Linggo, Marso 29, 2009

Lights, Camera...

Walang komento:

Photo by mysunnysideup at Flickr.

Earth Hour?!
March 28, 2009


March 25, Wednesday
12am. Nagpuyat sa paggawa ng bank recon na di pa rin tapos til now kasi andaming ginawang ritual muna, chat, unyt confe, ehem, etc.
3am. Lights out.
10pm. Nagmamadaling maglakad sa kahabaan ng Paseo kasi naghahabol si Diosa ng last bus papuntang Maynila. Nadaanan ang marquee ng Insular promoting Earth Hour.


Diosa: Yan yung dapat magpatay kayo ng ilaw for one hour.

Athan: Sabagay malaki na ang kuryente sa bahay. Teka para san to?

Diosa: Parang vote mo yun against global warming. Bale Earth versus Global Warming daw ito. Nagstart ito nung 2007 sa Sydney. And has already taken place in New York, San Francisco, Paris...

Athan: Parang google ka teh! Teka kelan ba to?

Diosa: Sa Sunday yata, ay hindi pala. Bukas yata.


10pm. Tingin uli sa marquee, Saturday daw eh. Baka naman jinojowk lang ako ni Diosa.
11pm. pagkauwi lumamon, check mails.
12am. Lights out.


March 26, Thursday
10pm. Late na naman ang uwi pero kasabay namin ngayon si Gerald na naiinis kasi di makaporma daw kasi naman super fastforward ang inaasahan nyang long walks on the beach, or Paseo if applicable, and stuff yah know. Daan na naman sa Insular at meh ad pa rin ng Earth Hour. So ayon sa aming debate, Saturday nga talaga. Akala ko mali yung marquee eh, ipagrarally ko sana si Diosa sa Ayala.
Pagkauwi lumamon, check mails.
12am Lights out.



March 27, Friday
6pm. Maaga ako umalis ng office kasi nga meh miming sa Laguna.
7pm. Nasa Buendia na wala pa ang BSrecon Band headed by Mama Zen, leche late sila! Wori worihan pa naman ako na maligaw at mahuli sa byahe.
8pm. Dumating na sila, umarkila ng van at go na sa Laguna.
10pm. Nasa Sun city na kami, lumamon, nagkodakan, tapos nagbihis na ng swim suit, nagkodakan ulit.


March 28, Saturday
12am. Nasa pool pa. Naghahanap ng aura. hahah. Akswali meron dun pasulyap pa't kunwari patingin tingin sa akin, the feeling is mutual naman eh pero may jowang supah chakka.
3am. Umahon na sa pool. Nagshower at nagbihis.
4am. Nakipagumpukan sa Starbuko with Alvin, Kath, at Jack nagkekwentuhan, nag-eemohan, nakikivideoke sa mga sintunado't lasing na swimmers ng kabilang cottage.
5am. Lights out.
6am. Nagising sa kodakan sa kama. Nag-almusal, nagkodakan uli.
8am. Lumusong na naman sa pool, ang bewang ay nabasa, ngunit ang kanyang... buhok di pa rin nababasa.
9am. Umahon na sa pool. Nagshower at nagbihis.
10am. Pauwi na kami pero nagkodakan muna uli. Nakipag-away sa driver si Mama Zen. Bumili ng pasalubong. May nakasakay na mute nagturo samin ng sasakyan pamaynila. Sana tinuruan nya rin kami ng sign language kasi hindi namin gets yung ibang sinabi nya, at magagamit ko rin yun kung sakaling mag-apply ako sa Kapwa ko Mahal ko.
11am. Lumipat ng bus papuntang LRT Buendia. Nung nasa Alabang na, nagkodakan uli. Bumaba sa Magallanes, nagMRT. Umulan. Nagpatila sandali. Nagjeep.
12pm. Pagkauwi lumamon, nagcheck ng mails.
2pm. Lights out.
8:30pm. Earth hour na! Sana makakuha ng magandang kodak moment, pero wait lang hindi pala ako nag-alarm.
8:31pm. Earth hour na!!! Earth to Athan! Gising na!
8:32pm. Earth hour na!!!
Earth to Athan! Huyy!!! Bahala ka nga.


March 29, Sunday
4am. Nagising sa gutom. Shett lagpas na sa Earth Hour! Kainezz namiss ko. Pero I'm sure naman na nakiramay ako dun, in spirit nga lang at accidentally pa. Nako next time na may ganitong event di ko na kakalimutang mag-alarm. Amfufu talaga.

Kung minsan naiwan ka sa dilim, wag mag-alala dahil may bukas pa naman naghihintay para umulit. At kung mahaba man ang panahon para maulit ang lumagpas na sandali, maaari kang mag-abang ng may buong pasensya sa tamang oras, o maglibang sa mga nakakalibang na gawain tulad ng panonood ng Wowowee o Daisy Siete, pagko-cross stitch, paglalaro sa PSP, paglalaba ng brief at panty, pagbabadminton,
o di kaya'y pagba-bubblebath. Sana sa susunod mas nakapaghanda ako ng maayos, magsusuot ako ng black polka dots at maglulusis! Go Earth Hour go!

Lunes, Marso 23, 2009

Sugpo!

Walang komento:

Usapang Hipon
March 16, 2009



Photo by
geckobob on Flickr


Monday evening makikipagmeet ako with friends sa matagal nang napromise na kainan namin. Last Christmas pa sana at sa Don Henrico's pero dahil napush forward ng ilang milyong beses eh naisip naming bumalik sa Dampa sa may MetroWalk. Nakakain na kami dito before at the last time eh solb na solb kami sa food.

So ayun pagdating namin dun, pinaupo na kami sa isang table kasya sa apat eh tatlo lang naman kami kaya enough na yun. Akswali inooffer samin yung for 8 persons yata, akala naman nila eh madami kaming oorderin. Heniweys tingin na sa menu si Pol, pero akswali alam na nya oorderin nya, same nung last time: One kilo ng Chili Garlic Shrimp at half kilo ng Tempura. Take note ang inorder namin yung Sugpo.

Maya maya lang anjan na ang first Tempura. Malalaki talaga kaya inupakan na namin. Shortly anjan na rin yung Chili Garlic. Pero nashock kami kasi parang mas maliit yun kesa sa tempura. Sabi ni Pol di daw kaya Suwahe lang yun? Hindi naman siguro arina kaya mas malaki yung tempura. Kaya pinatawag ni Pol ang punong tagapagluto Janggeum para magpaliwanag:


Pol:
Pwede pakicheck yung order namin kasi inorder namin kanina sugpo.

Jang:
Sugpo nga po yan!


Pol:
Ha?! Eh bakit mas maliit sya dito sa tempura!

Jang:
Eh kasi po sir hindi yan sugpo, Giant Hipon yan.

Pol: Anong pinagkaiba?

Jang:
Darker po sya at ching chong wang shing nya lang si kwong...


Hindi na namin naintindihan yung explanation nya pero ang labo talaga. Dumadahilan pa talaga eh. Ano ba ang tawag sa malaking hipon? Di ba Sugpo?! Ayoko naman na ginagawa kaming walang laman ang ulo eh, paikut ikutin pa kami. Kahit itanong mo pa sa google eh yan daw ang largest species of prawn.

So ayun nga tyaga na rin kami sa Giant Hipon nila. Akswali wala naman problema kasi one kilo din sya, pero kung alamang na yan at one kilo rin naman eh parang nagkakalokohan na masyado. Buti na lang masarap ang luto nila. Saka nakadiscount naman kami dun sa levelling ng hipon.

Wag mo sabihin kaya malaki lang yun eh dahil lang sa ulo? Eh aanhin ko naman ang ulo noh. Sabi sakin ni Robb masarap daw yun, maraming laman daw yun basta sipsipin ko lang. Tinry ko nga. Malasa nga, pero nung nahulog yung mga ibang laman laman dun, naisip ko mukha syang galamay ng ipis. Yikes! Ayoko na sumipsip ng ulo. Choosy ko lang?!

Sabi nila ang tao pag naikumpara sa hipon ang ibang sabihin non ay ang katawan lang ang maganda pero yung ulo tinatapon na, pwedeng ipakahulugang chakkaness ang mukha o di kaya'y walang laman ang utak. May counterpart naman tong lollipop. Ano ba mas gusto mo hipon o lollipop?


~0~


Ayon sa sawikain, "ang natutulog na hipon tinatangay ng agos." Napaisip tuloy ako, paano kung pilitin mo mang labanan ang agos ay masyado pa ring malakas ito para pigilan mo, ipagpapatuloy mo bang lumangoy palayo? Paano naman kung simula pa lang ay di mo na kayang salungatin ang agos, magpapadala ka na lang ba? Naniniwala ka ba sa tadhana? Maari kayang maraming daluyan ka mang languyan, sa nag-iisang tadhana ka rin lang patungo? Matutulog akong marami pang tanong sa aking isip.


*EMO MODE OFF*

Linggo, Marso 22, 2009

Marte Ka!

Walang komento:

MRT Episodes
March 12, 2009



Photo by nOnOn_5 on Flickr


Hapon na nang nagmamadali akong tapusin ang mga reports ko for the day nang maagang makalarga dahil may bondingang magaganap. Magkikita kita daw kami ng alas siyete sa may Shangri-La. Alas sais pa lang nakaready na ako kaya biglang shoot na kagad sa pinto. Since nasa Ayala lang naman ako eh hindi naman ganun kalayuan sa Crossing yun kaya naisip ko magMRT na lang.

Ayala Station ~ second stop after Magallanes galing Taft Station. Nasa tabi lang ng SM ang entrance dito. Pagpasok ko pa lang sa station eh di na maganda ang naramdaman ko. May masamang aura ang lugar, may di kaaya ayang magaganap, I can feel it. One day before Friday the 13th na naman, nakakadalawa na ngayong taon ha! OA na! Heniweys punung puno ng katatauhan ang lugar. Yung pila nakapulupot na dun sa may tapat ng KFC. After ten minutes di pa rin kumikilos ang pila. Nakakainis pa kasi yung mga taong patawid lang naman sa kabilang side ng EDSA eh kelangan magsingitan pa sa pila namin. Wish ko talagang mamatid ng isa, matry ko lang kung magdodomino effect kaya dun, pero pati yun nawalan na ko ng gana gawin. *tingin sa relo* Twenty minutes na! Sobra na to! Tiningnan ko ang mga taong nakapila, tila may gustong sabihin sila.


Jeremy: Bakit di gumagalaw yung pila?

Gelai:
It's so tagaaaahhl na nga eh yah know!


Jeremy: Really?

Gelai:
Yah it's like I'm so pagod na to make pila here.

Peachy:
Yes friend kanina pa ako! Super! Eh kayo po gano katagal na?

BiBoy:
Dude six months na, sa isang buwan lalaya na ko!

Jeremy: OA naman, wala pa tayo thirty minutes dito.

Gelai:
You look so wafu noh! Look! Look!

Becky:
Winona ryder, maaura-han nga!

Peachy:
Super cute nga, pero super katakot naman ang tattoo mga friends.

Becky: Akin sya!

Peachy:
Di mo sya mahal, kailangan ko sya!

Jeremy: Pang Wowowee ang acting! Bravo!

Lulu: Shut up!


Becky:
Taray ng lollerz! Feel mo bang tapyasin ko yang plaster mo? Bet mo?

Peachy: Boy Friend, number mo?

BiBoy:
Huh?!

Peachy:
Yes friend, can i get it?

BiBoy:
Sureness! Here, pasaload me nyong lahat dudez!

Becky:
Ayy ACDC ata ampotah! Kaancha!

Jeremy: Pano ba kayo napadpad dini?

Gelai:
I'm just making punta to my BF in the QC thru the MRT before we make nood to the DVD and then...

Becky:
Yeah yeah next!

Peachy:
Ewan ko rin ba friend, pero pinabili lang ako ng suka ni inay! Super!

Jeremy: Sosyal naman kasi bakit dito ka pa bumili ng suka?!

Becky:
Wala sigurong suking tindahan sa bundok nila. Ateng di aabot ang MRT don ha!

Gelai:
You're all so maingay you know loud!

Jeremy: Next! Ikaw na koya!

BiBoy:
I'm going to Baclaran bro.

Becky:
Ayy sali na ko jan. Take me I'll follow.

BiBoy:
Nope, I'm meeting someone dude.

Becky:
Anong dod ka jan?! May booking ka lang eh! Panalo!

Peachy: Hoy friend, uuna ka pang umeksena sakin bruha ka!

Becky:
Padadalhan na lang kita ng isang box na suka, galing Japan!

Peachy: Unang syang naging akin!

Becky: Ayy toyo pala ang tinutungga ni ateng!

Lulu:
You're all such losers! Shut up!

Becky
& Peachy: You shut up!!!


Tapos nagkaron ng sampalan, natumba na nga ang dalawa at gumulong gulong sila don. Nagsisigawan na ang mga tao. Maraming batang umiiyak. Sa pula, sa Puti! Logis! Logis! Logis! Biglang bumukas ang lupa at kinain sila ng dilim. Tapos nagising ako. Nasa pila pa rin. Thirty six minutes at 47, 48, 49 seconds na ang nakakalipas.

Nakakainis pa minsan pagdating mo sa checkpoint merong ale na may limang supot na groceries yata, o kaya batang may malaking Bekpek Bekpek at may Monkey stuffed toy pa at feel na feel talaga, o kaya manong na may dalang kahom ng naglalaman ng
kwarta, reams ng kukumban, dried mangos, o danggit. At lahat ng yan ay aantayin mong inspeksyunin kuno ng manong gardo. Wish ko lang walang bomba jan. Naalala ko tuloy yung tito ko na bumili ng pump dun sa nasirang poso sa probinsya namin. Nakakatakot lang pag tinanong ng manong gardo kung ano ang laman ng kahon, baka sumagot sya ng Bomba. Malintikan pa sya. Pag Christmas season, di mo wish magMRT kasi hassle na buksan mo pa yung pinagift wrap mo. For safety reasons naman na pabuksan nila yon pero kung celophane lang naman ang balot eh bakit pa nila kelangan bulatlatin.

Sa loob ng MRT siksikan din. Sardinas mode! Di katulad sa bus na merong gumagawa ng standing arrangement or maeexpel ka sa bus ni koya. So kanya kanya talaga ang diskarte: kung san ka kakapit, kung sa ka sasandal. Maraming beses na akong napwesto sa pinto. Mahirap sa pwestong ito kasi pag may bababa kelangan mo lumabas, at pag may sasakay eh napagtutulak-tulakan ka ng mga tao. In short, doormat ka! Kulang na lang may spiel ka pang "Thank you mamsir for riding. Please come again!"

Isa pang nakakaloka eh meron na ngang sariling mundo ang mga babae eh bakit nakikipagsiksikan din sila sa mga lalake. Yung iba gusto talaga nila sa Women only train, pwedeng dahil angkan sila ni don Tiburcio at checking out the gels, or yung mas normal na ayaw nilang nahihipuan. Kaw ba naman magsuot ng plunging kung plunging na top at ubod ng iksi na skirt eh hindi ka pa isipang nag-iimbita ng mga demonyo? So ayun nga merong mga gels na nakikisiksik sa other trains, ewan ko lang din kung tinatamad lang silang maglakad ng konti forward, ayaw nyo ba non parang jogging lang ng konti para di nyo na kelangan magkunwaring diet dietan pagkauwi. O talagang naghahanap sila ng hihipo sa kanila. Isa lang ang solusyon jan, laklak kayo ng Caladryl. Try nyo lang one time.

Habang ang mga lalake ay nagpipilit abutin ang mga bars sa taas ang mga babae naman ay kontento na lahat nakahawak sa vertical bars. Ayaw kasi nila masyadong mag-effort na itaas ang kili kili. Mahiyain lang talaga sila yah know. Nung isang beses may nakita akong kuntodo effort, nakasuot pa naman sya ng sleeveless, ayun nasilayan ko tuloy ang kanyang hacienda. Sa isang banda may plantation ng buhok na di pa naani o nakalimutan lang siguro, sa isa pa mamasa masa na siguro ay may natural aqueduct, at all around the place ay ang nagbibitak bitak at naglulupang kayamanan. Kaya naman pala nasa-shy sila.

After four stations, pababa na ako at last. Feeling ko talaga jabar jabar na ako sa place azz in. Akala ko naman kung maaga akong makakarating don kung magMRT ako. Wrong move! Dapat nagbus na lang ako. The shortest distance between two points is a line, but surely not in Line-2 if one of those two points is named Ayala. Di lahat ng matulin na paraan ay mabilis na daan.

Lunes, Marso 16, 2009

Big Yellow Taxi

Walang komento:

Taxi Episodes
March 9, 2009



Mula nang mapahanay ako sa mga Makati-ists eh kelangan makisabay na rin ako sa flow nila yah know. So sa pagbibyahe eh kelangan limitahan ko na ang pagsakay ng padyak at trolley na makikita lamang sa Maynila, Mandaluyong, Pasig, at sa buong kalakhang Metro, well out of the boundaries of Makati. Ang biyahe na ngayon eh dapat Taxihan, mejo sosyalan na. Well slight shalaness lang sakin kasi naman for reimbursement pa to. Heniweys everytime meh byahe sa clients eh kelangan magboxi para naman hindi jabar jabar ka or haggardness pagdating dun.

Kadalasan kasama namin si Nuestra Senyora at sya na bahala sa fare namin. Nung isang beses eh matanda yung Manong Driver. Akalain mo ba naman na idaan kami sa lahat ng kata-traffican. Parang sinabi na nya na "if you look to your left you can see the traffic going to Ayala, and to your right is the one going to Buendia, going forward well see the traffic on EDSA." Kainis lang di ba?! Pero matanda na kasi kaya pinagbigyan na lang namin.

Pag kaming dalawa lang ni Diosa ang nagfifieldwork eh nagcocommute na lang kami. One time galing kami sa client sa Pasong Tamo at saya saya naming nakahagilap kagad ng fx na dadaan sa Don Bosco Makati kasi nga traffic lagi don. Heniweys, naglalakad na kami papunta ng office ng biglang naalala ko yung ID namin naiwan pa sa client. Nakapagtaxi pa kami ng wala sa oras at dahil don hindi pa reimbursible to. Nung tinanong namin si Manong Gardo eh sabi nya ok lang daw pala na maiwan yung ID don kung babalikan sa following day. Nako nagsayang lang kami ng pamasahe. Paglabas eh wala na masakyang fx kasi lahat sa EDSA na ang daan.

Nag-enjoy na lang kami ni Diosa kakatingin ng mga kotseng dumadaan. Nagtutorial muna si Diosa ng logos at models. Halos lahat pala ng taxi eh Toyota Corolla Altis? Sa Singapore nga daw Chrysler ang taxi eh. Sosyal lang dabah. At kadalasan white na, obsolete na ba ang yellow na R&E taxis? Infernezz kahit wala akong alam sa car, love ko na ang Mazda. Di ba official sponsor yun ng Maskman? Tapos minsan sinusundo pa nga ni Michael Joe si Rio sakay ng ride nya tapos mag-iikot sila sa Baywalk.

Nung one time eh pinayagan kami ni Nuestra na magtaxi on our own kaya ayun nawili naman. Yung client namin eh sa malapit sa EDSA sa Mandaluyong, my home base, pero mahirap padaanin sa EDSA ang taxi kaya nagcommute kami papunta, anyways magtataxi na lang kami pabalik. So jeep, MRT, at tricycle kami. Nung pabalik na taxi na kami. Si Manong Driver eh mukhang thundercats na pero surprising kasi rocker sya. Nagconcert kaya sya: "Sweet Child o' Mine" at "In the End". Kaso nung sabi namin lumiko sa Buendia hindi kami pinansin. Hindi ko sure kung yung hearing nya dala lang talaga ng old age o kakapakinig sa loud speaker ng malapitan. Dapat may megaphone kami. Pinadaan naman nya yung taxi sa may Pasay Road via Dusit. 120 inabot ang fare namin. Nung isubmit ko ang reimbursement eh biglang talak talak everlou ang inabot ko kay Admin Marissa. Nung pinapagexplain si Nuestra eh biglang linya nya na wala daw sya sa scene of the crime. Feel ko talaga magwala non, baka man lang mafeature ako sa SOCO. Sino kaya gaganap sa role ko if ever maisapelikula to? Nagbehave behave-an na lang ako kasi sila naman ang mananalo weh.

Nung next na client namin eh nasa HV dela Costa na walang malapit na way sa pamamagitang commuting kaya dapat taxi talaga. Ewan ko ba bakit ko pinayagang madala ako ni Diosa sa pag aalay lakad. Dala ko pa kaya yung lappy at working papers kaya mejo mabigat ang dinadala ko. Heniweys bumawi naman kami sa lunch pero walkathon uli pauwi. Tour guide na tour guide ang drama ni Diosa, o di kaya sa MMDA nagtatrabaho nung past life nya? Pagpapareimburse eh nilagay namin Zero sa fare para ipakitang hindi na kami magtataxi kaya wag ka na umapila jan na magastos kami. Eh umapila pa rin si Nuestra, mali daw yung dinaanan namin kasi. Ayyy walang puso! Ikorek pa talaga kami eh we're just proving a point na not all of the time susundan mo na lang ang byahe ng jeep, minsan kelangan mo mag-iba ng path at taxi lang ang makakadaan dun. Minsan kailangan mong lakarin ang malayo at pasikot sikot na daan para mas makita mo ang tama.

Nung last time na kasama namin si Nuestra eh nag-abang talaga kami ng taxi. Excusable ang 120 fare pag kasama sya eh. Fifteen minutes kaming nakatayo sa Buendia eh laging puno yung mga katataxihan. Lumipat pa kami ng pwesto, wala pa rin. Sa malayo akala mo walang laman pero pag malapit na meron pala. Minsan mag-isa lang, sa passenger seat or sa backseat, natatago kasi sa anino or talagang madilim lang sya. Minsan magjowa ang sakay at kitang kita mo na naglalandian sa loob. Forty five minutes yata bago kami makasakay. Pagpasok sa loob pagod na kami kaya bagsak na. Ngawit na ang kamay ko kakakaway. Sumilip ako sa bintana, ngayon ko lang napansin na may mga taong nagpipilit pumara ng taxi namin. Tatlo na kaya ang laman?! Pero dati di ko naman napapansin na may mga pumapara pa rin. Pag ako ang nasa labas alam na alam ko kung may laman o wala ang taxi, pero pag nasa loob na ako ay wala na akong pakialam kung may pumapara pa nito. Ambilis ng gulong ng pangyayari noh?


"Don't it always seem to go
That you don't know what you got till it's gone
"

Joni Mitchell, Big Yellow Taxi

Linggo, Marso 15, 2009

Aura Mask

Walang komento:


Gudbye, Gudlak, Godbless


After almost two years ko sa G4 eh malapit na itong magsara. Mamimiss ko ang site na to. Madami na nagsulputang site na mag-ooffer ng same capabilities nito pero mas love ko pa rin ang G4 yah know.


Madami akong natutunan sa g4. Nakapaglista na kaya ako dati non, andito yata. Shocking at first ang ganitong eksenahan pero you know masasanay ka rin.

Akswali dalawa lang ang naging group ko dito. Ang una kong tahanan eh ang Barangay Trivia. Nakasama ko ang mga tanod ng kapayapaang sina Kris aka DownUnderBoy, at Eric aka Deadpool, ang GRO na si TekkenTag, Pops, at Oslam, ang may-ari ng karinderyang si Mamajons, ang madjongerang si Ms. Bubbles aka MarkyMark, ang Poong Nazarenong si JD, ang gamebuddy kong si Rowan na adik sa Skelan ata, ang nagmamagandang si press2play aka Jay, at ang mortal na kaaway ni Tekken na si Doggychen at Vr2aljoey. My first and last GEB with group was last year pa, February 3. Nagkaaway away kasi after ng umeksena ang yaoming, na meron daw aids ang Powerpuff na sila tekken, pops, at marky.

Sa tingin ko eh maskara lang si yaoming ni jons. Kasi ayaw pa nya aminin na imbyerna sya sa kanila kasi thundercats na sya. Naalala ko nung magvideoke kami non eh sobrang manalamsik ng laway si mother, at kinanta pa nya ang Umbrella! Kinailangan talaga namin yun pang Rainshowers and Thunderstorms! Meron din ako sarili kong puppet don na ginamit namin panghuli sa puppet ni mother. Sa site na to, hindi ka in kung wala kang puppet. Kailangan magaling ka magtransform. Aura mask!

Yung ikalawang group ko eh ang Loners naman. Halos gabi gabi eh may conference brought to you by Globe. Minsan pinupuyat talaga nila ako pero enjoy. Nameet ko na ang bumubuo ng Heart-Shaped Pandesal Group, kasi ganyan daw ang inooffer sa bakery nila Mitch, sila Pasweet na Dee aka Addick, ang servidorang si Daniel aka Vive, si inang mother Alain with Khalil, Ateh Mitch, plus sila Yanyan, Matt at Dolph aka Catch, si Haru na tahimik lang, ang crush ng bayang si Eric aka cinqxtrois, at si hyper Migoy.

Madami ako mamimiss sa site na to. Although hindi ako participant, pinagulong ako sa katatawa ng mga threads: ang network wars, ang daotan at laitan sa GA, ang mga nagmamagaling sa englishan, ang mga hayok sa sex talks, bentahan ng glutha, slimming pills, toothpaste, poi, scarf, celphone, psp, tsinelas, at pati banig at kulambo yata pinatos.

Tapos na ang palabas. Wala na ang Aura Power!

Officially Messing You

2 komento:

Two Years o Ears?
March 14, 2009


Photo by woolloomooloo at Flickr.com




So overtime na naman ako sa office one Saturday afternoon at mejo groggy pa sa kakulangan ng tulog. Gusto ko talagang humilata yah know. Hindi ko naman talaga hilig magOT dahil wala naman ako balak maawardan ng employee of the month kasi walang cash prize yun. Heniweys na-LSS ako ng Pussycat-pusikatang song na I Hate this Part nung nasa bus kaya naisip ko lang how appropriate na hett ko rin magOT. Pagkalog-in sa YM type kagad ng status message. Biglang may I BUZZ!!! si ateh Cel.




Jeremy ~ The world slows down but my heart beats fast right now


Maricel: I know this is the part where the end starts. I can't take it any longer......

Jeremy:
Ayyy contestant ka ng Singing Bee?

Maricel:
Anong emote mo at nagi-I Hate This Part ka na shoutout?

Jeremy: Anobeh!!! I hate this part, tong OT noh.

Maricel:
Ah okies nasa office ka?

Jeremy: Yupyup. Meron na kayo next project ni Joanna? (Nag-aala moymoypalaboy kasi sila to the tune of RinOntheRox.)

Maricel: Oo, "T-shirt." Pinractice namen kagabe.

Jeremy: Ayyy yan yung una kong napanood na vid nila. Kahit di ko alam yung song infernezz nagustuhan dahil sa kanila yah know.

Maricel:
Yeah. Cute noh yung song?

Jeremy: Honga eh. "...with nothing but your tshirt on... wooooaaaahhh ayoko sana na ikaw ay mawawala!" Ayyy ibang song na pala yan.

Maricel:
hahaha

Jeremy: Eh ikaw bakit ganyan ang status msg mo? EMOtera ka rin eh.



Maricel ~ 2 Years Full of Tears



Maricel:
Gusto ko kase kantahen namen yung Officially Missing You. kse sbe ni Erin dun 2 ears full of tears.

Jeremy: Sino si Erin? Hala!

Maricel:
Yung mas payat dun sa Rin on the Rox.

Jeremy: Hindi ko alam nemsung nila eh. Ano ba talaga tamang lyrics don? Hindi ko alam eh.

Maricel:
Two years.

Jeremy: Bakit di na lang "two chorvas full of tears" para safe sa lyrics.

Maricel: Pero panoorin mo maririnig mo si Erin two ears talaga.

Jeremy: Ears daw eh sabi sa lyrics.

Maricel:
Oo nga, pero kay Tamia, years yun.

Jeremy: Nahihilo na ako. Paano naging years?

Maricel:
Two years naman talaga eh. Pakinggan mo yung kay Tamia. Saka pwede bang two ears full of tears?

Jeremy: Pwede, azz in umaagos yung luha mo kasi nga hilata everlou ang Tamia. Ano daw? Tingin ko ears dapat kasi dinedescribe nya yung situation nung hilata ever sya, hindi yung past nila yah know.

Maricel:
Two years na kase sya iyak ng iyak dahel namimiss niya nga yung boylet niya.

Jeremy: Ayyy move on na ateh! Please lang move on!

Maricel:
Oo nga eh si Tamia dapat magmove on na. Pero you can't help it sometimes noh. It's so hard to let go. Bitter?

Jeremy: Grabacious naman kasi, two years? Pero feel ko parang nakakarelate ka.

Maricel: Oo naman. Though not literally tears. Pero pain oo.

Jeremy: May gamot ako jan.

Maricel:
Advil?

Jeremy: Alaxan ip-ar.

Maricel:
Ip ar talaga?

Jeremy: Si Pacquiao pa mismo magpapainom sayo kundi boogie wonderland ka.

Maricel: Alam mo ba I felt like Don's haunting me in some ways. Weird noh?

Jeremy: Paano naman? Kakatakot ha. Haunt talaga? Parang may sapi lang.

Maricel:
Hindi naman. Kase diba may dinadate ako dito.

Jeremy: Sino ba dinadeytt mo jan?

Maricel: Si Moses pa ren. May times na pag naguusap kame parang si Don yung expressions niya. Parang if si Don yung nasa situation na yun he would say the same thing. Ewan ko kung psycho lang pero iba yung feeling.

Jeremy: Baka naman kasi naiisip mo pa si Don kaya nakikita mo sya kay Moses... or something like that yah know.

Maricel: I know.

Jeremy: Baka naman namimiss mo pa sya?

Maricel: I won't deny it pero oo. hahah

Jeremy: It's official yah know. Maikonek lang talaga eh.

Sabado, Marso 14, 2009

Tips para sa mga Pechay

Walang komento:
Here's something useful sent to me recently. You might want to try out with fruits and vegetables!!!
<Forwarded e-mail lang to>

An Indonesian maid shared with me a week ago a way to preserve fruits and vegetables which she learned from a family when she baby-sat for them in KL. That family was using "Aluminum coated plastic bags" to keep their fruits and vegetables fresh for weeks!!! It's so amazing. 
<Di ko alam kung sosyal na maid/yaya ito at nakakapaginnernet pa, or basurerang environmentalist>


I thought it was a good idea to save some unwanted resource which most people would throw away without any second thought and here I am sharing with you the usefulness of this unwanted resource.
<Talaga eh di magchopsuey na lang kaya ako?>

Here is the type of aluminum coated plastic bag from Quaker. You can use any other type as well as long as it has the same type of material.
<Ayyy may endorsement para sa Quaker. Nakikita ko nang mejo tataas ang sales nila. Pero slight lang yah know. Isang bag lang ang bibilihin para supot suputan.>

















You can put plenty of fruits and vegetables in it.























After one week, the vegetables are still fresh! Amazing, isn't it? No dehydration at all. 
<Malay ko ba kung one week na yan o kakalagay mo lang ng gulay jan?>



Look at the okras. They are still very, very fresh without any dehydration at all.
<Okra talaga ang example noh? Pde naman ibang gulay na ndi naglalaway. At bakit okra ang tawag nya? Ano ang english ng okra? Sanay ka bang maokray? Ito at marami pang katanungan ay masasagot sa pagbabalik ng... message na to sa sender. Sana masagot nya kagad noh?>


But don't fold or seal the opening of the bag. Just leave the bag open and it will do the magic work for you already. Try it out.

You would sure like it very much too.
Instead of throwing these useful things away, re-use it again and you will be inherently joining the group of "Saving the Mother-Earth" campaign too.

Sabado, Marso 7, 2009

Driver Sweet Lover

Walang komento:

Shenelyn Shuvaness Diaries
March 6, 2009



I'm just remember to it the other day I'm make ride to a padyak to market and when I'm pay to driver and im make asked to him how is they a sweet lover and make example to me. He's a mad in a instantly. May be his think I'm not boogie wonderland to others what others are boogie wonderland to you but no no no no way im living without you im not a living without you, I'm stay here couse you and you and you are gonna love to me. Then peoples clap and toss coin to me, some to cara cruz but it's a ok now couse I'm like so a relief that they love to me in make songer number.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips