa hot jacuzzi. Infernezz di sya scorching hot ngayon, just right lang. Stay kami doon ng approximately 10 minutes bago lumipat sa steam room. Sa loob ng steam room pala tumatambay ang mga tao. Nagstay kami doon ng 5 or so minutes. Ako ang last man standing, or so I thought (baka allergic lang yung mga tao sa amin kaya nag-aalisan). Biglang lipat naman sa sauna after a while. Di barbecue level yung sauna. Nag-aalisan pa rin yung mga tao pag kami na ang pumapasok sa room. Gusto ko sana magsalita ng, "Paunawa po, hindi po airborne ang kabekihan. (Tsura nyo lang teh. If I know mas malansa ka! Alam mo yan!)" May isang labas masok sa sauna para lang basain yung coal ng water galing sa waterjug. El niño pa naman ngayon, sana nagtitipid sya di ba? Sana sumalok na lang sya sa jacuzzi, although ang jologs non.
Nabore ang Warren dahil sa low heat (temperature-wise at maskel-wise). Gora kagad kami sa massage area. Syempre male na naman ang piniling masseur ni Warren. Di ba redundant yung male masseur? Habang naghihintay eh nagkekwentuhan pa kami about Villar, Gibo at Noynoy, eh di naman pala registered ang Warren cheh! Nang dumating na ang mga masahista go na kagad sa yah know... sex. Choz! Nilagay ko lang yan para lumabas sa mga google searches tong blog ko. Anyways, the usual mineral oil at moderate massage lang, from back to front, bottom to top. Google search check! Bago matapos tinanong pa ako kung may stretching, eh di ako sure sa response kaya sabi ko oo. Shett binali bali lang ang katawan ko. Tapos phone in question uli si kuya kung may buhat pa daw, again di ako sure kaya oo again. Ayun pinaghahagis ako sa ere, feeling ko nasa possessed evil mattress na may-I-float in midair. Para din syang production number ng mga cheerleaders courtesy of Walang Tulugan with the Master Showman, basta yung ganung tapon tapon ang feeling. Basta pag di sure, just say no na lang next time.
Natulog pa ako after ng massage, habang si Warren eh nagpa-do yah know. Do ng nails, maarte kasi sya eh. Pagbalik nya shining shimmering na ang kanyang pinkish nails, except dun sa isang bloody red kasi pinadugo ng manikurista. Nagpupungas pungas pa akong tumungo sa dining area. Isang table lang ang occupied ng dalawang beki. Not much of a buffet kasi dalawa lang ang food na nakalabas: fried rice at mechado or caldereta ata. Sa tabi ng stairs kami pumwesto. Merong nakadisplay na malaking painting ng pool area na puno ng nude women, at nakapusod lahat ng hair nila ha. Parang cloned silang lahat skeri. Naalala ko tuloy yung vid ni George Michael at Mary J. Blige ng As. Wala lang, naalala ko lang basta. Napahanap tuloy ako ng female wet area sa Wensha Timog. Parang never ko pa naencounter kung san sila nagbababad. Malamang hindi ako papasukin don at malamang hindi rin ako papasok don. Sa Wensha Pasay kasi nasisilip ko yung wet area nila from the common area.
Wi-wiwi pa sana si Warren sa may wet area. Eh occupied pa yung toilet. Biglang sumilip yung tao sa toilet ang nagsusumigaw ng, "Walang tubig! Di ko tuloy maflush!" Kaloka, hinold in na lang ni Warren yung ihi kesa naman makipagsapalaran sa yellow submarines. Maya maya may isa pang irate customer, wala daw tubig sa showers. Josko pwede naman dumiretso sa pool or gamiting pangwisik yung nasa water jug, that is kung jologs ka. Pero refined si teh, gusto nya warm water to lather the skin daw. Ayun umalis na lang sya. Mabuti na lang at di nag-Earth Hour baka biglang maglitanya sya ng, "Walang tubig, walang kuryente... eh di magsayaw na lang tayo." Maloloka talaga ako pag ganon.
Umuwi na rin kami around 7 am. Akswali mejo alam ko na pano magcommute to and fro sa Timog, pero nagcab si Warren kaya sino pa ako para tumangging maki-hitch. NagMRT na lang ako pauwi at maluwang pa rin ito, well Linggo naman kaya siguro ganon. Sa hintayan ng jeep sa Boni eh matagal pa bago nagpuno ito because of the same reason. Lumalaki ang concern ko na nauubos ang populasyon sa Pilipinas. Mabuti na lang at may mga cute na pasahero akong nakasakay na parang sinasabi nilang, "it's gonna be ok di pa tayo extinct." Choz.
Moral of the Story: Huli man daw at magaling, nagdadahilan pa rin. Magbagong buhay na baka masave ka pa. At dahil jan may nagtext, si Zeus: "Release the Kraken!"
Sabado, Abril 10, 2010
Chillitees - Samahan
Narinig ko lang tong song na to sa TVC ng Standard Appliances. Ayun ginalugad ko ang buong kagoogle-an. Akswali balak ko lang magdload ng mp3, kaso wala talaga eh sa youtube lang meron. Buti nga may nakita pa ko heheh.
Di ko alam kung anong genre ng music ito pero ayon sa info ng YouTube 70's OPM daw. Directed by Dan Gil. Animation by Elmer Ona and Melvin Riego of WATUSI Productions Inc.
Mga etiketa:
Bliss
Sabado, Abril 3, 2010
Go Planet!
Binondo and Earth Hour
March 27, 2010
Nagset-up ang FSR ng isang foodtrip sa Binondo headed by Yanyan. Unlike nung last event na handled nya sa may Wildlife, kaunti lang ang nagsign-up dito. Mejo haggard nga daw sya at muntik na nya i-cancel totally. Ako naman hindi rin sure kung pupunta ako sa event na yan, una dahil tipid tipiran na at rume-red alert na ang jiraffe mode. At pangalawa may mga lumaline up na ibang meetups with Elvin at Ezz. Di natuloy ang lakad with Elvin sa Anicon dahil gusto nya solohin si Yohji. Si Ezz sa naman eh napush back sa hapon ang luwas sa Manila dahil mas pinrioritize ang pagdidilig ng virtual farm nila ngayong El Niño.
Superfairy Trip Kita!
c. 4:00 ~ 5:30 PM
Alas tres ang call time pero ang actual arrival ng ferry eh alas quatro y media. Nilakad ko again from Boni to Guadalupe derecho sa loob na ng station. Present na si Yanyan, Kuya Noy, Nhes, Albert, at Jaycee. Fourty five paysows ang isang ticket to Escolta. Sila Macoi at Alex eh wala pa kasi di daw nila alam paano pumunta sa station from MRT, which I doubt kasi baka dumetour muna sila sa Red Building yah know. Ten minutes before arrival ng ferry dumating ang dalawa.
Dumating na din ang ferry. May three columns ng seats. Pumwesto ako malapit sa bintana sa port side para may view ako. Closed naman ang doors kaya di mo maamoy ang halimuyak ng Pasig except yung engine at gas. Ang mga stations na dinaanan along the way eh barangay Hulo na pinakamalapit sa akin, barangay Valenzuela sa Makati (hindi yung city mismo kasi so so far north yon), Lambingan bridge sa may Punta, market sa Sta. Ana, Pureza via PUP Sta. Mesa, Lawton sa likod ng Malacañang, at last stop namin sa Escolta entrance to Binondo. Walang masyadong view rin makikita kungdi mga oil tanks, squatter areas at tenements minsan may village din pero nag-iisa lang ata yon, mga tulay na may nakasabit na mga kakubuhan (at minsan ginagawa ring date rendezvous), at mga kinakalawang na carrier boats. Merong apartment slash condo whatever din na nadaanan named Sin Village, kaputol pala sya ng Jaime Cardinal sa katabing building. Pagdaan sa Malacañang palace eh bawal pumiksur taking, as if naman ganun ka breath-taking yung view. At least nakita ko yung design sa bente pesos.
From Binondo with love
c. 5:30 ~ 7:30 PM
Pagbaba ng Escolta Stn, tinahak na namin ang kahabaan ng Binondo along Quintin Paredes street. Mejo disappointed ang Jaycee dahil wala kaming nasasalubong na kacha-Chinese-an. Old business district ng Manila ito according to Jaycee, pero naiisip ko lang basta mga intsik eh botika at bakery. May mga columns, arcs at ornaments pa with the chinese writing and everything para iremind sayong Chinatown nga ito. More lakad pa hanggang umabot kami sa Binondo church. Sa harap merong mga purple firetrucks courtesy of Eng Bee Tin hopyaan. Meron ding bust ni Roberto Ongpin (cynthia igoogle mo na lang) na ginawang tambayan ng mga kabayo. Sabi ni Yanyan beki daw yung mga kabayo kasi ba naman nakapoint yung hindlegs nila parang umiistrike ng model pose lang.
Pumasok muna kami sa church. Since first visit ito eh eligible kami sa isang wish. Sa ceiling ng church eh merong mural ng mysteries. Yung altar mismo eh mukhang miniature version ng isang Cathedral, ang pinaka-centerpiece eh ang Lady of the Most Holy Rosary tapos may sarili sariling apartment ang assorted saints. And take note in pink ang color theme ng altar. Sa may right side merong Nazareno na ginawa naming wish ko lang booth. Sa may entrance ng simbahan pwede ka ring magtirik ng kandila para sa mga idinudulog na kahiligan. Nag-alay si Albert at Jaycee, for love and career ba ito?
Nakahambalang na rin sa kakalsadahan ang mga palaspas. Actually cramming na ang mga tindera, de-stapler na ang paggawa nila para lang umabot sa rush sales. Sa tapat ng simbahan ang San Lorenzo Ruiz plaza kung saan nagtatatambay ang mga kaindayan at kaconstruhan, at naglalaro ang mga kabataan. Naghahanap pa sana ng ibang park si Jaycee kasi di satisfied sa kawalan ng mga chinito. Tinahak na lang namin ang Ongpin patungo sa Estero. Along the way may nadaanan kaming some kinda fruit slash veggie slash rootcrop. Nagdedebate pa sila kung papaya ba yun o pipino, tanging ako lang ang nakaisip na mukhang mais sya ginulo ko lang lalo ang isip nila. Napakaraming chinese drugstores na nagkalat. Gusto sana bumili nila Jaycee at Yanyan ng pampataba pero winarningan na namin sila: mahirap magpapayat after (mas concerned pa kami don kesa sa risks ng side effects).
After ng ikalawang tulay along the road liliko ka lang at Estero na. Parang dampa style pala dito, pero instead na mamalengke ka eh pipili ka lang sa fresh stock nila ng iluluto at ang klase ng pagkakaluto. Maraming kainan doon at kanya kanyang hila ang mga servers. Gusto sana namin sa loob sa may aircon pero josko naman sa third floor pa kami dadalhin at solo namin ang room, wala kaming masasight. Kaya ayun nagdecide na sa labas na lang para may view. Best seller daw ang froglegs kaya bumili na rin kami non, chili. Lasang manok nga sya ayon sa ibang claims, naiimagine ko chicken wings dahil sa bony structure pero meron syang black gooey essence pag tinatry mo ibreak yung crispiness. Nag-add na kami ng order: 2 platter ng fried rice, sweet and sour pork, buttered chicken, beef with brocolli, at tig 1.5 liters ng Mountain Dew, Sprite at Coke. Masarap lahat ng food, pero favorite ko ang beef, na maraming natira... well, more for me. Favorite naman nila ang chicken, pero parang ordinary lang sa akin, mas masarap pa yung broasted chicken sa Ermita na dinayo namin before. Busog talaga, solb! Napatagal pa ang stay namin dahil nagtutunaw ng kinain at di pa namin alam saan ang next destination. Nakakairita yung mga streetchildren na nangungulit manghingi ng food kahit di pa kami tapos kumain. Mukha naman silang healthy pero pumi-PG mode josko, eto ba ang epekto ng palagiang paliligo sa dagat ng basura? After namin magbillout, di pa kami nakakatayo eh suguran na silang lahat sa food.
Nilakad na namin ang dulo ng Ongpin at ngayon naman nasa tapat na kami ng Sta. Cruz church. Hindi na rin kami nakapasok sa simbahan, pero sayang ang wish dabah? Lakad pa kami papuntang Rizal Avenue. Si Yanyan may nakatitigang kakuyahan, azz in tumigil pa si kuya at inaantay gumawa ng move si Yanyan. Pero dedma lang si Yanyan, about face si kuya na may bekpek na may nakasulat daw na masseur ayy alam na! Pagdating sa innersection liko naman kami papuntang Recto. Dumarami na dito ang titigan factor, pati yung magbabalot yata nakikipagtitigan na.
Napadpad kami sa tapat ng Isetann, at dun na pala ang pugad ng aurahan, lahat na talaga doon eh gumagala ang mga mata. Di na kami pinapasok sa loob kasi closing na sila bandang alas ocho pa lang. Naglakad uli kami patungong Mendiola naman. May kaguluhan sa gitna ng daan, may mga kabataang mukhang rumarugby na nagtatakbuhan na akala mo may snatchang naganap pero parang papampam lang. Pagdating sa innersection ng Quezon Boulevard bumulaga sa amin si Lee (na sa sobrang kagalaan lately kung san san nakakasalubong sa Cubao, Malate at ngayon sa Recto). Naghihintay daw doon ng kadate nya, eh mukhang ininjan sya kaya may back up plan na maghanap ng ibang kadate. Linoloko pa nila na baka nga naghahanap ng pangtuition tong si Lee. Jumoin na rin sya sa lakaran namin.
Malapit na kami sa Ever Gotesco Recto ng magsuggest si Lee na sa likod ng simbahan ng Quiapo kami mag-inuman. Nagsuggest naman si Kuya Noi na sa MOA na lang kami pumunta. Umagree naman lahat kaya retrace steps kami papuntang Djose Stn. Lumusot na kami via walkway ng LRT Purple line Recto Stn, pinaikot pa kami paakyat sa 3rd floor kasi closed yung gate na derecho don. Pagdaan namin sa tapat ng gate uli saka pa lang binuksan uli ni manong gardo. Pagdating sa LRT Yellow line Djose Stn kelangan mo pa umakyat uli para makatawid sa kabilang southbound side. Pati sa elevator eh pinagsiksikan na namin ang sarili dahil sa pagod. Keh agang penitensya naman kasi nito. I just wish nagkalesa na lang kami galing Binondo dabah.
Blackout
8:30 ~ 1:00 AM
Almost 8:30pm na nung sumakay kami ng train. Nagjojowk pa nga ako na stop muna ang operations for one hour. Siksikan pa rin ang train kahit past rush hour na. Hindi man lang nila pinatay ang ilaw sa loob ng train, sayang ang kapaan moments. Masisilip mo sa labas na maraming nakapatay na ilaw along Taft. Pagdating sa Edsa Stn, lumakad na kami sa walkway to MRT Blue Line Taft Stn. Nakapatay ang mga ilaw sa station kaya nakakatakot baka gumulong ka sa hagdan pababa.
Sumakay na lang kami ng jeep papuntang MOA. Malapit sa MOA eh may nagko-concert sa labas for Earth hour. Binabalak ko pa naman sana jumoin sa cause nito kaso eto nasa galaan ako. (Anyways di naman ako ganun kasure ang tamang pagjoin, di ko binasa ang rules. Alam ko lang papatayin ang ilaw. Ok lang naman siguro nakaopen yung electric fan di ba? Mainit ngayong panahon ng El Niño eh.)
Nakita ko pa classmate kong si Roseann na last seen sa school nung bumisita kami for Graduation '08. Kelangan ko pa sya habulin kasi dedma mode pala sya dahil akala nya di sya yung tinatawag. Kasama nya ang jowang si Vince, ang sweet na sila pa rin til now. Parang di sya nagbago... payat na long hair at may glasses. Pero sabi nya sakin mukha daw akong pumayat. Malamang malabo pa rin talaga ang mata nya, di talaga sya nagbago.
Tumambay kami malapit sa bay area. Paikot ikot ang mga motorized trolly something na sinasakyan ng mga katatauhan. Although madilim sa mall area, shining shimmering naman sa fountain area dahil pagkalalaki ng spotlight nila plus may search light pa silang ginagamit. May concert concertan pa don sa stage pero ang nakakaloka may pag-iinsert na mga recipes in between songs yung host kung makapag-accent naman eh nakakastress. Umuwi din kaagad si Albert kasi date spot pala ito ng ex nya. By 9:30 nga nagresume na ang liwanag sa mall, parang di ko man lang nafeel ang spirit ng Earth sa MoA.
Naglakad lakad pa kami kung san kami nonomo. Ayaw kasi ni Kuya Noi sa Padi's Point kasi ampanget ng live band doon na parang bumibijowke lang. Nagsettle down kami sa Giligan's pero may queue pa bago makaupo. Mabuti naman at umabot kami bago ang first set nung live band. I forgot the name of the live band. Umorder na sila Kuya Noi ng Superdry at kilawing tangigue. Sila Mac at Alex naman umorder ng Cerveza Negra. Nakailang rounds na ng song di pa rin dumating yung order nila Mac, yun pala out of stock. Di pa sinabi nung una kaya naki Superdry na lang din sila. Di na ako uminom kasi ayoko malasing. May dalang book ng Lefty si Mac na ginawang sketchpad. Alam ko iniisketch nya ako pero dedma kunwari, galaw galaw para ma-out of focus sya. Sa kaboringan eh inilabas ni Yanyan ang baong lollipop (not just any kind eto yung umiilaw) at pinakitaan pa nya kami ng hidden talent sa pagsa-suck. Sana hidden na lang sya kalurkey.
Ok naman yung performance ng band, pero mostly RnB ang forte nila. Yung nasa guitars at male vocals nila eh parang kahawig ni Apl ng BEP. Merong isang birthday celebrater named Joanne ata na pinagjam singing No Ordinary Love. Mas maganda ang performance nya kesa sa female vocals ng band dahil kayang kaya bumirit ni teh. Si Kuya Noi nga gusto rin makijam sana pero naunahan na syang iperform ang song na Collide ni Howie Day.
Nag-uwian kami bandang ala una ng madaling araw. Nagcab na sila Kuya Noi habang kami naman eh nagbus lang. Dahil tama lang ang lamig sa aircon, sa matinding pagod, at sa pagharana ni Kuya Germs sa tv eh nagsitulog ang mga tao sa bus. Nagising ako malapit na sa Guadalupe buti na lang bago pa lumampas ng baba. Sa bahay di pa talaga natulog at nagpuyat pa hanggang alas sais. Pagdating ng tanghaling tapat, naramdaman ko na ang init. Pumatay ang electric fan. Brownout! Shett! Punishment ito ni Gaea sa mga di nakikijoin sa Earth Hour.
Moral of the Story: Wag masyado magkaka-kain ng froglegs, nakakataas sya ng echozera levels sa bloodstream. And learn to conserve our resources. Go planet and world peace!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)