February, 2009
Kahit hindi ko na ulit ulitin dahil paulit ulit na ako sa sinasabi to eh uulitin ko pa rin na mahirap talagang sumakay ng bus byaheng Ayala~Leveriza. Ang hirap makisiksik. Pag nakasakay ka na meron talagang standing arrangement courtesy of Dr.Con kaya kelangan sumunod ka o baka maevict ka lang. So ang position nyo back to back at side to side to side talaga. Enjoy nga minsan pag makinis ang kakiskisan mo. Pero pag meron nang bababa eh talagang effort ang sisingitan nila. Ang nakakainis kasi eh nasa dulo uupo eh sa next stop ng bus hindi pa lumapit sa pinto. Nauubos tuloy five minutes every stop. Saka nagtataka ako bakit itong byahe pa ang pinipili nila eh mas maluwang yung pa-Baclaran, Laguna at etc., eh sa Guadalupe lang naman pala ang baba nila. Yung pwestong nakuha nila eh napwestuhan sana ng mas nangangailangan tulad ko.
Nung one time nakasakay ako sa ordinary bus. Nasa may pinto lang talaga ako napapwesto at todo balanse. Hindi ako makasampa mula sa hagdan kasi may nakaharang na mga tao dun. Nung wala pang limang dipa ang inaandar ng bus eh biglang may pumara. Weird lang kasi hindi sya normal na bus stop. Nagulat ako sa next na eksena. Yung kamay ni Manong nasa bulsa nung isang Kuya. At hindi yung parang nagdidiscreet discreetang relasyon ito na maglalanjian talaga sa public transpo. Nagpipilit pala si Manong kunin yung celphone ni Kuya. Maya maya binunot ni Kuya ang cutter nya sa bag at may tutukang naganap. Bigla na lang nagjump for joy exit stage left si Manong at nakatakas na. Kakahiya talaga. Buti na lang hindi nakuha yung 5110 ni Kuya na pamana sa kanya ng lolo ng lolo ng kapitbahay niya. Sabi nya may distraction daw na ginawa si Manong2, kinikiskis daw yung tuhod sa kabila para di maramdaman yung dukutan blues ni Manong1. Tag team ito. Si Jude naman daw meron kakaibang eksena sa bus about kiskisan. May nakatabi syang vortang Kuya sa bus at bato bato daw talaga sa nagpuputukang maskels. Eh nakasuot sya ng fit pants daw yata so feeling sexy naman sya. Maya maya kinikiskis na daw sya sa tuhod. Iba pala ang gusto kunin sa kanya, ang kanyang katawan daw. May pagkafeelingera din ang hitad no?
Yung isang eksena naman galing kami ng Trinoma at pauwi na kami. Pero sa kadahilanang ginabi na kami ay napagsarhan kami ng mga pinto ng MRT kaya bus kami pauwi. Si Morrie kasi sa Ayala pa ang daan so Ayala~Leveriza pa rin kami, ang favorite ride ko. Buti naman at hindi standing ovation to, maawa naman sila gabi na. So pumara kami ng bus ng biglang may grupo ng middle-aged, katulungin ang beautying grupo ng gelays. Inipit bigla si Morrie ng mga hitad. At eto na naman ako sa mga nasaksihan ko, akswali nagiging audience ako lagi sa mga attempts na ganito at wala naman ako nagagawa. Azz in tulala lang. Heniweys yung Manang1 nakasampa na sa bag ni Morrie na surprising naman kasi walang kazizipperan. Nagstop and talk a while with Dr.Con si Manang2 na kunwari nagtatanong kung sa ganitong byahe ba dadaan ang bus, all the while dumudukot na si Manang1. Hindi pa kami nakakasampa sa bus ng biglang nahulog yung kikay kit ni Morrie, nakakatawa lang kasi napagkamalang wallet ng mga Manang. So nagpupulot muna kami ng beauty products brought to you by Morrie at escape na ang mga Manangs. Pag akyat sa bus nagcheck muna ang Morrie kung may nawala bang gamit. Buti na lang wala.
Nakakainis talaga dito sa Pinas dahil sa mga ganitong eksena. Hindi ba nila alam na maraming nahihirapan, hindi lang sila ang anak ng Diablo kaya wag silang umapila sa baranggay ng kadramahan nilang salat sila sa buhay. Magdrama na lang sila kay Willie baka papanalunin pa sila ng pangkabuhayan showcase. Ako rin hirap na hirap nang kakaantay ng bus. Kung nahold up ka, isipin mo na lang mukha ka kasing mayaman. At para sa mga kids na audience, please don't try this at home, humingi ka na lang ng pangproject kunwari wag ka lang mangupit. Ayyy teka same evil lang din pala yun, wag maging bad, mag impok sa bangko.