April 8, 2009
photo by Adrian Energy at Flickr
Miyerkules ng gabi bago kami umalis ni Diosa sa client eh nagliligpit ligpitan na kami kasi megaparamdam na yung mga tao dun na overtime na daw kami. Megakatok ng sapatos at lapis na parang biglang nagflashback sa aking alaala yung unang vid ni ate Britney. Tapos nagdance number kami ni Diosa sa may gym at nung aktong mag-iisplit na sya eh saka ako natauhan na nagde-daydream na naman ako. Pero feel ko lang talaga eh gusto nila akong i-hit me baby one more time sa katagalan namin sa owpis nila.
Maya maya nung aktong isinukbit ko na yung bag eh biglang may nahulog na kulay itim sa mesa. Pagtingin ko eh nagulat ako. Yun palang pendant ng Nazareno na nabili ko pa ng di sinasadya dahil sa pagpupumilit ni aling manang nung one time na napadpad ako sa Carriedo para kumuha ng NBI Clearance. Hindi ko kagad sinuot to nun kasi feel ko naloko ako ni aling manang. Pero heniweyz after a year eh ginamit ko syang lucky charm kumbaga, at suot ko na to eversince... until nga mangyari ang insidenteng ito.
Di naman talaga ako magpapanic masyado kung di lang din OA ang Diosa. Sabi ba naman eh naputol lang daw yun ng basta ng di man lang nadidikit dun sa bag. Ano kaya yun?! Miracle?! Mga gawa ng kampon ni Lucifer?! Grabacious ha! So ayun nga nakiride naman ako, pero slight eh kinilabutan din ako, slight lang talaga. Kesyo bad omen daw yun.
So ayun nung naglalakad kami pabalik sa office, talagang ingat na ingat kami tumawid at baka masagi kami ng bus, taxi, kotse, o padyak. Tingin ko nga parang ilag na ilag si Diosa sakin at baka madamay ko daw sa kamalasan. OA na ha!
Nasa aktong naglilitanya sya ng mga dos and donts ng biglang nagring ang phone ko. Wag ko daw sagutin at baka masnatch-an daw ako, tapos gilitan ako sa leeg at pagsasaksakin ng tatlumpung beses, cha-chop chopin ang katawan ko at ihahagis daw sa Pasig River. Josko, nag-aadik manood ng SOCO ang babaeng to, sobrang namurder naman ako. Ang worry ko naman eh baka pagsinagot ko yung phone may magsasabi sakin ng: "You'll die after seven days! I mean the dead skin cells just after seven days after using Ponds pinkish white chorvaness..."
So pinickup ko na yung tawag. At surprising sa lahat ng surprising eh may phone patch ako from Derek from Chino Roces (ang layo noh), mga labinlimang tambling lang sa kinatatayuan ko. So kinamusta ko lang naman sya at sabi nya malapit nga lang daw sya, dun sa pinapasukan nyang hotel yata. Inaantay daw nya dumating ang boylet nya kaya nagtatawag lang sya. Hindi daw sya nakakatext kasi busy masyado, ako rin naman kasi wala akong load, eh sino ba itetext ko noh?! Kinamusta nya yung mga friends namin sa threads na nawipeout nang lahat. Kahit na mejo namizz ko sya eh di naman ako makabati masyado kasi nga within hearing distance pa ang Diosa at baka ichismis pa ako sa barangay.
Natapos yung tawag after 3 minutes at 1 second, chineck ko talaga sa timer ng phone. Ok naman at naalala pa nya ako, at kahit sampung piso lang eh napagaksayahan nya ako ng sandali. *kilig mode* Syempre happy naman ako dun sa lablayp nya at totally move on na ko dun. Kung ako tatanungin sa lablayp eh happy naman akong single noh. Wala pa yung taong hinahanap ko. Choozy ba masyado?! Heniweyz at least dito pa rin me sa mga naghahanap ng aliw, tulad nung friend ko kakabreak lang nila kaya mega tambling muna ako para lang walang mag-emo masyado sa kanila noh. Buti na lang at ambilis din magmove on nitong dalawang to.
Nakauwi naman ako ng buong buo, walang galos o pasa, at pagkatapos ay nakatulog ng matiwasay. Pagkagising nagdasal dasalan ng thanks at binuhay nyo pa ako. Hindi ako umalis ng bahay ng buong Huwebes at Byernes Santo. Nag-aabang pa rin baka may mga bad things lurking yah know. Nung magsawa na ako eh inistop ko na kakaplay ng morbid scenes sa utak ko. Maayos pa naman ang takbo ng kautakan ko for now yah know.
Hindi naman pala ganun kamalas ang araw ko. Hindi mo naman pwede sisihing laging nag-iistrike ang swerte sayo kaya ganyan ang mga pangyayaring bumabalot sa buhay mo at kaya nagkakandaleche ka ngayon. Walang swerte at malas, tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran, at sumusunod lang ang mundo sa ikot. Wala rin namang masama kung tumingin ka sa mga signs yah know, kung makakabuti ba ito sa pagpapasya natin kung san ang mas angkop na daan para sundan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento