Pain in my heart
November, 2009 - 2012?
I'm scared yah know. Ilang sleep deprived na mga gabi ang nagdaan, una dahil sa Tootsie Guevarra moments (yah know, di makatulog sa gabi sa kaiisip...) at ang ilan eh dahil sa paglalagalag sa mga nomohan with friends sa kalakhang Maynila, from QC to Metrowalk. Maswerte na ang makatatlong oras. Feeling ko rin nagiging mahihiluhin ako lately. At dahil jan nararamdaman ko ang paulit ulit na acid reflux. Well, nung una akala ko nasusuka lang ako sa kakainom. Pero kanina kanina lang pinilit ko ilabas yung nasa dibdib ko. At sa sobrang shock ko, ayun sya. Drops of blood, sa may lababo. Kinabahan ako. Matagal ko na rin nararamdaman na may angina ako, akala ko lang dahil sa kakainom ng carbonated drinks kaya may heart burn. Pero ito mejo seryoso na yata. I'm scared.
Aabot pa ba ako upang makita ang 2012? Hindi yung movie kasi nawatch ko na yun at gagawan ko ng review pramiss. I mean yung year na 2012, kung saan si Ate Glo ay magkakaroon ng sarili nyang talkshow sa NBN 4 titled "Gloprah", at si Charice Pempengco ang itatanghal na American Idol. Nasa hula yan ni Nostradamus, igoogle nyo. Speaking of hula, hinulaan ako ni Bangs sa palm, sabi nya putol daw ang Life line ko, that means di ako pwede mag-ask a friend or ask the audience? Pero ang available lang talaga eh ang 50/50 na sure na sure na! At iconsistent daw sya dahil sa right palm ko eh tumuloy naman ang life line. Nagkaroon lang talaga ng skip sa life line sa left palm, kaya ang interpret sa akin naman ni Jomz eh mabubuhay daw uli ako ohh. That is so Merryweather noh, doncha think? Comatose lang ako for a hundred years hanggang may kumiss sakin why not, goodluck na lang sa morning breath. Pero scared pa rin ako.
Scared ako, nasabi ko na ba? Di ako nag-eemote, serious na to pramiss. I'm scared. At first I was afraid, I was petrified... nung una talaga I'm scared that I'm about to lose one person, but now I'm scared I might lose everyone. I love y'all. (Bumi-Britney mode lang.) Mahaba pa ang 2012, I wanna outlive December 21. I need to change my priorities ata. hahah. Skerd ako talaga.
So much time, and so little to do. Strike that, reverse it.
~Willy Wonka, Charlie and the Chocolate Factory
~Willy Wonka, Charlie and the Chocolate Factory
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento