Photo by Ken at Multiply.
P5 Episode 6: EK
December 26, 2009
Pagkatapos na pagkatapos ng pasko eh nag-assemble kagad ang magaling na Ezra ng isang get together ng P5 para sa Episode 6 ng aming monthly installment ng meetup whatever. Si Pau na matagal nang nawalay samin eh ininvite namin sya kahit labag sa aming kalooban. Nagfile pa talaga siya ng leave para sa Sabado. At excited din ang tae kasi first time ever nyang makakaalis sa Cavite after ng ilang buwang pagpapakatulong.
Ang usapan magkikita eh sa MRT Magallanes Stn bandang alas onse. After 11:30 pa dumating ang Ezz at Ken. Ang promotor na si Lee eh kakagising lang, at kapag tinext mo eh everytime mo nag-iiba ang lokasyon, estimated time of arrival, at traffic updates ha. Nagbus na kami para diretsong Alabang na. Kasama din dapat si Jan kaso nagkaron ng away sa jowa nya sila Ezz days before kaya hindi na sya pinayagang sumama.
Pinag-antay kami ng Lee at Pau sa Metropolis Mall. Wala pa kaming almusal kaya kumain muna kami sa McDo, at sa may tabi ng glass partition kami pumwesto para makasight naman sa labas. Very wrong move, very very wrong! Malay ko bang nasa sentro pala kami ng chakka mall. Azz in, halos lahat ng taong dumadaan aesthetically deficient. Siguro noong panahong nag-announce na si God na mag-eevolve na ang mga tao eh nasa loob sila ng kuweba at natutulog, nanonood ng Wowowee o naghaharvest. Mabibilang mo lang talaga ang cute, akswali isa lang ata at may kasama syang either nanay or matronix lover nya. The rest ng cute eh nasa loob ng McDo looking out choz. Pero in all honesty talaga, kung panget kami, ano na sila? Sana sa Alabang Town Center na lang kami tumambay, rampahan daw don ng mga cute at the rest ng homo sapiens.
Mag-aalas dos na nang dumating ang Lee at kasabay si Pau. Lagi na lang silang sabay dumating, feeling namin eh nag-stop over pa sila sa lahat ng Sogo along EDSA. Sa wakas makakaalis na rin kami sa Metropolis. Crossover kami sa kabilang side sa may sakayan ng mga bus. Tinawag kami ng isang barker manong na may alam daw na ride straight to EK. Sumunod naman kami, pagsilip dun sa mga tao sa loob ng van eh walang tiwala sila Lee sa mga tao, mukha daw silang skeri people. Nagdahilan na lang kami na may susunduin pang isang tao sabay run away. Gusto pala ng Lee na magtaxi kaya sya na ang pinagastos namin ng pangtaxi. Umaarte pa kasi sya eh. Six hundred paysows tuloy ang worth ng kaartehan nya. Pasalamat na lang at natawaran ng menos singkwenta.
Enchanted Kingdom
Bandang alas kwatro kami nakarating ng EK. Pagdating don sobrang haba pa ng pila, dalawa pa at magkabilang direksyon ang patutunguhan. Nag-aadvice na yung mga staff na after mo daw makapasok eh meron pang two hours waiting time sa rides. Dedma. Papasok kami at magrarides go! Before five nakapasok din kami. Five hundred ang entrance, while nakatipid ang Pau dahil sa kapal ng mukhang gumamit ng student ID. Ang difference lang naman eh ang color orange band sa wrist at ang dignidad sa pagsasabi ng katotohanan. See pic above, yung failed attempt naming magvolt in ng perfect star, si Pau lang yung walang orange band. Magtitiwala ka ba ever sa ganyang kamay?!
Trip trip lang eh bumili pa kami ng mga Merlin mage hats. Kulay purple ito na may golden stars design. Nagkataon nga naman eh lahat kami nakasuot ng black shirt plus shorts kaya parang yumu-uniform lang ang get up namin. Kapag nasa mga pilahan lang eh alam na kagad na magkakasama yung limang beki.
First ride naming pinilahan eh yung sa Anchors Aweigh. Maliwanag pa ang kalangitan nung pumila kami. Nakapagmeryenda na kami, di pa rin nakakausad ang pila. Nagkodakan na kami at inistorbo yung nasa harap at likod namin para magshot, di pa rin nakakaandar ng malayo. Dumilim na ang kalangitan wala pa rin. Mejo naexcite kami nung dumating na kami sa may mga railings. Premature pala ang excitement dahil mala-NSO ang pila na zumizigzag sa inner sanctum ng Anchors Aweigh waiting area.
Habang papalapit kami sa front ng line eh tuloy ang landian at kodakan. Bakit kaya ang dami dami ng mga taong pumipila dito. Karamihan naman tili lang nang tili sa takot, eh di sana di na lang sila sumakay di ba?! Nakakadagdag lang sila sa pampasikip sa pila. Nagtimer ako para malaman kung gano katagal ang isasakay mo compared sa ipinila mo: two minutes, more or less, madalas less. Two minutes over two hours ay less than two percent pa sa oras na itinanga mo kakaantay lang. Nung time na namin eh balak sana namin sa may pinakacenter pumwesto pero may nauna nang magjowa dun. Sa back row naman eh may tropa na rin na pumwesto. So dun kami sa second to the last. Pinagkasya kaming lima sa row na yun, although normally four lang ang capacity non. Nagsimula na magswing ng mabagal, unti unting nagpipickup ng speed. Tiningnan ko ang Ezz, shock galore. Makikita mo sana ang takot sa mukha nya pero busy ako ienjoy ang pagsiswing. Masarap nga itaas ang kamay habang pababa ang swing mula sa apex. Di ko na binilang kung ilang swing ang inabot namin pero more than two minutes kami inabot, which is worth it sa taas ng exciteability levelling. Gusto ko pa sana pero di ako pipila ng dalawang oras ulit. Next!
Next ride ang Flying Fiesta. Mas maikli ng dalawang oras ang pila nito. Masarap ang feeling ng nakasabit ka, at gusto ko pa sana higher ang inclination ko kaso baka sumabit na ako sa katabi kaya better play safe na lang. Next na mahabang pila eh ang Rio Grande Rapids, mejo matagal kasi parang the boat is sinking ang bet nila at group yourself into eight maximum. Since five na kami eh di na kami isiniksik sa iba, at wala rin jumoin sa amin. Pinapahubad sa amin yung mga Merlin hats namin pero kami na ang matigas ang ulo. Pinakamalas ang side nila Pau at Lee dahil sila ang nasa harap kaya sinasalpok ng alon. Ako na sana ang maswerte dahil di inaabot ng tubig pero malas nga lang natapat ako sa fountain. Ang ending wet look kaming lahat, ligwak ang uniform at nagchange outfit time na. Dapat hinuli namin ang flying fiesta para magpatuyo.
Another very very long line ang Wheel of Fate. Mala-NSO pa rin ang pila dito pero di masyadong nababantayan kasi maraming sumisingit sa pila. Sa sobrang haba eh nakapagchikkahan pa kami nila Lee at Pau ng tungkol sa mga SEBs nila. Nung pasakay na kami sa gondola eh nagsplit kami sa dalawa. Kasama ko ang matatakuting si Pau na sa sobrang skerdiness eh pinapaikot nya lagi yung gondola namin. Ang tunay na nakakashock eh nung itinuro nya samin kung ano ang nagkakapit sa amin sa kabuuan ng ferris wheel, glue stick! Pramiss, mukhang nakaglue stick lang or some kind of waxy substance sa bakal yung gondola namin. Iniiwasan ko na nga ang masyadong paggalaw para di umikot ang ride namin pero ang lecheng Pau ikot ng ikot.
Last ride namin as a group supposedly ang rialto, pero ang Lee biglang nakitang kakatapos lang irepair ang Space Shuttle kaya inaya si Ken. Silang dalawa lang ang sumakay kasi ayaw namin nila Ezz bumaligtad ang sikmura, at duwag lang talaga si Pau. Habang pumipila sila doon eh tumakas naman kami para magride sa Rialto. Maikli lang ang pila ng rialto kasi nagcutoff na para sa last batch for the day. Ang showing eh Speed Racer, na ang panget panget ever dahil di naman swak yung animation sa movement. Puro vibrate lang at unexpected twists ang ginawa nila sa upuan. Nanakit lang ang katawan ko sa rialto shett. Dahil mahaba pa ang pila ng space shuttle, inabot pa kami ng thirty to fourty five minutes na waiting time sa kanila. Nagawa pa naming manood dun sa music video maker na may head swap chorva complete with green wall. Kaloka lang gusto sana nila iendeavour ang 2NE1.
Food
Bandang hapon nakapagmeryenda pa kami ng hotdogs. Malakas talaga maka-attract ang bagong ihaw na hotdog. Ang bango bango... ang laki laki... ang pula pula... ang sarap sarap ng bulak... hotdog pala. Naglalagay sila ng secret ingredient dun pampaadik kaya maraming nahuhook. Di kaya magic sarap?
Nung dinner time eh plano sana naming kumain ng rice in a box. Sa haba ng ipinila namin eh sasabihin din pala na out of stock na sila. Uminit pa tuloy ang ulo ni Ken. Sumugod na lang kami sa may food court area. Habang nagbarjer lang sila Ezz, di ko kinayang walang rice kaya gumora ako sa Karate Kid, na parang cheaper version ng Tokyo Tokyo, na para namang fastfood version ng Japanese cuisine. Hindi ganun kasarap ang food nila dahil hindi tumatak sa tastebud at memory ko, nagkataon lang talaga na gutom ako at andun sila. Sabi nga nila, ang pinakamapaklang, mapait o tasteless na pagkain makakain mo kapag gutom. Kaya naimbento ang skyflakes at vetsin. [Citation Needed]
Nakishare lang kami ng table sa food court, buti na lang mabait si ate at pumayag sya. May nagpeperform na live band sa stage. Since pasko naman eh may pagka-carolling na nagaganap kaso mejo out of tune ata si ate songer. Si kuya songer naman puro pacute lang onstage.
The magic stays with you
Past twelve na kami nakaalis sa EK. Dalawang trike muna palabas sa main road, at isa pang jeep papuntang sakayan ng bus to Manila. Yung bus na nasakyan namin eh ordinary lang pero grabe naman makalipad sa kakalsadahan. Buti na lang di na ako umidlip dahil pasado ala una lang nasa Boni na ako.
Mejo nakakapagod pero masaya. Kung pwede lang ulitin, go ako basta minus the waiting galore. Gusto ko ng isa pang anchors aweigh. I love et, I'm flying, I'm flying, I'm flying... repeat to fade. Habang umeecho pa ang inner Nancy Downs sa akin, wish ko lang nakakapagtime-space warp ako at irereset ko three months back para naman di masyado delayed ang pagkakacompose nitong blog entry na to.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento