Numbtastic
October, 2009
Ano ba tamang spelling ng nyan? Anaesthesia o anesthesia? Parang same lang. I'm sure yung iba maihahalo pa sa amnesia yung word. Pukpukin ko kaya kayo jan para matauhan kayo? Parang kasound din nya yung name na Anastasia, na stepsister dati ni Cinderella noong 1950 tapos nareincarnate na last survivor ng mga Romanov sa 1997 pero ibang story yun pramiss, kahit slight at pilit lang. Well ayon kay manang Merriam:
Main Entry: an·es·the·sia
Pronunciation: \ˌa-nəs-ˈthē-zhə\
Function: noun
Etymology: New Latin, from Greek anaisthēsia insensibility, from a- + aisthēsis perception, from aisthanesthai to perceive — more at audible
Date: circa 1721
: loss of sensation with or without loss of consciousness
~0~
Grade 2 siguro nung naging loose yung mga ngipin sa harap. Kailangan pa talaga sabay sila ehh. At dahil super mega skerd for all season ako eh kelangan talaga turukan ako ng anesthesia. Eh parang mas natakot ako sa karayom, pero after nun eh parang wala na ko nafeel, kahit yung takot eh nawala na din. Para lang ako nag-adik, at 8 year old lang ako nun ha! Di ko nga alam kung nakanganga ako o hindi, di ko na naramdaman pati bukas sara ng bibig ko.
Imagine ang mundong walang anaesthesia. Pano kung magpapaopera ka. Let's say nasa loob ka ng ER ng mahigit apat na oras tapos gising ka pa at feel na feel mo yung mga hiwa at tahi na ginagawa sayo. Iskeyri lang di ba? Kahit si Janggeum naglagay sya ng anesthetic dun sa first C-section nya ha sa very last episode. Siguro pinagtutusok lang nya ng karayom sa mga punto ng chorva at poof, manhid na si manang.
Sometime in March, naglalakad kami ni Diosa papuntang client via Magallanes nang biglang nagphone in question si ateng about sa friendly friend nya. Ang siste eh etong si friend ay matagal na nyang pinagtitiisan para lang mamaintain ang friendship nila. Ginawa na nya lahat para maplease si friend. Pero si friend naman eh parang binabalewala ang effort ni Diosa.
Jeremy: Bakit mo pa pinagtyatyagaan yan? Kita mo naman parang bubble ka lang sa kanya.
Diosa: Hindi ko pwedeng basta na lang itapon yun, she's my friend since second year college pa.
Jeremy: Eh kung friend ka nya dapat nag-eeffort din sya di ba? Bakit kaylangan sayo lang manggaling lahat ng effort? Kaylangan give and take ang friendship para magsucceed.
Diosa: Hayy. She texted the other day to wait for me sa Ayala para sabay kami umuwi.
Jeremy: Kaya pala kahit marami pa tayong pending eh nagmamadali ka na umalis?
Diosa: Sabi nya darating sya after 5 minutes. I waited. Naghintay pa ako ng 45 minutes.
Jeremy: Award ka friend! The lady in waiting ang drama.
Diosa: Nagtext sya ulit yesterday.
Jeremy: Honga hinila mo pa ako para may kasabay ka umalis ng office kahapon.
Diosa: Friend, nagalit sya kasi ang tagal ko daw dumating. Nauna na sya sumakay ng bus. Actually nagkita pa kami sa bus stop. Tinext ko sya na bumaba para sabay na kami sa next bus. Nagmamadali daw sya umuwi.
Jeremy: Oh ano teh, iniwan ka na lang sa ere ng walang text text. Asan na ang friendship dun? Asan ang katarungan?
Diosa: Ok lang friend.
Jeremy: No that's not ok!
Diosa: Feeling ko its in her personality na super sensitive lang sa mga bagay kaya sya ganon.
Jeremy: Alam mo ano tawag jan? Sensitive-insensitive. Feelings lang nya nararamdaman nya kasi puro sya pakabig. Kapag nakakasakit na sya ng iba eh wala na syang paki don basta satisfied lang nya needs nya. Why don't you try to let her go. Kapag real friend sya babalik yan ang magsosorry. Kung hindi, its ok. At least you don't have to put up with such a bitch. It's a win-win situation, trust me.
Diosa: I'll try friend.
~0~
May nagtanong na sa akin dati bakit daw ba mahirap magsabi sa taong gusto mo. Sa mga torpe, oo. Meron naman nasabihan mo na't lahat eh wala pa rin reaction. Manhid. May mga taong sadyang pinanganak na insensitive siguro. Mga linear lang ang view at wa na use ang peripheral vision. Laging sa harap nakadungaw at di na talaga nagpaka-look back ever. Nararamdaman lang nila ang sakit na ginagawa sa kanila ng mga taong pinatutunguhan nila. Hindi man lang lumilingon sa mga taong nasa likod lang, mga taong nagdaramdam din para naman sa kanya. Parang gusto ko tuloy mag-emote ng isang Jann Arden jan.
Oh you probably won't remember me
It's probably ancient history
I'm one of the chosen few
Who went ahead and fell for you
I'm out of vogue, I'm out of touch
I fell to fast, I feel to much
I thought that you might have
Some advice to give
On how to be insensitive.
~0~
Mabuti pa ang bato kahit daanan ng hangin di natitinag, kahit hampasin ng tubig nakatayo pa rin. Mabuti pa yata maging bato na matigas at walang pakiramdam, kesa maging putik na inaapakan at pinandidirihan. Pero ayokong matulad sa kanila. Mabuti pa ang isang Tinman na kahit walang nadaramang emosyon ay natutong maghanap ng puso.