Huwebes, Pebrero 25, 2010

Dabbarkads

Photo by Rushing Mania at Flickr.


I Love DABBA!

January, 2009


May humeheadline na isang member ng FSR, si Ian lumipat ng house after maakyat bahay sa dating house nila. Natangay lang naman eh dalawang laptop at marinated adobo sa ref nila. Since then eh naghanap na sila ng bagong malilipatan. At iyon nga ang DABBA, isang subdivision sa border ng Pasig at Cainta, sa may bandang St. Joseph sa Ever Ortigas. Acronym sya ng limang subdivision sa areang yaon: Damiana, Andrea, Bridgestone, Bautista, at Amada. Mejo nakakairita nga lang ang name ng streets doon: Paraluman, Bathaluman, Dream Flower, Maja, Intimate, at Marwood. Nakakastress lalo na yang Intimate kasi meron jan nakasabay namin maglakad na rampadorang kuya. As in naka sando at fit na pants pero take note: lumuluwa ang diaper sa likod ng pants. Lafftrip. Di naman yata diaper yun talaga pero mukha kasing made of plastic material yung suot nyang brief.

Dumadalas na ang pagmi-meet up namin sa DABBA. Akswali part ng bahay ang pinarentahan sa kanila, yung second floor. Two bedroom, one bath, may kitchen, at may dalawang balcony areas na ginawang dirty kitchen slash laundry area at smoking section. Kasama sa house ang kapatid ni Ian na si Sheen, at ang friend nya na si Ivan.

First na dalaw namin sa DABBA eh seven kami. Biglang may pagkokonek na naganap sa Capital sins, at dahil jan si Ian ay Pride dahil sya ay may yabang factor kung makaposing sa piksurs, si Red ay Anger dahil sa bilis ng tumaas ng temper level akala mo laging nireregla, si Macoi ay Lust dahil sa libog factor (iphone in question nyo ang Bus episodes), si Rai ay Gluttony dahil sa taglay nyan healthiness (pakidecode), si Alex ay Sloth dahil petix mode sa work, si Herson ay Greed dahil wala nang ibang natira para sa kanya, at sa akin ay Envy dahil wala lang inggitera daw ako. Mga cheh kayo, ako pa ngayon mga bwisett kayo.

Yung subsequent cast namin eh in rotation kasi di lahat available all the time. Nagkaron tuloy ng Wednesday group: ang laging on call kapag goraan na sa Dabba. Ako ever present kasi tambay mode. Yung iba eh si Seth na may talent sa cooking infernezz; si Herson na umaattend para magreview kunwari tapos maglalasing lang at vovolume na to the max; si Yanyan na modelera sa catwalk at pinakagurl sa grupo; si Mike na super quietness pero pumapasta cooking yan; si Macoi na gigil sa controller (sabbatical nung umakyat sa Baguio); si Rai na absenero madalas kasi busy sa jowa sa Cavite; si Yuls na pinapabantay sarado ng jowang si Harty; si Levi na halos umabsent sa classes para lang umattend; si Waga na designated tanggero at quizmaster; si Moj na kapag nalalasing eh bulol na sa kakaenglish pwede naman magtagalog; plus one ang jowa ni Moj na si Caster. Ang mga fumafollowup naman sa day 2 pamorninang special after ng shift nila aka Thursday group ay sina: Ef na isang tambling lang sa may Ever umuuwi at minsan nang napuri ni Yanyan na ganda lang ang taglay kasi semplang sa lahat ng Q&A portion na sanhi ng matinding puyat; Jomz na chikkadora ng bayan (spell /land-day/) pero magaling yan mag-advice ha; at Popoi na mortal na kaokrayan ni Ef.

Mga sumunod na visits namin eh dumadalas ang nomohan. Madalas samahan ito ng kung anu anong pakulo tulad ng open forums, debates, party games, mowdeling, at kung anu ano pa. Pinakamabentang activity namin eh nung dalhin ni Seth yung PS3 nya, hala walang katapusang Tekken galore. Nagkaroon ng kampihan at nahati ang madlang people sa supporters ni Lili at Alisa. (see Queen of Ironfist Tournament) May kaakibat din yong PSP para sa mga gustong magpractice muna bago sumalang sa tekkenan.

Minsan na rin namin tinira ang tequila. Nagkaubusan pa nga ng lemon eh kaya pati kalamansi eh tinira na namin. Nung tumataas na ang tama ng mga tao eh biglang may-I-suggest na body shots na daw. Nung una sa leeg lang, umabot na sa pusod, nipples, at lips, kulang na lang sa tonsils. Di man lang daw nila nafeel pag ako ang bumabody shot, di ko alam if that's a good thing or not. Meron pa si Macoi nalalamang reverse body shot na gamit na gamit ang maseselang parte ng katawan. Imagine! After maubos ng tequila we always come back to The BaR Apple Vodka, parang tubig na nga sa kanila yun eh. Ako madalas tamaan kaya umiiwas na after ng ilang ikot, ayoko naman maging instant suka factory.


Isa sa mga pausong game ni Waga eh ang Ducky Fuzz - Fuzzy Duck. Ang rule ng game eh ipasa sa katabi mo ang mensahe: kapag sa left say 'ducky fuzz' at kapag sa right say 'fuzzy duck.' Pwede kang lumingon sa pagpapasahan mo o pwede ring hindi para additional challenge. Kelangan mo lang ng good listening skills at alert na pag-iisip dahil may 3 seconds lang para ipasa mo yung message. Bawal din mabulol gaya ng 'duzzy fuck' na favorite banggitin pag nalilito na sa pasahan. Additional penalty namin eh every 3 mistakes kelangan ka magstrip ng top, next three yung bottom naman (damit ang tinutukoy ko, excite ka jan?! cheh) pero di na namin pinag-full monty kasi yung next 3 mistakes mo eh dapat gagawa ka na ng isang task. Malas nga lang di kami umabot sa ganong factor. At reigning champion kami ni Ef kasi ni isang mali eh wala pa.

Kapag naubos na talaga lahat ng pwedeng gawin, nanjan ang DVD player. Indie film kung indie film na walang puknat. Nanjan natry namin ang Kurap ni Sherwin, Walang Kwenta este Walang Kawala ni Polo Ravales, Shelter na di namin natapos kasi tumalon yung cd, Roxxxane na about sex videos minus Hayden at Mahal, Formula 17 na Taiwanese film na nakakarelate ako ng sobra, at Hanggang Dito na lang po Maraming Salamat na ayoko sana panoorin at pamatay sa haba ng title pero naisalba sya ni Jon Santos. I'm doing a review of those films maybe later, azz in super super later. Etong ngang entry na to eh long overdue na.

Dahil na rin sa kakapunta namin doon eh naging close namin ang housemate na si Ivan. Nung una eh di namin alam kung ano ba talaga sya. Pero dahil na rin sa masusing pag-iistalk, I mean pagreresearch ko thru FB eh naconfirm kong beki rin sya. Unti unti na rin syang nagkekwento samin. Fan sya ni Mariah Carey at ng mga rampahan sa beaucons at sa interior designing ng kwarto nya. Oh dabah kung di pa gumagana ang gaydar mo nyan eh dapat siguro ilipat mo na sa pagpapaayos from Raon to Malate. Kung may mas makati pa sa higad, siguro si Ivan na yon, everytime na pupunta kami don eh may iba't ibang lalaki na dinadala sa kwarto nya.

Pati bday nya eh sinugod namin. Kaso nga lang andun din ang mga streyt friends nya kaya kelangan pa magchoreo yung iba samin to satisfy the bday diva. Nung umalis na yung strictly streyt friends nya eh ayun bumongga na ang nomohan. Except lang may naiwan na fumifeeling close na bisita, EX pala ni Ivan. Kung makapagmura naman eh bulaklak lang daw ng dila nya. Gupitin ko kaya yan, yah know kelangan ng trimming minsan ng garden lalo na kung puro damong ligaw na ang tumutubo. Am I fuzzy duck?

As of now, mejo lie low muna kami kakapunta sa Dabba. Di namin naituloy na mapatalsik sila Ian sa house nila. Pero welcome naman daw kami bumisita don anytime.

ALWAYS OPEN: DABBA





____________________
Disclaimer: This entry has no connection with The BaR or its manufacturer nor do I promote the said product, ano ako tindero? Nomo lang go kung bet mo! (nainggit sa pagpopostscript ni Jowein, pacopy teh)

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips