Martes, Pebrero 16, 2010

Ikot

  Photo by nix222 at Flickr.


UP Fair '10
February 14, 2010


Nagkayayaan ang ilang member ng Bored from pg4m na magwall climbing sa Market Market, headed by Eric daga. Ako naman eh go ako pero di ako aakyat, megawatch lang kami ni Ef. Sabado ng gabi habang ako'y bonggang bonggang naghihilik dahil sa pagpupuyat na walang puknat sa bertdeyan, eh pinagtetext pala ako ng Eric at kinoconfirm kung tuloy ang wall climbing kinabukasan. Nung magising ako bandang ala una ng madaling araw eh tumext back naman kaagad ako na go.

Ala una ng tanghali nagtext na si Ef na papunta na sya sa Market. Ako naman eh nananghalian pa lang kaya text ako na malelate ako ng 30 minutes. Tinext ko ulit ang Eric kung nasaan na sya at ayun nga may nagtext: "Sori lasing ako kagabi, di na ako nakaluwas kasi akala ko di tuloy, di ka kasi nagrereply." Aba ang mga walang hiya ako pa ang sinisi. Tinext ko si Ef na go pa rin ako, pero ang sabi naman nya eh di na daw tutuloy ang ibang members dahil kumakalat na ako daw ang dahilan kung bakit di natuloy. Ang mga Leche talaga ako pa ang sisihin.

Nahiya naman ako kay Ef na maagang nandon kaya tinext ko na lang sya na go na lang kami sa UP Fair dahil nandon din si Herson. Magkita na lang kami sa Guada. So ako naman lakad takbong bumaba sa Boni, akyat sa stairs ng MRT, tambling sa kabilang side, tapos pababa na naman, feeling ko nagmamarathon na rin ako. Naisip ko na malapit lapit lang naman ang Boni sa Guadalupe kaya tatakbuhin ko na lang total mahaba pa ang byahe from Market to Guada. Wrong move! Di magandang tahakin yon sa usok at nagngangalit na haring araw. Pagdating ko ng Guada eh haggardness na ako bumubula ang kili kili. Di pa kami nagkakitaan kaagad kasi lumafang pa sya habang ako eh nagkakandaduling na kakahanap sa kanya.

Kinontak namin si Herson na nasa Trinoma pa. Bumili na kami ng tickets, sa likod namin may sumingit na mama na buo ang pera eh nasa Exact Fare na pila sya kaya inaway sya ng cashier, inaway sya ng nakapila kasi sa pagsingit nya, at inaway sya ni Ef kasi wala daw lugar na "Aranita." First time ko manggaling ng Guada Stn. Yung first train mejo napuno kaagad, takot naman si Ef sumakay. Sayang ang siksikan factor, pero go intay kami ng next train. Sa may dulo may nasight si Ef na Kyaaa (elongate the "a" sound at pronounce it as if wearing breyshesh), kung umawtfit eh bago lahat: bagong shirt, pants, bag at shoes. Tinanong ko pano nya nalaman; mukha daw aaura, at type pala nya yung shoes ni kyaaa. Di gaanong puno ang train na nasakyan namin pero sa Quezon Ave na kami nakaupo, azz in umupo pa talaga kami eh isang estasyon na lang.

Pagdating sa Trinoma, umikot muna kami sa taas. Napansin namin may nakasetup na stage sa baba, Starstruck daw kasi andun daw si Douglas Nierras na kahit ipagduduro ni Ef eh di ko talaga mamukhaan kasi mukha lang syang blur sa akin. Naka-allblack sila at pumapractice. May pagsabit pa sa wires ang kanilang stunts pero di pa rin nila matatalbugan ang performance ni Pink sa Grammy's. Umakyat kami sa *Celio atzif bibili ng damit, pero hinahanap lang namin yung kyaaa don na hawig ni Ryan Agoncillo at ginagawang tagawalis at tagatupi lang ng mga ateng. Absent sya kaya ikot muna sa Marks & Spencers. Nagtatanong pa si Ef nung isang perfume pero wala na daw stock sabi ni ateng saleslady, eh meron nga daw sabi ni Ef. Nagmamaru pa sya sa ateng eh di sana sya na lang pumalit sa trabaho ni teh.  Bumaba na kami sa Globe para puntahan si Herson. Nagkasalisi pa dahil hinabol pala kami sa *Celio. After namin magkita kita eh nagtry muna si Herson baka bibili kami ng tickets sa fair, pero NO. Umikot muna kami sa Trinoma.

Biglang naisip ni Ef na pumunta ng SM North kasi di pa daw sya nakarating don. Si Herson naman nauna na para makarami ng benta sa UP. Ikot muna kami sa Sky Gardens, tapos pumasok na sa mall proper. Well, feeling ko lang ang sikip sikip ng SM na to or talagang overpopulated sya. Hinanap lang ni Ef yung Otto para hanapin yung natype-an nyang shoes. Nagpakuha pa ng stocks, not just one but two, para isukat yun pala sa sweldo pa sya bibili. Biglang kambyo naman kami papuntang Fruitas para bumili ng maiinom. Nag-Spring shake si Ef, ako naman Green Mango. Ako na ang nagmamaasim sa araw na to.

At last papunta na kami sa sakayan ng jeep to UP. Pero before that kelangan pala namin bunuin ang pinagtatrapikang overpass to Trinoma, kehaba ng pila akala ko lotto outlet lang. Pati sa pila mismo ng jeep humahaba na, kaunti na lang kasi yung jeep na papunta don. Dumating ang isa pero sakto ang cut-off sa amin, at least nakaupo kami sa pangarap naming monobloc. Sa gilid namin may nagsisweet-sweetan na nakakairita tingnan. Biglang enter stage right si ateng, dressed in full zebra stripe outfit, nakawala straight from Manila Zoo. Pramis, kulang na lang sya ng hooves. Buti na lang sa ibang jeep sya sumakay. After 30 minutes or so saka lang kami nakasakay.

Bumaba kami sa may Acad Oval. More lakad kami habang kasabay namin jumajogging ang katauhan. Karamihan go with the flow na counterclockwise ang ikot, may mangilan ilang salungat ang takbo. May nagba-bike. May tumatakbo ng solo. May tumatakbo in tag. May tumatakbo in teams. May tumatakbong nagdedate.
May tumatakbong naghahanap ng madedate.  May tumatakbong magjowa. Oo, yung dalawang kyaaa na magkasama, alam na kung sino ang bottom: yung mas makembot. May tumatakbong full outfit ng jogging pants. May tumatakbong nakasando lang at pumuputok ang maskels at sitaw. (see Ilocano)

Paglapit namin sa Sunken Garden eh biglang bumulaga samin tatlong UP students: "LOVE RAGE!!!" More power sila magbenta ng ticket pero lost sila sa mga barat. Malayo pa lang eh hinanap ko kung sino yung naka-allbrown eh malamang si Herson yun. At ayun nga lumapit kagad sya, nakilala daw nya ako sa malayo pa lang dahil daw sa lakad at posture ko. Shett ilang beses na ako nako-commentan ng ganyan; nababagabag ako is there something about how I move? Heniweys, kulang sa energy si Herson magbenta. May pailan ilang lumalapit samin para bentahan kami ng tix, pero binabara kagad ni Herson to the point na pagpababaan sila ng prices.

Bumaba kami para kumain ng isaw, ocho isang tuhog; kemahal eh piso lang samin yun. Buti na lang masarap yung suka nila. Hinugas namin yon sa isang baso ng buko juice, o ayon kay Herson eh BJ daw. Kung makaseduce naman sa BJ eh parang maniac lang. Umalis din sya eventually dahil may pasok sya sa ng 7:30 PM. Marami pang jeep at makakapili ka pero konti lang ang byaheng Katips. Kung yung byaheng IKOT eh around UP campus lang, pano yung TOKI, nakareverse lang si manong driver?! Choz. Nakisiksik lang ang Herson sa nag-iisang Katips na byaheng dumaan pero tuwang tuwa naman dahil wafu yung katabi nya sa jeep.

Tinext namin si Sherwin na pumunta. Habang nag-aabang eh may katabi kaming bata na bato ng bato nung parang frisbee or gulong or kung anu man yon na bilog na umiilaw na kulang na lang tamaan na lahat ng tao sa garden. Mabuti na lang sinira nung tatay nya yung laruan bago tuluyang makadecapitate ng tao yun. Heniweys, si Sher naman dumating ng bandang alas ocho. Pinag-effort pa namin sya pumunta eh wala naman kaming gagawin akswali. Para naman di sya maimbyernezz ng tuluyan eh nag-ikot na lang kami.

First stop eh makahanap ng CR; ikot sa mga buildings at dorms pero lahat locked. Nakiusap na lang syang makigamit ng mapanghing portalet dun sa concert grounds, with matching escort pa ni manong gardo. Tinahak namin ang kahabaan ng oval. Sa gilid gilid eh may mga nagtatago sa kubli ng anino ng mga kapunuan. Nakakastress ang kasweetan. Meron sa isang damuhang nagaganap na seance ata, may kandila pa talaga sila. Skeri sila pramis.

Nakahanap kami ng mauupuan sa may amphitheater. Konti lang ang umaabot na ilaw sa area na to kaya kitang kita ang mga bituin. Si Orion lang ang kilala ko, si Big Dipper di na masyado masight kaya di ko na malaman ang North choz. Umalis din si Ef before nine kasi alas diez ang pasok nya. Naiwan kami ni Sher, nag-isang ikot uli kami sa oval; nagkekwentuhan kung ano ang nakakapukaw ng aming interes. Habang ako eh kung ano ang nakikita ang mas nabibigyan ko ng pansin, siya naman eh kung ano ang nararamdaman o naiisip ng ibang tao ang bumabagabag sa kanya. Akswali downer si Sher, dahil di sya makahanap ng happiness eh hinahanap nya to sa ibang tao, and that's what makes him happy. Ang sad noh? Sa kakaikot namin sa oval eh napag-usapan namin pati religion at politics, na ayon sa iba eh taboo sa mga usapan dahil may matatapakang opinyon, paniniwala at pilosopiya. Pati F4 at si Paris Hilton somehow nadamay sa usapan.

Before eleven na kami umalis sa UP, kasagsagan ng mga concert-concertan sa garden. Puro byaheng Philcoa na lang ang mga jeep kaya nagtaxi na kami ni Sher. Yung nasakyan naming taxi eh mabait sana yung driver pero goodluck naman sa tulin nya magmaneho. Kumabog ang dibdib ko. Ibinaba ako ni Sher sa may bandang Katipunan/Araneta. Doon ako sumakay ng jeep to Cubao para habulin ang last trains ng MRT. Happy na sana akong naglalakad patungong MRT nang makita ko sa harapan magjowang beki na magkaholding hands in front of everyone to see. Josko! Di na ako tinantanan ngayong araw na to ng mga paalala at pahiwatig.

"HAPPY VALENTINES!" Masaya na kayo? "SINGLE AWARENESS DAY!" Aware na aware ako jan. "KUNG HEI FAT CHOI!" Nasaan ang ipinangakong swertee sa taong ito? Sabi ko na nga ba eh, dapat nagkulong na lang ako sa kwarto para lumamon ng tikoy the whole day. Ako na ang inaamag. (see pinapaamag ang tikoy nung iba bago iluto sa itlog) O kaya isa pang green mango shake. Ako na ang maasim.


Moral of the story: Mabuti pa ang biglaang lakad natutuloy, ang planado hindi. Click the link to become a fan please lang para maayos nyo ang buhay nyo.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips