Sabado, Mayo 31, 2008

Kwentong Barbero

Walang komento:

Cut!!!
May 25, 2008

Humahaba na naman ang buhok ko, hindi dahil may angking ganda (na ilusyon ko lang naman) kundi talagang mahaba na. Beyond the acceptable length na sya. Pero ok lang pahabain sana at magstyle emo-emohan ako. Tutal eh may sayad emo na ako kadalasan.

Two months ago pa ang last na gupit ko. At naghahanap na naman ako ng bagong barbero. Nagexpire na kasi yung mga nakaraan, iniligpit ko na sa dapat nilang paglagyan. Ayaw kasi sumunod sa gusto ko eh.

Sa lokal na barberyahan talaga ako pumupunta. Hindi ako mahilig pumunta sa mga salon. Una dahil mahal sa tingin ko, at ikalawa dahil natatakot ako sa mga parlorista... takot na malapitan at magexcursion.

Sa malapit na simbahan sa amin eh pinaliligiran ito ng maraming businesses, at karamihan dito ay barber shop. Ewan ko nga ba kung bakit naging business ng mga tao ang mga barberyahan dito kahit sobrang dami na nila. Akala mo eh hindi walang kaubusan ang mga buhok ng mga tao dito.

Umupo na ako at lumapit sa akin ang barbero. Si Roberto pala, ang syanong barbero in town. Masipag naman itong si Berto, feelingero lang talaga. Kung makapangligaw sa mga bebot eh akala mo walang bukas, wala din naman nagbubukas ng pinto sa kanya... maliban lang kay Manay Julie.

Si Manay Julie naman ang head parlorista sa kanto, ilang salon-salon-an na rin ang napatumba nito. Parang ipis lang, malakas ang kapit at immunity sa mga changes ng fashion. Minalas malas lang tong si Manay Julie dahil di sya pinagkalooban ng tunay na ganja, at kepyas. At least meron na rin syang boobs ngaun sa tagal panahon na nakapagpundar sya. At dahil jan, hindi sya trip ni Berto. Kung Julie's na tinapay pa siguro baka pumasa.

Habang nakaupo at ginugupitan, tahimik lang akong nakikinig at nagmamasid sa mga barbero. May dalawang barberong nag-uusap sa Kapampangan. Habay indi ko mahintindi-an hayy. Nalaman ko lang kasi yung isa biglang kumanta ng Ojo Kaluguran Daka, yung nakakainis na version ng "Sometimes when we Touch". NakakaLSS pa naman ito pag araw-araw mo naririnig. Kakarindi lang.

Si Berto naman ay nakipagkwentuhan dun sa isa pang barbero. Basketball... Boston, Lakers at kung anu ano pa. Wala akong alam dun, pero mukhang napakaimportante sa kanila ng bawa't pangyayari. Akala mo naman eh yayaman sila bigla pag nanalo ang isang team.

Natapos na yung isang barbero at naglabas ng pangbayad. Tapos inilabas din ang selpown. Shala! N-series yata. Wala akong alam sa mga gadgets na ito dahil stone-age yung cel ko. Basta nakakatext at tawag ok na ako dun. May flashlight din yung sakin, pero aanhin ko naman yun. Yung kay Berto yata may installed na electric razor, ewan. Nilapitan bigla ni Berto yung isang customer.


Berto: Wow, bagu ba yang mudil?

Custo
:
Oo, nabili ko yan sa may Greenhills!

Jeremy
:
(Ahh, baka naman jafakes yan?!)


Berto
:
Anong mudil ba yan? Magkanu bili mu?

Custo: Ahh N-%$^&, PHP #*,)&%.00 lang.
(Hindi ko natandaan eh, wala naman ako balak bumili nyan eh.)


Berto
:
Linsyak! Ang mahal naman pala!

Custo
:
At maraming functions, easy lang naman ang learning curve kaya...

Berto
:
Lirning karb?

Custo
:
Madali syang matutunan, kahit bata o matanda.

Berto: Ahh, friendly user pala sya!

Jeremy: (Ano daw? Baka naman user-friendly?)



~0~




Buti hindi kami nagkatinginan nung customer, baka humagalpak talaga ako dun sa mabuhok na sahig. Hindi na lumingon yung customer at dali daling umalis. Pumasok bigla si Bianca at nagpapapalit ng barya. Nakita sya ni Berto at iniwan na naman ako sa upuan, kung pwede ko lang ireport to sa manager, ambagal ng service!


Berto: Bianca, kilan mu ba aku sasagutin?

Bianca:
Pleashe call me Beyonce! And nashagowt na kita right? It'sh a no for you dowg!


Berto
:
Maghehentay aku puribir!

Bianca:
My friendsh are make hintay to me in Ermita now.

Berto
:
Bakit ka ba somasama sa mga yun?

Bianca:
Jane ish like meeting to thish Australian sa Baywalk and I wanna make shelebrate too with them.

Berto
:
Pwede naman keta mapasaya!

Bianca:
Nah-ahh! I'll make alish na, its sho malayo pa here.

Berto: Ihahatid na lang kita!

Jeremy
:
Pwede pakitapos muna to?

Bianca:
May customer ka pa!

Berto
:
Sandali na lang yan, hintayin mo ako, ihahatid kita sa MOA.

Bianca: What am I make do there?

Berto
:
Di ba sabi mo sa may Baywalk?

Bianca:
Well dahh!

Berto
:
Hindi mo ba alam, nalipat na sa MOA ang Baywalk?

Bianca: What? I don't know that ha! Shure ba you? Wateberr! Make dali ha!

Berto: Downn wuri, bee hapee!



~0~




Isang shave na lang pala ako eh tapos na. Kakatorture din magpigil ng tawa ha! Baka kasi saksakin ako ng gunting sa tenga o kaya gilitan ng labaha anytime. Nako next time talaga kay Manay Julie na ako magpapajupit. At least aircon pa.

Miyerkules, Mayo 28, 2008

Sampalok

Walang komento:

Sampalok
May 27, 2008



Akala ko makakaalis ako ng maaga sa bahay, ang tagal ng kapatid ko sa banyo, hindi ko malaman kung jumejebs, naliligo o nagjajacks ba. Ang ending late na naman. Dadaan pa naman ako sa may España para mag-enrol.

Sumakay na ako ng jeep patungong Stop n' Shop, pagkababa ng Altura sa byaheng Divisoria naman. Nagshortcut ang jeep sa mga pasikot sikot na umiwas sa sobrang traffic ng Legarda. Kung pwede lang sunugin ang Arellano eh baka sinunog ko na dahil pampatraffic talaga ang mga estudyante dito. Heniweys, bumaba ako sa Liana's at naglakad na sa Sulucan. Naalala ko pa rin ang kalye/eskinitang ito. Malilim, masikip, mabaho... at masaya, dahil naalala ko pa nung panahong sabay sabay kami naglalakad pauwi ng mga kaibigan ko. Ayoko naman magmoment sa gitna ng kalye noh, baka pauwiin ako sa Mandaluyong.

Welcome back to Sampaloc! Isang taon na ang nakalipas ng huling tinahak ko ang daang ito. Dati late na ako pag dumadaan dito. Ala una ng tanghali eh nasa daan pa lang ako, ngayon eh late pa rin ako. Wala bang nagbago sa akin?

Pumasok na ako sa building at nag-inquire sa loob kung magkano ang tuition. Dahil 5k lang ang dala ko, napilitan akong maginstallment na lang. Tinanong ko ang cashier-cashierang mukhang yaya kung pwede ba i-upsize, i-avail yung cash payment para naman makadiscount ako. Tinanong ko rin kung may sched na ang mga instructors. Meron na daw sked at sa 31 daw ang last payment. Umalis din kaagad ako, pumunta sa dapat puntahan.

Mga alas singko ng hapon, pauwi na ako, masaya at nakaholdup na naman ako. Balak ko sana mag-ikot sa Robinson at mamili ng libro sa Powerbooks o kaya eh magtingin ng damit. Nakwento sa akin ng kasama ko na nagsimula na daw ang klase. Nagdalawang isip tuloy ako na baka nga nagsimula na, hindi ko man lang itinanong dun kay yaya.

So humahangos akong tumatakbo sa kahabaan ng Pedro Gil, patawid at sumakay ng byaheng Cubao. Hindi ko pa naman kabisado ang byaheng ito. Tinatandaan ko ang mga landmarks na dadaanan ko. Una ang Lawton, Manila Cityhall. Sunod ang Quiapo, Morayta, at ang España. Muntik pa akong lumagpas ng baba, buti na lang traffic.

Pupunta sana ako kanila yaya pero andami pa nyang mga fans kaya naisip kong bukas na lang magbayad ng balance. Umakyat ako sa second floor at baka nga naman andun na ang mga tao. Bakante ang mga rooms. Pauwi na rin sana ako ng makita ko ang isa sa mga instructor. Binati ko at tinanong kelang nagsimula ang klase. Nung lunes pa pala. Tsk. Kahit mukhang supergroggynessim ako eh sumugod ako sa gyera, wala nang mumog, hilamos, o wisik wisik, go lang ako.

Nasa third floor naassign ang room ko pala. Pagpasok ko, tinanong ko yung pinakamalapit na tao sa inupuan ko kung nasa tamang silid nga ba ako. Tama naman. Inantay kong dumating ang instructor. Ahh yung pinakaboring pa sa lahat ang nakaassign sa Tuesday ko. Hayz. Wala na akong magagawa, andito na rin eh. Carpe diem. Buti na lang at cute yung nasa kaliwa ko, yung pinagtanungan ko kanina. At least may guilty pleasure akong makipaghabulan ng sulyap sa kanya pag inaantok na.

Mga alas siete ng magtext si Derek at hinahanap ako. Property ba ako? Pwede na rin, at least parang feeling ko importante ako sa kanya. Sya na rin magiging inspirasyon ko sa ngayon. Dati kasi wala kaya parang walang patutunguhan ang pag-aaral ko.

Kahit pangalawang beses ko na to, parang lalong nakakakaba. Maraming taong umaasang kakayanin ko na ito. Sana nga, thiz iz it!!! Kahit nadapa ako dati, ngayon babangon na ako at makikipagsabayan.

Ang buhay hindi laging matamis. Minsan maalat, minsan maanghang, at madalas maasim. Parang sampalok, depende sa butil kung anong flavor ito. Kung puro tamis, masakit sa ngipin at nakakangilo. Kung puro asim, nakakangiwi man natututunan mo namang lampasan itong panlasang masakit sa dibdib.

Sabado, Mayo 17, 2008

Gift Check

Walang komento:

Gift Check
May 13, 2008



"A hug is the perfect gift,
one size fits all,
and nobody minds
if you exchange it."




Tuwing may magbebertdey, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Hindi naman siguro puro pagpunta sa mga handaan at inuman lang ang naiisip mo di ba. Syempre mahihiya ka naman magregalo kung sobrang kaclose mo yung may birthday, be it a family member or a loved one.

Kapag malapit na ang Holiday season, nauuso ang Kris kringle o monito monita. Nakakainis lang kasi ambilis ng turnover ng gift giving, kelangan at least araw-araw. Tapos may mga kundisyones pa: something soft, something hard, something cute, something this, something that. Andaming something! Kahit na ba chipipay lang ang mga toh, nakakapressure pa rin mag-isip lalo na kung spontaneous ang bigayan.

Isa sa mga predicaments eh ang pagpili ng magandang gift. At dahil wala akong alam sa pagpili at hindi naman ako umattend ng seminar sa gift giving, eh wala akong maiseshare sa inyong tips dito. Banoh ako! Basta ang alam ko lang eh ibibigay ko yung kailangan o best na magdedescribe dun sa pagbibigyan ko.

Iwasang magregalo ng picture frame at kalendaryo. Mabenta yan pag pasko sa sobrang common. Para lang iyan sa mga hindi na mahilig mag-isip ng pang regalo. Hindi naman kailangan ng mga tao ng maraming kalendaryo para matandaan kung kelan ang next Christmas. Hindi rin kailangan ng picture frame kung wala naman ilalagay na picture.

Mas effective kung maiisip mo kung ano ang bagay sa pagbibigyan. Kung damit kelangan alam mo ang style, size at colors ng bibigyan; iwasan ang mga ukay-ukay. Kung pagkain, cake na ang pinakasafe na bilhin. Kung perfume, piliin ang brand at scent ng recipient. Minsan kasi pag pumili ka ng gift na hindi sakto sa kanila, merong ibang mensahe kang ipinapadala. Pag nagbigay ka ng damit na hindi nya style, pwedeng ibig sabihin nun eh baduy sya at dapat nang magchange look sya. Pag binigyan mo ng tea, ibig sabihin mataba sya at kelangan na nyang magkankunis. Pag perfume na hindi nya smell, malamang matapang ang pabango (or anghit) nya.

Hindi ko makalimutan one time sa isang Christmas party nung elementary. Ang budget is around 40 PHP lang dahil nasa public school lang ako at mababa pa ang bilihin nun, nasa piso pa yata ang pamasahe. Ang nakuha ko eh isang bimpo at isang safeguard. Parang napaisip ako tuloy! Mukha ba akong pawisin, hindi naghihilod, o di kaya'y di naliligo? Bakit hindi pa Good Morning towel na lang? O kaya toothbrush at toothpaste na lang! Sana Twinkidoo, ung fruity flavors ha! Kasi kung ang gift mo eh something related to hygiene eh masyado nakakapersonal na ata yan. Araw araw naman ako naliligo eh!

May episode dati sa Okay Ka, Fairy Ko (eto yung original ng Enteng Kabisote para sa mga bata pa na hindi pa alam, at sa mga matatanda na hindi na alam), kung saan ang hinihinging regalo ni Enteng kanila Aiza at Fae ay yung bagay na hindi nabibili ng pera. Hindi ko na maalala yung ending ng episode na light years ago na pero maganda yung mensahe nila: ano nga ba ang magandang ibigay na mula sa puso?



~0~



Derek
:
Uy, ano gift ko?

Jeremy
:
Hindi ko dala, hindi na nakabalot eh! hahah

Derek: Nice... ikaw na lang ba ang regalo?

Jeremy: Hindi ahhh!!!

Derek: Hmmmmmmmmmmmmm... condom?

Jeremy
:
Hindi rin! Bakit kelangan hulaan mo pa? Basta meron, baka meron ka na nun pero its the thought that counts nman daw eh.

Derek: Ano yun? ahhahaahha

Jeremy
:
Kulit mo ha!

Derek: Ano yun? Gift certificate sa Sogo?

Jeremy
:
Hindi nga! Bagay sayo yung gift ko, siguro. Ewan! Wala lang talaga ko maisip eh!

Derek: Ano nga?

Jeremy
:
Hindi na gift yun kung alam mo!

Derek: Gift yun, hindi na nga lang suprise.

Jeremy
:
Kunsabagay. Pero gusto ko surprise, para makita ko sa mukha mo. "ampanget naman!"

Derek: Ano nga? Para malaman ko! ehehhehheheh

Jeremy
:
Yung gift saka na lang ha!

Derek: Nyak! Akala ko meron na! Wag na, save your money na lang.

Jeremy
:
Nabili ko na nga.

Derek: Ano nga yun gift sige na!

Jeremy
:
Sikretong malufet!!!



~0~



Gusto ko magulat sya. Gusto ko masiyahan sya sa gift ko kahit na cheap lang yun. Hindi ko na sasabihin dito kung ano yun kasi baka basahin nya tong entry ko. Abangan na lang ang susunod na kabanata.

Nawawalan ng sense ang gift pag alam mo na ang laman. Ang wrapper ay nawawalan ng silbi... pati ang essence ng giving. Nung bata ako gusto ko silipin yung laman ng gift bago pa dumating ang December 25, not knowing (or understanding) that I'm denying the right nung nagbigay na makita ang excitement nung binibigyan nya. Although walang balot yung gift ko, the mystery serves as THE wrapper.

Men had not known malice until the Serpent tempted us; and the hunger for knowledge until the Fruit had given us reason to.
Men had not known fire until Prometheus gave it to us; man would not known pain, greed, lies, envy, and hope without Zeus' trick on Pandora. Since the beginning, men had enjoyed the gifts of the Gods, good or bad. Let us celebrate the greatest gift out of love of God for us... which is life, as we share the greatest gift we can give as mortals... which is love.

Sabado, Mayo 10, 2008

Share a Load

Walang komento:

Share a Load
May, 2008


Tambay pa rin ako as usual sa tindahan ni Aling Janna na kung anu ano ang tinda. Feeling ko karamihan dito eh shinashoplift lang talaga nya. Kakaiba ang talent talaga ng Ale. Meron din syang autoload/eload at tumatanggap din ng labada. Pwede rin sya magtayo ng lugawan at saklaan. Humahangos si Elvin na dumating para magpaload, parang naka Boots of Travel lang...


Elvin: Uyyy, nagtext si Kiko kagabi!

Jeremy: Anong sabi nya?

Elvin
: Hmmm... kabababa ko lang nun sa jeep pauwi eh. Sabi tinatamad daw sya pumunta sa office. He wants to get laid! hahahahah

Jeremy
:
Go na! ahahah

Elvin
: Wala nga ako load kaya di ko nareplyan....

Jeremy
:
Ashush! Pakipot ka na naman! ahahah

Elvin
: Hay nako! Ganun na lang talaga ba ang ganap ko sa buhay nya?

Jeremy: Ganun?!

Elvin
: Kapag nalilibugan sya itetext nya ko. Pero naisip ko rin... not a bad idea naman na maging kabit nya. hehehhe

Jeremy
:
Tsk! tsk! tsk! Ikaw bahala....

Elvin
: ...I mean, di na lang ako mageexpect ng kahit ano.

Jeremy
:
Nako! Goodluck! Ikaw rin ang masasaktan jan.

Elvin
: ...Basta kung kelangan nya ako andun lang ako. Basta wala na lang ako ibang ie-expect.

Jeremy: Ikaw rin ang masasaktan jan.

Elvin
: Eh yun nga kaya nalilito na ako ng sobra.

Jeremy
:
Wag mo na lang ituloy yan!

Elvin: Alin?

Jeremy: Nako, there's plenty of fish in the sea, not that banana one, whatever!

Elvin
: Hay nako, ewan! Sana may dumating na magliligtas sa akin.

Jeremy
:
Nako, sarili mo lang magliligtas sayo. I mean kung di ka gagawa ng paraan, you'll be waiting in vain... forever! You can just move on! Ganun!!!

Elvin
: Taray ha!

Jeremy
:
Let's just say I've learned much.

Elvin
: Naks!!!

Jeremy
:
Di ba nga sabi mo ignorance is bliss? Would you rather be happy now at magbulag bulagan? Next time you'd be crying.

Jeremy
:
Sabi nga ng friend ko, "use ur eyes not to cry for a past love, but to look for someone better." Ayyy ewan, basta payo lang yan!

Elvin
: Eh alam ko na yan no. Naisip ko lang, just for the sake of having someone, eh di yun patusin ko na ang mga indecent proposals nya. Kung yun din lang naman gusto nya eh.

Jeremy
:
Ashush! Parang nasabi ko yun dati, "kung maglalaro ka lang, makikipaglaro lang din ako." Baka yun lang din gusto mo sa kanya? Baka naman hindi love yan, baka lust lang!

Elvin
: Anung ashush? Di ko pa sya mahal no!

Jeremy
:
Eh di maganda, wag mo na sya mahalin!

Elvin
: Yan lang maganda mong sinabi!

Jeremy
:
huuuwhaaat!!! Ah ganun?! Ibig sabihin walang kwenta pinagsasabi ko?

Elvin: Gusto mo libre na lang kita ng load? Kinse lang ha!

Jeremy: Ano to bribery? Gusto ko trenta ha, saka isang Cobra na rin.



~0~



Kapag merong kang nadaramang masama, mas madali mong malampasan ito kung iseshare mo ang iyong dinadala. True friends will be there to help you. Pag hilong hilo ka na, magbonamine. Pag hindi pa rin kaya, meron namang Cobra energy drink. Wag lang masyado maadik ha. Minsan itulog mo lang yan, paggising mo, mas malinaw na ang iyong kautakan at mas makakapagpasya ka ng maayos.

Lunes, Mayo 5, 2008

Gusto ko ng Putik!!!

Walang komento:

Pabula-anan
May, 2008



Sa isang liblib na nayon na malayo sa kabihasnan (kaya nga liblib eh, redundant ano?), mayroong isang munting bukid na pag-aari ni Lloyd Macjolland. Si Ka Lloyd ay nag-aalaga ng mga hayop, kaya ang kanyang propesyon ay animal husbandry. Hindi nya inaasawa ang mga hayop, kadiri kayo ha! Bestiality yun! Meron syang aso, hulaan nyo ang name! Hindi Tagpi, o Bantay, o Mandy. Oreo! Sosyal sya eh, O-R-E-and-O, O-R-E-and-O, O-R-E-and-O, and Oreo was his name Oh! Meron din syang mga baka, manok, baboy, tupa, kambing at kung ano ano pa. Wag ka lang maghanap ng unggoy, zebra, penguin at leon, hindi ito zoo! Isa sa mga alaga nya doon si BabesBawang, ang munting biik (oh redundant na naman!!!).

Si BabesBawang ay isang malikot na biik at panay ang takbo sa palibot ng bukirin, may garden din si Ka Lloyd, hindi nga lang secret kasi alam mo na eh. Meron ding pool, shala!! Resort itu. Pero yung pool eh reserved sa mga baka, lubluban nila noh, gusto mo makijoin? Si Babesbawang ay panay ang tumbling paikot sa hacienda (nalevel up bigla ang status ni Ka Lloyd ano?). Kembot dito, lamon doon, tumbling jan, triple somersault doon. Acrobatic si Babesbawang. Wag na kayo magtaka. Aampunin ko na rin sya at magtatayo ng circus.

Meron ding alagang manok si Ka Lloyd na feeling isa syang ganap na peacock, todo showcase ng kanyang mga buntot. Mataray itong manok na to na ang ipingalan ni Ka Lloyd ay ChickenNini! Intrimitida sa lahat ng kahayupan. Parang Bella Flores ng bukid na toh. Napicture nyo na?

Heniweys one day, isang araw. I saw, nakakita. One bird, isang ibon, si ChickenNini na nga yon, nagiikot sa buong bukid feeling supervisor...


ChickenNini: Oyy, ayus ayusin nyo ang mga trabaho nyo kung ayaw nyong masisante!

Baka
:
(Ok ka lang?)


ChickenNini
:
I heard that! *sabay bunot ng munggo at isinumpit sa baka*

Baka: Yukkk! Gross ka lang Nini! Gross!!!

ChickenNini
:
Sumunod lang kayo sa mga patakaran ko at magiging langit ang inyong stay dito, sumuway kayo at....

Baka: Yah yah, shut up!



~0~




Natahimik muli ang mundo ni ChickenNini. Lahat ng hayop ay nagtatrabaho at on sched pa! Baka maaga syang matapos ngayon, makapanood pa sya ng Eat Bulaga at Daisy Siete. Biglang walang kaanu ano (ano ba talaga?), ay may narinig syang ingay sa labas. Sa ibabaw ng damuhan, ala Julie Andrews pero ibang song ang kinakanta....


BabesBawang: Shadam, dadam, da-da-dam! Shadam, dadam, da-da-dam!


ChickenNini
:
Anong kaguluhan ito?

BabesBawang
:
Sorry ha!

ChickenNini
:
Lumuhod ka!

BabesBawang
:
Lupit naman ni Tita Mids!

ChickenNini
:
Anong pinagsasasabi mo jan?

BabesBawang
:
Baka lang gusto mo jumoin. Aawitan kita!

ChickenNini: Che!

BabesBawang
:
Che ka rin!

ChickenNini
:
Period!

BabesBawang: No erase!

ChickenNini
:
To infinity!

BabesBawang
:
Ikakandado ko pa.

ChickenNini
:
Ewan ko sayo.

BabesBawang
:
Uto uto ka naman.

ChickenNini
:
Ginagalit mo talaga ako noh.

BabesBawang
:
Pansin mo? Kanina pa kaya.

ChickenNini
:
Ilabas ang secret weapon!!!

BabesBawang
:
Yung sumpit? Habulin mo muna ako! Habulin mo ko! Dali!



~0~




At naghabulan nga ang dalawa sa palibot ng bukid, isang manok at isang baboy, kulang na lang ng suka, toyo at bawang parang CPA na di ba. Nakaabot sila sa pool area, parang sosyal lang di ba.


ChickenNini: Eewwwkie lang dito ha!

BabesBawang: Marte ka masyado!

ChickenNini
:
Eh ayoko sa mainit, ayoko sa mabaho, ayoko sa masikip, ayoko ng putik!

BabesBawang
:
Bravo ate Maria!

ChickenNini
:
Thanks, I was not expecting this, I swear!

BabesBawang
:
Ruffa naman yan eh, sabi na eh! Mandaraya ka!

ChickenNini
:
Hindi ako yun, si Lolit! Whatdafuck! Kung san san na tayo napunta!

BabesBawang
:
Andito pa rin tayo sa pool area oh! Magulo ka lang kausap eh.

ChickenNini
:
Che! Umalis na tayo dito at babawasan ko ang parusa mo, imbes na munggo at asin ka luluhod, sa munggo na lang.

BabesBawang
:
Ano ako tanga? Yung munggo eh ipinangsumpit mo na! Yakkk! Poor ka lang ate Nini, nirereplay mo ung ammos mo.

ChickenNini
:
Environment friendly kaya ang magrecycle!

BabesBawang
:
Tell it to the judge. Whatever.



~0~




At sa di inaasahang twist (hindi daw oh), biglang lumublob si Babes sa pool area. Ang kanyang malasutlang kutis na walang pekas, walang buni, walang an-an, walang hadhad, walang alipunga, at walang botox, biglang nabalot na chocalatey brown fudge ng putik...


ChickenNini: Now, look what you've done! I told you to not go there, but you go there! Now look at!

BabesBawang
:
Ayyy, nawala ang composure mo ate!

ChickenNini
:
Kadiri ka na, umalis ka na dyan. *pinagkakahig sa balat si Babes*

BabesBawang
:
Aray, aray, aray!!! Stop it! Nakakasakit ka na ha!

ChickenNini: Hindi ka aalis jan?

BabesBawang
:
Hindi! Enjoy ko dito sa putik eh, nakocool down ang body temperature ko oh! Looks like hell, but feels like heaven. Inggit ka lang!

ChickenNini: Ah ganun?

BabesBawang
:
Bitter ka lang ate kasi malulunod ka dito, hindi ka bagay dito, dun ka sa ulan uminom ng tubig.

ChickenNini
:
Leche! Makaalis na nga! *flylaloo si Nini, kahit mababa lang talaga ang lipad nya*

BabesBawang: Dami talaga inggiterz sa mundo noh.

Baka
:
At nagtagumpay ka rin sa iyong nais. Kanina pa ako iniinis nyang si Nini eh. Generic na nga ang name ko eh, wala pa kong kalayaang magpakaligaya.

BabesBawang: Honga, well wag ka gano magreklamo noh, malaki na nakuha mong TF, nakadalawang extra ka dito noh.

Baka
:
Whatever!

BabesBawang
:
Wahahaha

Baka: Wahahaha

BabesBawang
:
Wahahaha

Baka
:
Wahahaha



~0~




Kanya kanyang trip yan! Hindi ba sinabi na yun ng Sprite, obey your thrist. Kaya kung trip nyo maglublob sa putik, Go!!! Wag lang kayo didikit sakin pag hindi pa kayo nakapagbanlaw. Supportahan nyo na lang ang trip ng iba jan, wag nang kumontra. Pwera lang kung yung trip nya eh yung adik trip na talaga. Tirahin nyo rin sya, gusto nyo martial arts pa eh, kungfu go! Pero kung trip ng isang tao ang magsenti sentihan, hayaan nyo lang sya, he'll eventually learn something by himself. Experience is the best teacher 'ika nga!

Huwebes, Mayo 1, 2008

Book Lovers

Walang komento:

Book Lovers
April, 2008


Sa shala-shalahang bookstore na itatago na lang natin sa pangalang Aklat ng Kapangyarihan, namimili ang isang maganjang dilag na si Annie. Namimili as in picking, hindi buying. Hindi naman kuripot tong si ateng Annie, pero meron syang ibang produktong gustong sampolan.

Enter hunk in blue jacket. Sya si Alex, pero for dramatic purposes, tatawagin natin syang Alexis! Nagkatitigan kagad ang dalawa at may sparks na tumalsik, dahil may naghihinang ng nasirang pintuan nung magshoplifting dito si Aling Janna nung makalawa. Heniweys, ayun na nga at lumapit na si Annie kay Alex.


Annie
:
Alexis, ikaw ba yan?

Alexis: No, I'm Alex.

Annie: Alexis, ikaw nga, si Annie to!

Alexis: I don't know you!

Annie: Callboy ka ba?

Alexis: No, I'm not!

Annie: Callboy ka eh, nasa accent mo.

Alexis: You mean call center agent!

Annie: Whatever, same lang yun.

Alexis: Whatever!

Annie: Call me Annie.

Alexis: Hello, Annie!

Annie: Alexis!

Alexis: What?

Annie: Alexis!!

Alexis: Ano nga?

Annie: Wala lang. Alexis!

Alexis: Annie?

Annie: You're weird, kakatuwa ka lang ha!

Alexis: Whatever!

Annie: What's this? (biglang hablot)

Alexis: I'm buying that!

Annie: Alexis!

Alexis: Annie?!

Annie: Alexis!

Jeremy: Crispin!

Annie: Alexis!!

Jeremy: Basilio!

Annie: Alexis!!!

Jeremy: Mga anak ko, nasan na kayo?

Annie: Alexis!!!

Jeremy: Shhh, keep it down please!

Annie
:
Panggulo kayo ha!

Jeremy: Nagbabasa ako dito!

Annie
:
Hindi ito library!

Jeremy: Shut up!

Annie
:
Nasan na ba si Alexis?

Jeremy: Malay ko, alis nga jan.

Annie
:
Sorry ha!



~0~



Lumingon si Annie sa kanan, wala? At pumanig sa kaliwa, wala rin. Nasan na si Alexis. Kids, help Annie look for Alexis! Nagtatakbo si Annie palabas ng pinto ng biglang...


BUZZ!!!


Guard
:
Ma'amsir, pwede po ba mainspect ang gamit nyo?

Annie
:
Wala akong ginagawang masama?

Guard: Itsetsek lang po namin ma'amsir.

Annie
:
Ako'y tao lang na natutukso rin.

Jeremy
: Ayyy, dramatic ang araw kong ito ha!

Guard: Ma'amsir, kasama nyo po ba sya?

Jeremy: You talking to me?

Guard
:
Yes, ma'amsir.

Jeremy: Ang gulo mo kasi eh, hindi ko kilala yan.

Guard
:
Ah sorry po ma'amsir.

Annie
:
Help me naman!

Jeremy: Winona Ryder ka ateh! Sa isip, sa salita, at sa gawa. Guard, dakpin na yan.

Guard: Yes, ma'amsir!

Annie
:
Feeling kontrabida ka naman, extra ka lang dito, series ko to noh.

Jeremy: Ayyy, syempre pa, once in a lifetime to!

Annie
:
Babangon ako at dudurugin kita!

Jeremy: Picturan nyo na yan, at lagyan ng "WAG TULARAN" sign.

Annie
:
Kids don't try this at home!

Guard
:
Ma'amsir, shut up! Any you say is use against to you!

Jeremy: Ano daw?!

Annie: Ewan ko rin!

Alexis
:
Annie?!

Annie: Che! Oh sorry, kaw pala yan, Alexis my love!

Alexis
:
Sorry, you got the book that I was planning on buying. Sir, this is all a big mistake.

Guard
:
Ah ok. Please pay to the counter, cash or credit card?

Alexis: I'll take it from here.

Annie
:
Please take me with you!

Jeremy: Feeling habah hair ka ateh ha!

Annie
:
Ashushuh!

Alexis: Sorry if I left you without a word.

Annie: Ok lang, you came back naman. And that's all that matters now.

Alexis
:
Shhh... Annie?

Annie
:
Alexis?

Alexis: Annie!!

Annie
:
Alexis!!



~0~



Some books are to be tasted, others swallowed, and some few chewed and digested ayon kay kuya Francis. Everyone needs at least to read something once in while para naman maexcercise ang brain tissues, for memory enhancement ito. Reading helps you to be creative. Who knows, the fairy tales you were reading might come true. Wag ka lang umasa na may poisoned apple at fairy godmothers pa.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails
Animated Social Gadget - Blogger And Wordpress Tips