Turning Japanese
February 27, 2010
Biglang nagyaya ang Elvin na gumora kami sa MOA. May Nihongo Festival daw at kelangan umistreet fashion ka, azz in Japan Japan eh pang Quiapo street fashion lang ang kaya ko with the grasa and torn shirt ensemble. Napilit rin ako after mapapayag ko maglibre ng ramen. Pero no naman ako sa pagjajacket ng patong patong. So go na lang ako with fade glasses para kumosplay ng Watanuki pero fail.
Nagbus na lang ako sa EDSA para di nahassle sa transfer ng ride. Ang problema nga lang sira yung aircon dun sa naupuan ko. Full blast ang blizzard dahil sira yung cover. Eh di na ako makalipat kasi may ibang tao na sa ibang seats at di ko bet makichair sa ibang passengers. So tiniis ko na lang for 45 minutes or so. Ang di ko lang matiis eh yung umi-english sa likod ng seat ko na call cenner wannabe ata. Kung nakakanose bleed na eh pwede naman magtagalog, di naman nakakadagdag sa beauty ang masyadong pagpapaimpress kung wala naman to begin with.
Pagdating sa MOA, nag-abang pa ako sa arcade dahil nauna pa ako sa Elvin. Nagtext din 10 minutes later. Kasama na nya ang ex ex-officemates, azz in same na silang nakalaya sa dating pinagsisilbihan. Tapos na pala ang costume-an contest kasi galing na doon ang ex ex-officemates nya at nanalo na yung friend nila ng ticket for one sa Japan. Ang sad lang noh. Naawa ako sa kanya. Sana ibigay na lang nya sakin yung ticket para ako na lang ang magiging sad mag-isa para sa kanya. Concerned ako.
Yoshinoya
As promised, pinilit ko syang ilibre ako ng ramen. Ginalugad namin ang kakalsadahan ng MOA para maghanap ng Rai Rai Ken, pero fail kami dahil nalost na lang sya na parang bula or talagang nirerenovate lang. Kung may palengke lang na malapit eh baka inaya ko na lang si Elvin na mag-mami na lang kami. Pero nakita namin ang Yoshinoya kaya dun na lang kami gumora.
Pagpasok sa loob, first question dun sa kuyang crew kung may ramen ba sila, nagsuggest kagad ng set meals. Either nabibingi si kuya or shunga lang syang tunay. Well pumili na ng maoorder si El ng kung anu-ano pero bugso na rin ng kadahilanang may dugong beki sya eh mejo natagalan din sa pagpili, choisy tayo teh pangatawanan mo yan. Mejo humahaba na pala ang pila sa likod namin kaya nasindak na lang sa multiple choice. Wala na nga kaming ramen pero ok na rin. Parang may two orders kami ng beef something, one order ng tempura, isang miso soup with lumotish seaweeds, red at green tea parang pasko lang, one order ng spicy shumai, tatlong order ng rice, at isang red gelatinous substance. Infernezz okay naman ang presentation at taste, at at least hindi NFA ang rice nila thank God.
Shonen Knife
After noon eh tumambling na kami sa bayside para hanapin ang concert daw. Maraming lumalive bands don pero parang kinakapos ng rasyon ng Enervon sila. Sa may bandang fountain pala ang J-rock band at yun nga ang Shonen Knife. Late 90s to early 00s ko pa sila huling nasilayan via MTV Asia. Yung mga Japanatics nasa gitna ng stage nakapwesto at may harang na railings talaga sila. Kaming mga simpleng tao sa gilid ng stage lang nakatunganga. Maraming nakikiusyosong madlang people pero nagwo-walkout din after a while kasi di na sila makarelate sa mga "Korean" songs daw. Like duh, pampasikip lang ang hindi nakakagets. So desu ne.
Composed ang group ng three girls: Naoko on lead guitar and vocals, Ritsuko on base, at Etsuko on drums. May pagyu-uniform na naganap kasi they were all dressed up in outfits na Piet Mondrian art style ayon kay El. Remember, meron silang Powerpuff Girls music vid dati? Heniweys, first time lang daw nila sa Pinas dumalaw. At yung mga pinagkakanta nila eh all related sa food: Banana Chips, Barbecue Party, at Sushi Bar among others. Kahit di naman karelate relate yung lyrics, although slightly ginutom uli ako, eh powerful pa rin ang performance dahil na rin sa drum powers ni teh. Clap clap clap! May encore pa sila na nakipagjammingan ang Pedicab na super cool sana, although kinda autistic ang participation ng mga pinoy.
San Miguel at the Bay
After ng japaneseness eh nag-ikot-ikot pa kami sa area. Meron pala dong mini activity for the kiddies, sort of large bubble balls sa pool. Imagine sa hamster lang to ginagawa dati, ngayon pwede ka nang magshopping at magbingo at the same time iiwanan mo ang mga teletubbies nyo to play. Ewan ko lang kung nag-eenjoy talaga sila sa pinaggagawa nila ha. Parang ako ang nahihirapan para sa kanila habang pinapanood na nadadapa sila sa loob ng bubble at tutumba in strange positions. Parang syang experiment, at ang mga batang ito ang test subjects. Ang nakakatakot eh wala akong makitang butas sa bubble, possible ka ba magsuffocate sa carbon dioxide? Tinutulak pa ng mga bantay yung mga bubble kapag nacomatose na ang isang bubble. Sadistic lang masyado noh?
More ikot pa kami sa bayside. May mga dume-dateness na dumadaan daan, or assuming lang ako at wish ko lang di kami mapagkamalang nagdedate ni Elvin. Tinext ko ang Derek na makikipagmeet supposedly sa Malur with JD and Kris pero no text at no show dahil lasheng na pala. May wishing star pa ako nalalaman yun pala iinjanin din ako. Kainis!
Akala ko pa naman may PyroMusical that time pero Sundays lang pala sya at kelangan mo ng tumataginting na 100 paysows para sa general admission lang. Di ko tuloy natesting ang epekto ng fireworks sa buhay at pag-ibig ng Elvin, baka biglang umappear out of the blue ang Manchan o Yohji nya at poof instant jowa why not. Nagkwentuhang kaemoterohan na lang kami ni El muna. Actually, binalak pa naming i-raid si Yohji sa work nya na di namin ganun kasure saan exactly kasi ayaw nya aminin eh pero balak
MRT ang gustong mode of transpo ni Elvin dahil pinaparanoid sya sa bus. Meron daw syang ex-officemate na naputulan ng isang daliri dahil sumabit daw sa mga railings ng bus. Naconvince ko naman na di mangyayari yun sa amin kung uma-Anlene ka naman ng maayos. Isang ordinary bus lang ang nasakyan namin. Pagdating sa Guadalupe may sumakay na isang lasheng at isang crushie. Di ko tuloy naibuhos ang aking atensyon kay crushie kasi naman si manong lasheng eh kung anu anong stunts ang ginagawa, at may pagharang pa sa pinto. Nakakatense baka mahulog sya sa bus! Bumaba ng Boni si crushie at gusto ko na rin sana sumunod baka nga sya na si Jaiho pero iniwan nya rin akong walang paalam. Ok lang dahil nakamove on na ako after 2 seconds.
Starry Starlet Nite
February 28, 2010
Mag-aalas dose na ako nakarating ng Cubao. Si Elvin eh umuwi na, jan lang naman sya bandang Aurora. Gusto ko sana isama pero mukhang di na nya kaya. Nagkita kami ni Son sa KFC at nagdinner muna sya. Talamak na talaga ang mga beki dito dahil bawat table may representation. Then tambling to Starlites.
Starlites
Nag-abang kami sa labas ng door. Labas masok ang mga beki, akala mo kuma-catwalk. May wafu, maskulado, maganda, ganda gandahan, dilimgenic, at raging diva. May mga pechay din at lulu, mga ligaw na kaluluwa no doubt. May single detached, may duplex, may compound, at may squatter din ang style ng pagrampa ng mga tao. Tinetext na namin si Jomz para sunduin kami sa labas. Wala palang signal kapag pumasok ka sa loob kaya sa labas na lang talaga kami nag-abang. After 10 minutes pa nagreply si Jomz na kumain pala sa Jabee at wala rin daw signal don, parang Bermuda Triangle lang ang Cubao skeyri. Kasama nya si Sherwin lang dahil si Yanyan na akala ko eh gogora doon eh absent dahil nagtitipid na daw.
Jumoin na kami sa GEB ng group ni Jhong. May disclaimer pa nung una na mga bi daw sila doon, so expect kami ng discreetan moments. Pagpasok namin sa room, halos maubo ako sa kapal ng usok sa mga sigarilyo at sa taas ng concentration ng paminta sa atmosphere, pamintang pinung pino, durog na durog. May bumibirit pa ng Alicia Keys. Ten minutes lang ang itinagal namin sa loob ng room. Nagpaalam din kaagad kami kay Jhong.
May nagtext, si Ino nasa Starbucks daw with Luis at Miko. Naexcite naman si Jomz dahil ever present ang GABBY at BINOE ng buhay nya, feeling SHAWIE lang. Jowktime lang pala nya ang Jomz dahil wala si Miko. At ang Ino may karay karay na boylet na nagngangalang Rico. May pag-iinnerview pa si Jomz sa agawerang Rico. Apparently, nagkakilala sila sa gym, nagkatitigan lang daw tapos boom. Ang tagal namin magdecide kung san pupunta. Gusto sana namin ni Son sa may Katips dahil sa inuman na may cheap na bucket ng Tanduay Ice at Kropek. Pero gusto nila Jomz bumijowke kasi magsoshowdown pa sila ni Rico. More than twenty times yata kami nagtatanungan ng "So san tayo?" Dinala ko na lang sila sa fevorit kong tambayan with P5.
Satellite
Satellite ang KTV bar sa tapat lang ng Starlites. Same lang din ang konsepto nito sa katapat, may VIP rooms na kada hora ang charge at bumabrownout pag nag time up, may cheap lang na beer, at may
Enter room kaagad para magsimula na ng song number. Sinimulan ni Rico ng isang makabagbag damdaming Pangarap ko ay Ibigan Ka at ilang konteserang song pieces. Si Herson kumanta ng national anthem nyang Heart of Mine at pati yung anthem kong Before I Let You Go eh pinatulan na din. Ako naman pasweet na pop songs lang ang tinira including my current
Speaking of banyo queen, hindi masyado jumijingle ang mga kasama ko dahil may shock factor pa sila sa CR. Sa loob ng cubicle may aurahan, laplapan, at meron ding sukahan blues. Minsan dun mismo sa may urinals nagaganap ang lahat ng yan. Buti na lang praktisado ko na ang breathing through the mouth kaya survivor na ako.
Nakadalawang buckets lang kami, half half ng SanMig at RedHorse. Nakatatlong platito ng mani, sandamakmak na yelo at tissue, at nakatatlong oras sa bijowke. Maya't maya eh magto-toast kami ni Herson at ibottomless ang sarap ang drama. Kaya ayun tinamaan ako ng bongga, ayun ending feeling ko tawa ako nang tawa.
Morning Star
Nagjabee pa kami after ng lahat ng yon. Malakas pa ang tama naming lahat at sa di maipaliwanag na pangyayari eh nag-uusap kaming lahat in English, with accent! British Britishan kami. Nagtatanungan kami ng breakfast ng biglang humirit si Son ng "I think I'll have a bloody cowfee." Ok na sana sumabit lang sa coffee. Di ako kagad nahimasmasan kakatawa jan at kinokorek pa sya ni Sher sa Visayan accent nya. Maya maya ako na ang nakorekted by ni Sher kasi mali na rin ang accent ko. Parang halong Australian or New Zealand yata. Ano ba ang adjective for New Zealand?
Matapos kumain eh nagsplit split na kami. Nauna sila Ino at Rico, malamang checheck-in pa sa motmot, this is Cubao what can you expect. Halos kasabay pa namin natapos yung GEB ng clan ni Jhong, umuwi sila going to Pasig. Sila Jomz naman nagcab going to Katipunan.
Hindi pa kami umuwi ni Son kasi nagbonding pa kami sa boarding house nila sa may bandang PhilCoA. Sayang nga lang at sikat na ang araw kasi nababalitang maraming milagro daw ang nagaganap doon sa spot nila pagkagat ng dilim. Gusto ko rin sana matry yung ganon, turning water into vodka para more nomo ulit choz. Pinakilala nya sakin ang star ng household nila, si Tifa na isang cute doggie. Hindi ko sure kung terrier or shih tzuh sya, pwede naman igoogle dabah.
Umuwi ako bandang alas siete ng umaga. Nagngangalit si haring araw, timeslot na ng bidang kontrabida sa lahat ng bituin. With all the ultraviolet rays plus el niño effects, di na ito nakakadagdag ng ganda. Di naman maiibsan ng lycopene ang skin cancer dabah?!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento