...In Translation
October 24, 2009
Alas dos ng tanghali nakatanggap ako ng text mula kay Herson na nagyayaya pumunta sa bahay ni Red (somewhere in Djose) para daw sa Movie Marathon slash Pre-birthday celeb at alas siete hanggang alas ocho ang assembly sa may Gateway. Mejo alangan ako kasi plano ko sana pumunta ng Market Market para panoorin yung "Dinig ko Sana" na film with Noi kaso di ko naman knows pano pumunta don, saka di pa magconfirm sila Macoi at Ian kung kasama ba sila. So ang ending napasama ako sa Djose. Muntik pa ako malate dating kasi naman nalampasan ko na pala sila Herson eh di rin pala ako nakitang dumaan sa fez nila. Ang ending alas ocho rin kami nakaalis ng Gateway, ETA sa Djose alas nueve. Pagdating doon, more lakad kami then tambling paakyat sa house ni Red.
Sinimulan ang gabi sa kainan, syempre may pasta at two types ng sauce. May garlic toast bread din. Meron din adobong pusit ata at bopis, akswali di ko na maalala yung food basta lamon lang ako dito at doon. After nun, binuksan na ang TV at sinimulan ang movie marathon. Showing sa HBO ang "The Sweetest Thing" ni ateng Cameron Diaz na favorite scene ko eh yung "I Don't Wanna Miss a Thing" concert with Selma Blair. Palipat lipat ng channel si Jomz at napuntahan namin bigla ang "The Eye" ni ateng Jessica Alba. Lumipat uli. At isa pa. Hanggang sa nahilo na kami at nanood na lang ng DVD. First round ang "Ratatouille," surprisingly eh di pa sya napanood ng karamihan sa group. Napanood ko na sya pero nahook ako kasi binabasa ko yung subtitles. Pagkatapos noon sinimulan ang "Hero" ni Jet Lee, special participation pa dun si Vicky Belo, oo pramiss hanapin nyo! Nahirapan naman ako sundan nito kasi in Chinese sya so kelangan ko talaga basahin yung subtitles, eh ang kaso ambilis ng mga martial arts so struggle ito. Di namin natapos yun biglang sinalang na namin ang midnight film na "Pink Flamingos" ni John Waters. Sa sobrang powerful ng film eh kelangan ko sya gawan ng separate blog entry. Tumatatak sya sa totoo lang.
Later eh napagtripan naming maglaro ng charades. Ang talo sa bawat turn eh magshashot ng tequila. Ang first round theme eh Movies. Nanalo kami dito kasi winner si Jomz mag-act out, at maswerte naman akong nakakahula kaagad. Winner yung charade charadean school of acting nya ng versus sa Kramer vs Kramer. Round two theme eh "mga bagay na nakikita sa loob ng bahay." Nalost kami kasi ba naman may di kami nahulaang bagay, at iyon ang Filipino-Arabic-English Dictionary. Well fine nakikita sya sa loob ng bahay, if and only if binili sya at ginagamit sya di ba, pero kahit magpasurvey ka sa milyon milyong Pilipino eh super mega minority for all seasons malamang ang nagmamay-ari nito. Heniweys, ang closest hula namin doon eh Personal Islamic Diary, why not di ba? Sa round three Movies uli at nalost na talaga kami. Inact out uli ni Jomz yung same action nya sa word na versus, yun pala Spartacus yun cheh.
Mag-uumaga na at napansin namin ang dalang Tarot Cards ni Jade. Kinumbinsi naming magpahula sa kanya. Step 1, magbigay ng isang tanong sa kung anong aspeto ng buhay ang nais mabasa ang kapalaran. Step 2, ibalasa ang deck ng apat na beses, patok sa mga sugarol to pramis. Step 3, bumunot ng tatlong baraha. Step 4, hipan ang baraha at itanong sa audience, "Is this your card?" Choz. Scratch that. Step 4, hintayin si Jade para magtranslate. Step 5, maari kang humingi kay Jomz nang literal hula mula sa pictures ng Tarot, mas amuzing to infernezz. Nauna si Herson na isa daw La Traidora. Sumunod si Macoi na dapat daw mag-Medical course kesa Theater. Si Jomz naman eh dapat igrab ang Career chance pero lost sa Romance for one year. Si Red eh napaka-complicated ng case, parang madaming crossroads, at every choice may sacrifice. Parang isang real life Jumanji board lang minus the magic at excessive drum beats. Si Jon ang bukod tanging di nagpahula. Para sa akin naman mejo ok naman ang basa. Para sa Career aspect, nagmamaganda daw ako. Meaning, nagpapahabol ako sa career offers kasi daw feeling ko ako ang mas pipiliin. Hmm... slightly true. Sa Romance aspect naman, nabunot ko King of Swords ata, The Sun, at The Heirophant tapos may Five of Swords pa. Maganda sana ang takbo relationship-wise kung di lang daw ako masyadong protective at nag-ooveranalyze kung pano ito magwowork. Parang sa umpisa pa lang daw nasukat ko na kung paano ito tatakbo at magtatapos. Kaya ang ending Luz Valdez ako.
...In Space
November 3, 2009
Late na naman sa isang meeting ng FSR, humahangos akong patakbo patungong Cubao. Well di ko tinakbo mula Boni hanggang Cubao haller, syempre nagMRT ako pero late pa rin. Ayoko naman matinik nang malalim. Konek?! Heniweys, ang kitakits eh sa Coffee Bean Gateway. Pagdating ko doon nakaupo na sila. Greetingan portion muna at mabuti di ako ang pinakalate. Playing sa background ang songs ni Sarah Geronimo care of Araneta, na di ko malaman kung rehearsal ng concert na or super mega fan of all seasons yung DJ nila doon. Heniweys uli, busy busyhan ang mga tao na nagkukumpara ng kanilang reading sa zodiac. Ask ko san naman nila napulot yun ay meron daw palang nakaloop na vid sa monitor. No thanks kay ateng Zenaida Seva, ang basa sakin "Grab the opportunity when it present itself." Mejo lurkey pa ako kung anong opportunity naman to. Knock, knock hello?! Ayy baka naman namiss ko na kagad, di kaya? Siguro nung kumatok si opportunity wala ako, siguro tulog ako, siguro umalis ako, siguro naghaharvest ako sa FarmVille. Ayon nga kay Madam Zeny, "ang mga bituin ay nagsisilbing gabay lamang, wag masyadong seryosohin at wag mong gawing basehan sa pagtaya mo sa lotto please lang, eh di sana matagal na akong mayaman. Think about it?" Taray ni Madam noh?
Anyways, nagpatuloy ang meeting namin. May points of transferee all across Cubao pero nairaos naman kahit maraming moments ng kodakan, yosihan, landian, jowk jowkan, dramahan, debatehan, pati nosebleedan. Oo, aminin mo yan Herson, yung tax ay iba sa taxi, bangag ka na masyado sa Q&A portion.
Natapos ang meeting mag-aalas diyes. Since parehas naman kaming Mandaluyong ang uuwian ni Ian eh sumabay na ako sa kanya sa taxi. Bumaba kami sa may Edsa Central. Pinagwait pa nya ako kasi darating daw si Atho para makipagmeet sa kanya. Around 11:30 dumating si Atho at more kwento sya sa kanyang encounter sa supposed Christian group na sinalihan nyang based sa province nila. Parang inexorcize daw sya ng mga manang sa group nila, feeling nila eh parang may demonyong sumapi kay Atho kay daw sya naging beki. Full production ang mga lola, may good cop bad cop approach daw. Merong nagbabasag ng bote. Merong inuumpog ang ulo sa sahig. And ending binuhat sya sa ere daw, yung tipong napapanood mo sa Walang Tulugan with the Master Showman kumbaga. And ending don eh di na sya bumalik sa group na yon. Yung mga manang yata ang may sapi, ramdam ko lang.
At dahil paalis na si Ian para sa shift nya sa work, iniwan nya ako with Atho. Chika chika muna kami ni Atho. He's happy daw with his love life, ilang years na sila nung labidabs nyang 22 year old wafu at summa cum laude. Sabi nya sakin di daw nya type yon nung una. Kinda intimidating nga naman ang dating ni kuya kung iisipin. At first kasi eh naisip nya yung range ng age nila. He didn't even consider na itong jowa ngayon ang syang nagbibigay sa kanya ng wisdom sa mga advice na kaylangan nya. Parang natutunan lang daw nya mahalin. Tinanong nya ako kumusta ang lablayp ko at ako naman ayun coke pa rin. Sinabi tuloy nya sa akin na I shouldn't wait for someone that I love kung meron naman taong nagmamahal sayo. Should I grab the opportunity to love by being with someone that loves me? Parang di ko yata gusto yung ganun, yung pinipilit sakin yung isang bagay na di ko naman gusto ng buong buo. Siguro I need more power from God, sana mag Divine Intervention sya why not. Not really. Pag nagpepray ako, oo marunong ako nyan minsan, hinihiling ko lang clarity in my judgment para di masyadong mag-Spartacus si heart at mind.
...And Found
October 17, 2009
Naalala ko tuloy noong sale sa Mega, balak kong bumili ng pair ng white shoes. May nakita ako dati sa Salvatorre Mann na gusto kong pair pero out of stock na sya. May nag-iisang pair na white doon na slightly gusto ko lang dahil sa color pero yung style di ko masyadong gusto. Naisipan ko tuloy iwan muna at mag-ikot ikot para mabigyan ng time pag-isipang mabuti kung bibilhin ko talaga yun. Natatakot kasi akong mafrustrate na di ko nakuha yung gusto ko at nagsettle lang sa second choice. Pagbalik ko sa stand nya after one hour yata, wala na yung white pair. It's not meant to be naisip ko. So ang love parang sapatos? If it fits, wear it? Maaring oo, maaring hindi. Hindi naman tayong lahat pinanganak na Cinderella na swak ang shoesize lagi why not di ba? May ibang nagsusuot ng sapatos na pinapagkasya na lang, kahit masakit dahil sa sikip or kahit halos tumapon na dahil sa luwang. Kung sakaling makita mo man ang perfect pair mo, alagaan mo ito at ingatan at wag na wag mo hahayaang mabasag, if applicable lang ha, or masira.
~0~
Ayon pa sa pag-uusap namin ni Atho, wala naman taong perpekto, at wala ring perfect love. Minsan kasi sa pagkachoosy daw natin, nagseset tayo ng standards at nahihirapan na tayong makahanap ng taong aabot dito. At sa kadalasang ay ang taong hinahanap natin ay taong katulad ng sarili natin mismo. Siguro sa paghahanap sa bagay na ninanais natin ay tayo mismo ang naliligaw ng landas. Magsimula muna tayong hanapin ang ating sarili at sure akong makikita mo ang hinahanap mo. Kapag di mo makita, makikita mo! Parang nanay lang na may kasamang panlilisik ng mata yan why not.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento