Miyerkules, Pebrero 10, 2010

Wett lang

Photo by Return of the Pras at Flickr.



February 10, 2010



After ng ilang araw na pagkaburo sa bahay eh lumabas ako today dahil scheduled ako for innerview sa isang call cenner slash BPO na may greater than sign. (uyyy baka nalito ka pa sa less than at greater than ha) Scheduled ako for 10am pero dahil malapit lang ako eh nagpalate pa talaga ako. Galing galing di ba. So feeling ko kaunti lang naman siguro ang applicants doon ngayon, pero no. Sandamakmak sila.

Pinaakyat ako sa fourteenth floor. Bako pumasok eh mega-inspect pa si manong Gardo ng reyshumey. Josko akala ko tyanggian ang pinuntahan ko sa dami ng tao. Pagkatapos magfillup ng logbook pinaupo ako. Konti lang naman ang nag-aapply ng accounting position pero kedami ng katauhan ngayon for agent position, one day hiring process yata sila ngayon.

Di ko mapigilang magmasid. Kapag nag-aapply ako sa corporate HR ng ibang firms eh sobrang strict sa formal formal attire pero dito go ang mga tao kahit casual wear lang. Meron ngang isang applicant na ateng na nakashirt at cycling shorts lang, akala ko nga bibili lang sya sa ukay ukay ng used panty. Ang mga girls parang papartyness at nagpapalakihan ng fake LV bags. Ang mga boys nakajaporms almost bordering callboyism, well magiging callboy naman talaga sila pag nahire sila dabah on a different context yah know.

Mag-iisang oras ata ako nakaupo doon. Yung mga seats nila parang sa station ng bus, or sa airport para mejo sosyal naman ang dating. Naalala ko tuloy kapag napapaupo ako sa mga government agencies. Yung bang naglalaro kayo ng musical chairs tapos pag ikaw na ang pupunta sa window eh tatangahin ka pa ng masungit na clerk.

After ng eternity, or otherwise known as one hour ng boringgerzi time, eh may nagtawag na ng names. Lapit naman sila. Di ko alam kung may exam pa or what. Pumasok sila sa isang lagusan, pero may malaking sign na EXIT na color green pa. Maya maya pa may lumabas na tatlo galing sa lagusan. Winner na siguro sila at go na kagad sa next process. Nawala na lang yung iba na pumasok sa lagusan. Di ko alam kung may slide sa exit door para di masyadong eskandalo na di sila pasado. At di ko rin alam kung paano ang screening process ha. Baka naglaro lang sila ng Hep Hep Hurray tapos ayun may 3 semi finalists na.

Nung tinawag na ako finally eh short innerview lang naman. Lalake yung HR na nag-accommodate sa akin. Well, I really don't know kasi mejo may na-smell lang ako. Yung last innerview ko din ganun din, pero mas type ko yun. hahah. Lagi na lang nila ako tinatanong kung meron ako other question after ng innerview nila sa akin. Next time kaya itry ko itanong sa kanila, "Are you single?" or "Top or Bottom?" baka maloka sila. Heniweys, inendorse na niya ako sa Head ng accounting for skills innerview. Ihahanda ko na nga ang buhay na manok, bubog, at alambre para maimpress sila.

Pero gudlak na lang sa akin kung mabasa nila ito bago ako mainnerview kasi kumoment na kagad ako dabah. Who knows noh! Kasama na ang social networks sa iniiscreen ng mga potential employers. Does that mean may pagka-stalker sila, or sadya lang talaga akong blogwhore para may-I-write pa neto?

Moral of the story: "Umupo ka na lang jan at manahimik kungdi papakainin talaga kita ng chalk." ~Mrs. B Grade 6 Science Teacher.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips