October 23, 2009
Locations:
Greenbelt Fountain Area
Landmark Foodcourt
Glorietta Timezone
Starbucks
Nagbonding bonding together uli kami nila Lei, Fitz at DM. Ito yung isa sa mga hindi drawing moment ng kitakitz namin. Meet up kami sa fountain area. Nagkagutuman kaya gora kami sa KFC at itry ang halloween bucket meal nila. Nung magkapilian ng tumbler eh ako ang last straw. Good luck naman di ba? Sakin yung orange, and it's sooooooooo not my color. Orange is so unflattering. ahahah. Buti kung purple sana. Well anyways, orange is symbol for Halloween naman eh yah know, with all the kalabasa and all.
Heniweys, nagtransfer bigla kami sa Time Zone para magsong number. At dahil isa ako sa mas mashupal ang fezz magsing sa kanila eh sinimulan ko na, Alone kaagad. Eh ang topak ng mic, walang battery. Transfer uli kami sa smaller booth. Swipe uli ng Alone. Pansin ko lang di pala magandang pangfirst number yon, its so anticlimatic. Dapat sya kinakanta kapag bangag na sa beer preferrably Red Horse why not di ba. Nagpatuloy ang aming rotation ng songs, sila Lei kumakanta ng mga pasweet na songs, si Fitz pang emote, at si DM parandom random lang. Ako lang ang bumibirit daw, although nasabihan na ako na crooner ako. Walang basagan ng trip ha, belt kung belt go!
Last stop eh chikkahan sa Starbux. At dahil parang adik lang na maremember namin tong moment na to eh nagpiksur taking pa kami with our blended drinks. Para lang kaming mga virgin sa starbux, that so jologs nga daw pero carebear namin don. I had the Strawberry and Cream again, sweet sya pero maasim. Like me, pasweet pero nagmamaasim. Nyahahah
Ang ending hatinggabi na pero gusto pa nila tumambay sa may Greenbelt. Eh di na ako sumama kasi ano naman makikita ko dun kundi mga pokpoks lurking around?! hahah. Saka may lakad pa ako para sa bonding moments with FSR ng madaling araw, for the sake of chikkahan din at pa-emohan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento