Sabado, Marso 6, 2010

Mahjongg

Photo by lawrenceleejr at Flickr.






Last Day Feelingan
February 26, 2010


Last day na sa work ni Elvin matapos ang dalawang taon pagpapa-alipin sa imperyalistang demonyo. Naggreet slash wallpost pa nga ako sa profile nya baka maalala nya akong ilibre ng ramen sa last day. And again, "Happy, happy, happy last day sayo ang pulutan, sayo ang inumin, sana'y mabusog mo kami."


Elvin: Manchan* just hugged me! Ambango nya at ako mabaho.

Jeremy: Alam mo yan. Malansa ka teh!



Elvin: Hindi naman, amoy pawis lang. Cheh ka!
 
Jeremy: Tapos ano ginawa nyo?

Elvin: Nakatalikod ako. Biniro lang sya nung officemate ko at ginwa naman nya. Well, lagi naman syang game sa mga biruan eh. Leche!

 Jeremy: Laro nga ng habulan gahasa kayo.
 
Elvin: Pwede rin. Hay nako. Kung alam mo lang kung gano ako naguguluhan.


Jeremy: Focus lang katapat nyan. Sige meditate ka muna. Bibigyan kita ng oras... five, four, three, two, two and a half, two and one fourth, one, one, zero. Ok time's up. Ano naguguluhan ka pa?

Elvin: Cheh! Feeling ko sinasagot nya mga status line ko pota. Feelingera lang ako?!?

Jeremy: Yung, "para kang puzzle na nakakalito" yan di ba? Ano sagot nya jan?
 
Elvin: Wala
 
Jeremy: Kasi pati sya nalito.
 
Elvin: Cheh! Kanina niyaya ko sya mag-nomo sa status. Lumapit dito at tinatanong kelan daw kami mag-iinom.
 
Jeremy: Kasi last day mo kaya tinanong nya. Assuming ka talaga.

Elvin: Eh tapos meron syang, "thanks for the memories." Ayyy, ako kaya yun? Pota.

Jeremy: Meron ba kayong pinagsamahan? Parang wala naman.

Elvin: Well, we call each other 'Boss.'
 
Jeremy: Kelan mo sasabihin, "I love you Boss!"


Elvin: Don't know, cause I won't.

Jeremy: Why not?

Elvin: Hindi naman talaga. Gusto ko lang sya. Dumadrama tuloy buhay ko. Ayoko maging kagaya ni Jude.
 
Jeremy: Korek! Bitter sa buhay.


Elvin: Hindi yun... I mean, bukod dun.
 
Jeremy: Utangero? choz

Elvin: Hindi! Yung, yung... manhid manhidan. Hays

Jeremy: Bakit kelangan mo maging manhid?

Elvin: Hindi ko choice. Pero after nung relationship na yun. Ahays. Alam mo yun?

Jeremy: Ano daw? Ako na ang nalito.
 
Elvin: I mean nadala ako dun sa relasyon na yun, you know. Natakot. Naaligaga. Nachorva. Gumaganun?!

Jeremy: Ang lalim naman ng naaligaga at nachorva. Why not try again? Ibang tao naman this time dabah. Go lang kung go.

Elvin: Yun na nga eh. Ayoko maging kagaya nya. Naisip ko kase, ganun yung nangyare sa kanya mula nung nagbreak sila nung boylet nya dati. Hays

Jeremy: Parehas ba kayo? Nakamove on ka naman di ba?

Elvin: Well, move on kung move on. Pero iba na talaga eh. Iba ako ngayon at nung bago ko sya nakilala. Noong panahon na nag-uumapaw ang pagmamahal sa puso ko.

Jeremy: Eh ngayon? May pagmamahal pa ba sa puso mo?


Elvin: E-W-A-N... syempre meron. Tulog.


Jeremy: Parang mantika lang yan, ilagay mo sa konting init ng magising ang natutulog na puso. Ayyy ewan.
 
Elvin: Ewan ko nga ba, kung kelan maraming apoy... ay apoy nga ba?


Jeremy: Baka naman spark lang yan? Lagyan mo ng kerosene.

Elvin: Spark?! Errr! Don't want to use the word anymore. Kumita na.


Jeremy: Sakin uso pa rin ang spark. Kasi sayo artificial. Pinilit. Ayan tuloy...


Elvin: Artificial?!? Buong langit na nag-umispark!


Jeremy: Kelangan between sa inyong dalawa nanggaling ang spark, hindi sya galing sa fireworks o kidlat.
 
Elvin: Seryoso ampota.
 
Jeremy: Naniniwala ako don. Kung may initial attraction, initial spark or initial whatever, mas madali gumawa ng chemical reaction. Watcha think madlang people?

Elvin: Wait lang, hulaan mo background song namin.

Jeremy: I can name that tune in 46 notes! Di ko marinig eh.


Elvin: This Guys in Love with You Pare


Jeremy: Now's your chance! Suming and dance number ka na sabay tambling split!

Elvin: Umalis na sya sa kalagitnaan ng kanta.

Jeremy: Di nya kinaya... baka in love na kasi sya sayo?! Manchan's in love with you Mare. Choz!
 
Elvin: Pota kase ang kukulit ng officemate ko. Alam mo yun, sakay lang sya ng sakay na hindi ko na alam kung seryoso ba sya o hindi.
 
Jeremy: Eh di sumakay ka rin. Sa SuperPare talagang trip kita! Sakay na!

Elvin: Pwede ring wala lang talaga sa kanya. Playful lang talaga ang pota. Syet! Hirap nya basahin.


Jeremy: Ikaw na ang dyslexic!

Elvin: Dyspepsic?

Jeremy: Kinakabag ka ba?

Elvin: Hindi, sounds alike lang talaga. Para syang mahjongg  na di ko mabasa ang nakasulat.


Jeremy: Baka nahihirapan ka lang talaga basahin sya kasi nga may kabag ka at puro guri guri at piksurs lang ang nakikita mo sa sulat. Di ba sabi ko sayo imotilium mo na yan teh.
 
Elvin: Ayaw! Ayaw ko syang mawala!

Jeremy: Hay nako, wala ka na magagawa kundi iflush ito.

Elvin: Tapos kay Yohji** na lang ako? Mas malinaw dun.


Jeremy: Cheh ka! Ayheychu ebur!


Elvin: Pero iba talaga sila ni Manchan eh.


Jeremy: Eh di go ka kay Manchan akin si Yohji.

Elvin: Eh di go! Di ko naman pinagdadamut ah. Eh pabusilak ka kase.


Jeremy: Cheh. Hindi naman nya ako kilala noh.


Elvin: Pakilala ka.


Jeremy: Baka ma-Hu U pa ako.


__________
__________
*Ang bagong crazz ni Elvin, sa isip, sa salita at sa gawa.
** Ang bagong crazz ko, sa profile lang ha. Somehow nahuhumaling sya kay Elvin.
Siguro naman di ko na kelangan iexplain na ex ni Elvin si Jude kasi ramdam pa ang bitterness ohh.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips