Huwebes, Abril 9, 2009

Fezzbook


Lets fezz it
April, 2009


photo by Liesje at Flickr


Nakadekwat ako ng isang supot ng mangga sa pinsan ko na pinamili pa daw para dun sa ate nyang buntis buntisan. Nasa panahon pala yun ngayon, yung mga buntis, hindi yung mangga noh. Yung classmate ko nung highschool buntis, lima sa kapitbahay namin buntis kasama yung aso at pusa, yung katulong ng ate ng pinsan ng officemate ko buntis. Shocking lang at parang Village of the Damned ang drama. Iskeyri dabah. Heniweyz biglang tambling si ate Marya sa harap ng gate habang parang namimilipit ang mukha ko sa asim ng manggang binabad sa bagoong.


Maricel: Samahan mo ko lumarga mamaya at may booking ako sa Lets Face It dahil tingnan mo naman at tinadtad ng pimple ang pagmumukha ko.

Jeremy: May Fezzbook ka? Meganoooon?!

Maricel: Yes may ganun at dahil dyan close na tayo. Anoneh sumama ka na!

Jeremy:
Alam mo ba yung pinsan ng friend ko nagwowork dun sa Lets Fezz It na yan sa may Mega yata.

Maricel:
Cynthia?

Jeremy: Weird naman kung kakilala mo rin sya noh.

Maricel:
Malay mo.Meron lagi gumagawa ng mukha ko dun.

Jeremy: Parang constru lang itu! Heniweyz si Ate Ydol yung sinasabi ko. Baka kilala mo nga noh

Maricel: Ayy iba yung name nun. Nakalimutan ko na pero di Ydol yun.Hmm... kasi yung gumagawa ng aking fezz eh nanganak last year so di ako nakapagpaderma.

Jeremy: Kelangan talaga sa kanya ka lang magpapagalaw noh. Choozy mo lang.

Maricel: Basta magaan kasi ang kamay nung ateng yun kaya dun kami nagpapaderma, saka makwento.

Jeremy: Nako yung chikkaness lang naman talaga ang habol mo weh. Parang mga labandera lang sa batis.

Maricel:
Tangertz! Sobrang dami ng pimples ko dati, azz in super covered with pimples ang fezz ko eh di ko nga maimagine na hinahalikan ni Don yung pisngi ko nun. Pero ngaun sa baba na lang. Kelangan ko talaga ng di masakit pumiga.

Jeremy: Piga talaga is da term. Parang meh pigsa lang. Yikes! Naalala ko tuloy yung kapitbahay namin nagpaderma. Grabe nangyari sa mukha nya.

Maricel:
Bakit?

Jeremy: Nagkabeke sya!

Maricel:
Whhhhhhaaaaaaaat??? Yikes naman yun.

Jeremy: Honga eh dami na nya pimples ngayon. Pero naalala ko nung Grade 3 nagkabeke sya. Grabeh noh.

Maricel: Dahil sa pimples?

Jeremy: Hindi. Wala lang konek. Naalala ko lang ngayon at sineshare ko sayo. Ayomo ba nun?

Maricel:
Cheh! Ayoko nga magkabeke noh! Di pa nga ako binubulutong eh. Ayoko ng mga ganun.

Jeremy: OMG! Dapat nung bata ka pa nagkabulutong. Ampanget pag matanda ka na nagkaron non.

Maricel:
Oo noh pero di ako magkabulutong.

Jeremy: Balita ko deadly yon habang tumatanda. Naalala ko yung isang kapitbahay ko namatay sa bulutong.

Maricel:
Taena naman. Ang panget na cause of death naman yun.

Jeremy: Nahulog kasi sya sa puno ng bayabas nung kumukuha sya ng panglanggas ng bulutong.

Maricel:
hahaha

Jeremy: Di ka ba naawa sa kapitbahay ko?

Maricel:
Hindi! Tanga sya eh!

Jeremy: Wala kang awa. Inuubos ko na sila isa isa.

Maricel:
Oo nga noh.

Jeremy: Di bale next time bongga na ang death scene.

Maricel:
Para ka lang yung teacher natin sa Health nung highschool.

Jeremy: Ano nga ba nangyari sa kanya?

Maricel:
Lahat ng kinuwento niya eh kaibigan ng kaibigan niya. Nakakatakot siya maging friend kasi yung friend ko magkakasakit pag naging friend ko siya gets?

Jeremy: Laging more than second degree ang kwentuhan noh.

Maricel:
Oo kaloka si mam noh.

Jeremy: Pwes wag i-frenster noh! Pag nalaman laman ko lang na nifrenster mo yang si mam magsolian na tayo ng kandila.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips