Miyerkules, Nobyembre 11, 2009

Let it B



Photo by dadikyut at Flickr.



Byahe

October 17 10:00 PM


Sunday na naman at as usual walang pasok ang  Warren na as of now eh pangkatulong pa rin ang day off. Nagyaya sya biglang gumora para magnomo at magvideoke. Ang multiple choice eh sa Maru sa Jupiter o sa P1 sa Cubao. At dahil wala syang tiwalang mahahanap ko yung Maru eh sa Cubao na lang kami magkikita. Alas onse ang call time, mega-invite ko pa si Jay na malapit lang naman ng ilang tambling sa Cubao dahil Pasig lang naman sya pero wa reply, may booking ata.

So sakay na ako ng jeep mula sa amin, feeling ko naman maaga pa ako kasi pag nakasakay na ako ng MRT eh wala pang 20 minutes eh nasa Cubao na ako. Pag akyat ko sa MRT station eh wala na talagang tao, feeling ko lang pwede pa ko magMRT pero papalapit pa lang ako sa bilihan ng card eh ang sama na ng tingin ni kuya Gardo. So mejo kinabahan naman ako kaya nagdecide na lang na magbus, gabi na naman so siguro walang traffic why not di ba? Isa yung malaking pagkakamali.

Nakasakay ako ng bus kaagad, aircon na para di naman manigas ang hair ko sa breeze ng Maynila. May pinapanood silang DVD, si Criss Angel yata. Nagwo-walking on sunshine ang drama nya minus the sunshine plus the water at voila pwede mo nang iispluk "It's a miracle!" No father, it's coat saver daw ang salmong tugunan. Tugon po?! Yung mga audience clap clap powers talaga. Yung cameraman pa eh di ko malaman kung pinaglihi sa palitaw kasi dive tapos ahon ang drama. Tapos may-I-lapit pa si ateng Gloria landi na humabol kay kuya Criss. Lumusong sya sa tubig ang paa, tuhod, pati pusod yata ay nabasa, ngunit ang kanyang... di pa rin nababasa? Yan na siguro ang miracle. Pero heniweys di ko talaga sya pinanood noh, ok sana yung magic trick pero di kaya parang nilalapastangan nya ang Diyos sa ginawa nya. Well mukha namang adik adik na satanista si kuya kaya care bear ko naman sa kanya. Kids don't try this at home.

Matatapos na yata ang DVD napansin ko nasa Ortigas pa rin kami. Nakastop lahat ng bus sa area na yun. Maya maya bumaba si manong driver. Akala ko bibili lang ng yosi. Akalain mo ba nagdinner pa yata si kuya dun sa mga stands doon. Feeling ko nasa byahe ako pauwi ng probinsya. Inaantay ko na lang na may umakyat ng bus para mag-alok ng Buko Pie, Panutsa at Espasol. Mahigit trenta minuto siguro kami nakaburo doon.


Beer at Birit
October 17 12:00 AM


Syempre mejo nanghahaba na ang leeg ni Warren kakaantay sa akin. Buti na lang di sya masyadong matagal nag-antay, nagpalate sya daw kasi as usual ako ang late ng bongga. Akala ko nung una sa Starlites ang pupuntahan namin, di pala. Dun daw sa kabilang kalye, sa di masyadong dinudumog ng tao.

Starion ang name ng videokehan. Napaka-orig noh? Akswali parang magkatalikuran lang sila ng building ng Starlites sa tantya ko. Kaparehas din nya yung pinupuntahan naming videokehan nila Ezz sa tapat ng Starlites, ang name naman non Satellite. Parang star-studded lang ang mga videokehan sa Cubao noh?

Umorder na si Warren ng isang bucket ng Red Horse. Laging may libreng isang platitong mani yoon. Infernezz gustong gusto ko na ang roasted highland legumes-legumean nila, akswali Dingdong assorted nuts lang yata sya. Pwede na pag tyagaan noh, wag na masyado choozy, pantanggal umay din yan. Umorder pa kami ng Calamares at Mushrooms, pero pagbalik eh mushrooms na lang ang naretain sa order namin. Ayaw ni Kuya Kim ng ganyan. Ang dapat jan mag-Memoplus Gold si ateng.

So nagplay na ng song ang Warren. Aba josko mag-eemote yata dahil puro mga break up songs ang pinagpipili. Wala  akong balak mag-emote that night kaya ako rin kelangan ko talbugan ang drama nya. Ang pinagpipili naman eh pambirit. Since dalawa lang kami eh tigtatlo pala kami sa beer, eh ang tolerance ko pa naman eh hanggang dalawa lang. Ayy ang ending talagang bumibirit na, or nagpupumilit lang at least. Kahit pipiyok na ok lang, wala naman iba makakarinig eh. At nag-extend pa kami ng time, not just once, but two times! Imagine three hours nonstop singing to, tinalo pa ang concert ni Sarah Geronimo.


Bagsak
October 18 3:00 AM


Bangag talaga ako after ng singing part. Gusto pa sana ni Warren magbar pero wag na lang daw. Nagsuggest sya na magWensha kami, pero dahil bangag pa ako eh sabi nya ipahinga ko muna ang katawan ko, magpababa muna ng tama kumbaga. Lakad kami sa pinakamalapit na fast food. Ako pa talaga pinabili nya ng drinks. So ayun order ako ng Orange Juice kay Warren, tapos Rootbeer sakin. Nung lakad ako pabalik aba anong kaewanan at biglang nawalan ako ng balance. Tumapon bigla ang hawak kong tray. Tinitigan ko sandali ang natapong rootbeer, bet ko sana dilaan to sa sahig pero di pa ako ganun kalasheng. Iniwan ko na lang, buti at di tumapon yung orange juice. Pagbalik sa labas, umupo muna sandali. Mejo nahihimasmasan na ako ng konti. Kaya go na rin kami kagad sa Wensha.


Body Massage
October 18 4:00 AM


Third time ko na to mag-Wensha. Feeling ko nga nakakadala na to, nakakaadik kumbaga. Second time namin sa Timog. Kinabisado ko na rin ang steps. Bayad, hubad, twalya, shower. Paglabas sa shower di ko pa kaya lumublob sa jacuzzi. Sumandal muna ako sa pillar. Si Warren paswim swim here and there oh. Inaya nya ako lumublob na. Omg nakalimutan ko na kung gano nga pala kainit yung tubig, para lang naglalaga ng itlog. Di ko yata kayang magtagal doon ng apat na minuto, makakaluto talaga sya. Lipat kami sa cold jacuzzi, di sya masyadong cold, slight lang talaga. Mas narelax pa ako dun actually.

Pinapalabas sa cable that time ang Transformers, pero I doubt na yun ang pinapanood ng mga tao. Parang nagtitigan at nagpapakiramdaman ang mga tao. May isang majubis na pabalik balik, pampam lang si ateng. Skeyri sya. Whatever. Lumipat naman kami sa Steam room. Akswali nagpatagal ako dun. Di kinaya ni Warren kaya nauna syang lumabas. Di ko rin maintindihan bakit ba ako nagpapatagal doon, as if may tutunawin akong taba di ba? Pero at least nakatulong na rin sya magpa-evaporate ng amats. Next step eh nagtry uli kami sa Sauna. Di sya ganun kainit di tulad sa Pasay na parang binabarbecue yung mga taong nasa loob ng sauna. Walang ibang tao pumapasok dun maliban sa amin. Isang dahilan siguro eh dahil see-through sya kaya mahirap umaura ng patago. Ayy icompare mo talaga sa steam room, box office yun infernezz. Nagkaroon tuloy kami ng chance na okrayin si Chabelitang pampam. Sana lang soundproof din ang sauna di ba? After nyan, showers uli at go na kami sa Massage Area.

Pagdating sa taas eh maraming taong nag-aantay. May waiting list pala. Occupied pa daw kasi yung ibang rooms. Nagpalista na si Warren for two, male pa rin pinili nyang masahista. Waiting galore muna kami sa dining area, may mga taong nag-aabang din don, nakapila, natutulog. Buti nga di naglalaway eh. Nung tinawag na kami eh magkahiwalay pala ang room namin. Pagpasok ko dun sa room ko may apat na beds doon, occupied yung dalawa, yung isa sira yata or may surot kasi di ginagamit. Kaya naman pala may waiting list eh ginawa ba namang boarding house ang Wensha?!

Ok lang at relaxed naman ako dahil mejo alam ko na ang isasagot sa mga Q&A ng masahista. First question anong oil daw, mineral go! Second question hard daw ba, ok go pa rin. Nagstart na, dapa muna, sa bandang legs going up. Syempre na-enjoy ko yung lower back. Sori naman at mabilis manakit yung part na yan sa kakaupo whole day. Maya maya pinatihaya na ako, buti this time napipigilan ko na ang kiliti ko. Feeling fresh at smooth na naman ako nang matapos ang massage session.

Pagkatapos ng lahat eh nagtalukbong muna ako at nakijoin sa tulugan. Ilang sandali lang may kumakalabit sa akin. Akala ko may round two ang massage, or may gusto bumooking. Dinaanan pala ako ni Warren, nagpapaalam na magpapa-pedicure muna. Nang bumalik sya, pinagmamadali nya akong bumangon. Sikat na sikat na ang araw daw, at naririnig ko na ang mga jeep sa background. Mejo natakot naman kami na mag-over sa time kasi mejo mahal yata ang excess time. Nagbreakfast lang kami sandali, since wala pang ibang food ok na rin yung fried rice at menudo yata. Uwian time na.



~0~



Kapag bored, uminom.
Kapag lasing, bumirit.
Kapag bangag, magrelax.
Kapag inaantok, matulog.

Kung ganyan lang kadali ang buhay, di ka na malilito kung ano ang next step, go lang kung go. Pero kaya ka nga binigyan ng brain para magpasya kung ano ang tama at dapat mong gawin. At syempre binigyan ka rin ng heart para magpasya kung masaya ka ba sa gagawin mo. Tamang pagbabalanse lang yan at poof isang magandang life para sayo ang wish ko friend. Whisper words of wisdom, let it be.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips